013

227 14 0
                                    

Pagod na pagod akong umuwi galing trabaho, pero nawala ang lahat nang 'yon ng makita ko ang asawa ko na naghahanda sa may dining area.

Lumapit kaagad ako sa kanya, and I hugged her back. Inamoy-amoy ko ang buhok niya na palagi kong ginagawa.

"Hmm, your hair is smell good. Hindi ako magsasawa" I smiled while saying those words

"Dumating ka na pala asawa ko, hindi ka ba napagod? Kagagaling mo lang ng trabaho" humarap na siya sa akin, at nakita ko kaagad ang maaliwalas niyang ngiti.

"Paano ako mapapagod, kung kayakap ko na ang lakas ko?" hinampas niya ang aking braso at mahinhin na tumawa.

"Sus! Nambola pa ng asawa ko, halika na nga at kumain na tayo" I smiled and stared at her nang makaupo na kami.

Pumangalumbaba siya habang nakatitig din sa akin "Bakit ganyan ka makatingin?" nakangusong tanong niya

"Hmm, i'm just memorizing that gorgeous face of yours" she rolled her eyes at me

"Kumain na nga tayo" I saw how she bite her lower lip, siguro pinipigilan niya ang ngumiti.

"Kinilig ka lang e" pang-aasar ko, at inirapan na naman niya ako

Muli na naman akong tumitig sa kanya.

"Ba't ganyan ka ba makatitig sa akin" naiilang niyang sabi.

"Mamimiss ko kasi 'yang mukha mo, may business trip pa naman ako ng dalawang araw, at ngayon na ang alis ko" malungkot na sabi ko

"Aww, ang asawa ko. It's okay, mamaya I will take a picture sa phone mo para hindi mo na ako makalimutan" I happily nodded at her na parang bata na nabigyan ng candy.

Masaya kaming kumain ng asawa ko. Nagpicture siya sa phone ko, at nagpicture din kami ng magkasama.

Kahit ganito lang kami ay masaya na ako. Kasama ko lang siya ay masaya na ako.

"I will miss you asawa ko" sabi ko nang paalis na ako.

"Ikaw talaga, dalawang araw ka lang naman doon" natatawa niyang sabi.

"Basta babawi ako sayo. Mag-iingat ka ah?" I kissed her forehead and her lips.

"Opo, asawa ko" she smiled again

"I love you" I said

"I love you too, asawa ko. Mag-iingat ka din"

Bigla akong napatingin sa bahay ko. Sobrang dilim na parang napakalungkot ng bahay na ito. Hindi na malinis katulad ng dati.

Kusang tumulo ang luha ko sa mga ala-alang 'yon.

"A-asawa ko" nahihirapan at napipiyok kong sabi.

"God! I miss my wife so d*mn much" napaluhod ako habang hawak ang aking dibdib

"Sana hindi na lang ako natuloy sa business trip ko, sana hindi ko na lang siya iniwan dito para sana nailigtas ko siya at nandito pa rin siya sa tabi ko." Ako lang naman ang mag-isa sa bahay na ito, kaya inilabas ko ang lahat ng sakit na nadarama ko.

"Bakit ganito? Ilang taon na ang nakalipas pero bakit ang sakit-sakit pa rin?" patuloy lamang sa pag-agos ang luha sa mga mata ko.

"Hanggang kailan ako magkukunwaring nandito pa rin siya sa tabi ko? How can I escape the reality that she's already gone?"

Napatingala ako at patuloy pa rin sa pag-agos ang luha sa magkabilang mata ko.

Sabi nila kapag lumipas na daw ang panahon ay makakalimutan ko din ang sakit? Pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako makawala?

"Asawa ko?" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon

Parang gusto kong sumigaw sa saya ng makita ko siya. Ang dami kong tanong, pero walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko.

"Wake up now, asawa ko. Pinapalaya na kita, kaya palayain mo na rin ang sarili mo. Ayoko na nakikita ang lalaking mahal ko na nasasaktan at nahihirapan ng dahil sa akin. It's not your fault, so please wake up. Napakaganda ng reyalidad, at marami pang tao ang nagmamahal sayo. I love you."

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko sa narinig ko. Tama siya, hindi lang siya at ang sarili ko ang nahihirapan sa sitwasyong ito, pati na rin ang mga taong nagmamahal sa akin ay nahihirapan din. Naging makasarili ako.

Patawad at naging makasarili ako.

Titignan ko sana ulit ang babaeng pinakamamahal ko, pero nawala na siya sa paningin ko.

Ngunit nagsalita ako, dahil alam kong maririnig niya 'yon. Gusto kong malaman niya ang sagot ko.

"Yes, asawa ko. Mabubuhay ako, para sayo. Gigising at babalik na ulit ako, hindi lang para sa sarili ko kundi para sa mga taong nandito at nagmamahal sa akin. Mahal na mahal din kita."

--

HartleyRoses

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon