049

99 6 0
                                    

"Oh? Ano na mama? Bakit hindi mo ako sermonan ngayon ha?" Sarkastiko kong sabi pero wala akong nakuhang sagot.

"Gabi na naman ako umuwi oh? Hindi mo ba ako papagalitan?" Wala na naman akong nakuhang sagot.

Nagpatuloy ako, "umiinom ako ng beer oh!" Inangat ko pa sa ere yung bote ng alak but still no response.

"Ano?! Nasaan na yung ratatatat mong bunganga?" Tumawa pa ako.

"Mama naman e!" Hindi ko na napansin ang pag takas ng luha sa aking mga mata.

Kumanta ako bigla ng may maalala.

"Happy birthday to you, happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday,  happy birthday to you~"

"Happy Birthday mama! I love you— ayy oo nga pala! Wala ka na." Malungkot kong sabi.

Kung sana umuwi ako noong Birthday niya, sana kasama ko po siya.

Umihip ang malakas na hangin na dumadampi sa aking balat.

Napatingin ako bigla sa puntod ng aking mama na may pangalan niya.

"Bakit mo kasi ako iniwan? Hindi ko pa nga nasasabi sayo yung three majic words e! Hindi pa kita nayayakap ng mahigpit. Miss ko na mga sermon mo!"

Napahagulgol na naman ako ng iyak.

"Sorry Ma. Sana pala noon ko pa ginawa yung mga hindi ko nagawa sayo noon. Yung nga pananaway at sermon mo na kinaiinisan ko noon ay sobrang miss na miss ko na ngayon."

At yung tatlong salita na "I love you" alam kong maririnig mo iyon mula sa langit pero hindi ko na makikta yung reaksyon mo pag nasabi ko iyon.

No matter how hard I cried while saying I love you to you... Hinding-hindi na kita makikita.

--

HartleyRoses

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon