003

727 24 34
                                    

Nasa coffee shop ako ngayon, pero walang tao dito banda sa pwesto ko.

Napatingin ako sa mga libro na parang may nagliwanag at bumalik ulit sa dati iyon. Hindi ko na lang 'yon pinansin, dahil baka namamalik mata lang ako.

Pero napatingin ako ulit sa gawi no'n, at nakita ko na ang librong nagliwanag kanina.

Napatingin ako sa paligid ko at wala pa rin namang tao, kaya lumapit ako sa bookshelf kung saan nakalagay ang nakita kong libro na nagliwanag kanina.

Nang makalapit ako sa bookshelf, hahawakan ko na sana yung librong nagliwanag pero, bigla iyong nalaglag.

Pupulitin ko na sana 'yon ng may ibang kamay ding pupulot sa libro. Sabay namin napulot ang libro.

Pero labis na lamang ang gulat ko ng bigla ulit nagliwanag at kinain kami ng liwanag na 'yon kasama ang lalaking pumulot rin ng libro.

"Ahh!!!" malakas na sigaw ko habang nilalamon kami ng liwanag, medyo nahihilo rin ako sa paghigop nito sa amin.

Labis na lamang ang gulat ko ng hinawakan ng lalaki ang kamay ko. Habang nilalamaon kami ng liwanag.

"Ouch!"

Bumagsak kami sa hindi ko alam na lugar. Napatingin ako sa lalaking nasa aking harapan. Napatulala ako sa tsokolate n'yang mga mata.

"Miss, pwede bang umalis ka sa pagkakadagan sa 'kin?" nang mapagtanto ko na bumagsak pala ang kalahati kong katawan sa lalaking ito. Bigla akong namula sa naging posisyon namin kanina.

"Ayy, sorry" hingi ko na lang ng tawad sa kanya. Nakakahiya.

"Nasaan tayo?"

Inikot ko ang buong paligid kung saan kami bumagsak ng lalaking kasama ko.

"Fuck!" mabilis ako na napatingin sa kanya ng bigla s'yang nagmura.

"Bakit?"

"Magtatanong ka pa? We're trap here" mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Pero napatingin ako sa tinuro ng daliri niya.

"THIS IS AN EMPTY BOOK. CREATE YOUR OWN STORY"

Nakita ko itong mga salita na nakasulat sa hangin. Pero mas lalo lamang akong naguguluhan sa nangyayari.

Nilibot ko ulit ang paningin ko sa buong paligid. Mga kakaiba at makababong teknolohiya ang nakikita ko at napansin kong walang ibang tao kundi kaming dalawa lang ng lalaking kasama ko.

Tumingin ako sa lalaking kasama ko, at doon ko lang napansin na Gwapo niya, may makakapal na kilay, mahahabang pilik mata, matangos na ilong at may mapupulang labi, matangkad din s'ya. Siguro kikiligin pa ako kung wala kami sa sitwasyong ito.

"Anong gagawin natin?" tanong ko pero kumibit balikat lamang s'ya.

"Hoy!! Saan ka pupunta?" sigaw ko ng mag lakad s'ya palayo sa akin

"Somewhere, hahanap ng paraan para makalabas dito" sabi n'ya ng medyo cold o sadyang ganun lang s'ya?

"Wait! Hintayin mo ako!" sigaw ko at agad sumunod sa kanya

--

Hindi ko na alam kung ilang araw o buwan na ba kami dito ni Jake simula ng mapunta kami dito sa lugar na ito. Sa pinasukan naming libro.

Kompleto ang lahat na kakailanganin namin ni Jake pero mga tao lang talaga ang kulang. Pero kahit na ganoon, masaya ako at masaya kami, kahit na dalawa lang kami ang nandidito masaya pa rin kami.

Sa una hindi kami sanay ni Jake, dahil wala talagang tao kundi kami lang. Mahirap mag adjust pero dahil sa kasama ko s'ya, napadali lang 'yon sa akin.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon