Napatingin ako sa napakalalim at madilim na bangin na siyang tatalunan ko para mawala na sa mundong ito.
Pero bago ko iyon gawin ay naisip ko ang mga taong natulungan ko at mga napasaya ko kaya hindi ko maiwasang mapangiti.
"At least bago ako mawala may mga tao akong napasaya at natulungan." Na siyang hindi ko nagawa sa aking sarili.
Akala ng lahat napakasayahin kong tao, palabiro, palangiti, matulungin, mabait, walang problema... pero hindi nila alam kapag mag-isa na ako ay nag-iisip na ako ng iba't ibang paraan para tapusin na ang buhay na mayroon ako. At hinding-hindi ko iyon ipapaalam sa lahat.
Napapikit ako habang nakangiti at naramdaman ang banayad na hangin kaya marahang tinangay ang mahaba at nakalugay kong buhok.
Nang mag mulat ako ng mga mata ay tatalon na sana ako ngunit may napansin ako sa gilid ng aking mata kaya napalingon ako.
Isang lalaki na nakaupo at yakap ang kanyang tuhod.
Naramdaman niya ata ang aking tingin kaya nag-angat siya ng ulo para makita ako dahil nakatungtong ako sa malaking bato.
Ngumiti naman kaagad ako ng matamis sa kanya pero napabuntong hininga kasi mukhang may problema ang isang 'to at kailangan ang tulong ko.
Bumababa ako sa pagkakatungtong sa bato at lumapit sa kanya ng nakangiti kaya nangunot ang kanyang noo.
Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya ay nagsalita ako.
"Hindi ka makatulog?" Pansin ko kasi ang malaking eyebag sa ilalim ng mata niya at halatang walang tulog.
Pero imbis na sagutin ang tanong ko ay napatulala ako sa sinabi niya.
"Magpapakamatay ka 'no?" Pero umiling ako sa kanya at ngumisi.
"Hindi kaya! Gusto ko lang maramdaman yung paghampas ng hangin sa akin kasi nakakagaan sa pakiramdam." Tumango lamang siya sa sagot ko.
"May insomia ka ba?"
"Oo."
Napabuntong hininga ako sa lalaking ito, mukhang mahihirapan ako dahil masungit ito.
Ngumiti pa rin ako sa kanya.
"Tara! May alam akong lugar!" Hinila ko ang kanyang kamay para makatayo at sundan ako.
Mga ilang minuto lakad lang ay nandito na kami sa may abandonadong park pero para sa akin napakaganda pa rin nito.
Umupo kami sa sahig dahil puro green grass naman dito.
Tinanggal ko ang aking jacket para maging sapin namin sa pagkakaupo.
"Halika na dito!" Pinagpag ko pa ang aking tabi para makaupo siya na ginawa naman niya pero nagtataka ata siya sa kilos ko.
"Ano bang ginagawa mo?"
"Wala, matutulog lang tayo tapos mag k-kwentuhan!" masaya kong sabi.
"Hindi ka ba natatakot sa akin?" Turo niya pa sa kanyabg sarili at umiling ako.
"Hindi. Kasi alam kong mabait ka." At bumungisngis ako.
Madaling araw pa lang kaya malamig pa rin dito, mabuti na lang at naka t-shirt ako pero nagulat ako ng ibinigay niya sa akin ang suot niyang Jacket.
"Bakit?" Taka kong tanong. This my second time na may naging concern sa akin.
"Wala, tinanggal-tanggal mo kasi Jacket mo, alam namang malamig sa lugar na ito at madaling araw pa." Natawa ako sa sinabi niya at isinuot ko na lang ang Jacket niya.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...