098

90 5 0
                                    

REMEMBER THE PROMISE

7 years old

"Sabay nating lalabanan sakit natin ah?" sabi ko sa batang lalaki na nakilala ko na ang pangalan ay Zeig.

"Oo naman, promise? Pinky swear?" Napangiti ako ng makita ang maliit niyang kamay na nag yaya ng pinky promise.

Tinaas ko ang maliliit ko rin mga kamay.

"Promise! Pinky swear!" At nag-isa ang mga maliliit naming kamay.

--

16 years old

"Olivia! Ang kulit mo talaga!" Nilabas ko ang dila ko at inasar siya.

"Bleh!"

Pero napasapo ako sa aking dibdib dahil sa kakatakbo.

Naramdaman ko na may umalalay sa akin at nakita si Zeig.

"Sabi ko naman sayo e! Look, hiningal ka tuloy. Tara na doon sa room mo, magpahinga ka na, mamaya iinom pa tayo ng mga gamot natin." Imbis na malungkot ay natawa ako sa sinabi niya.

"Coming from the guy na hindi hiningal kahapon?" Sabay tawa ko ulit.

Pero napahinto ako sa pagtawa ng makita ko siyang nakatitig sa akin ng seryoso.

"Ano?" tanong ko kahit na naghuhumirintado na ang puso ko pero hindi dahil sa kaba— pero dahil sa presensya niya.

"Olivia... I like you." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"H-Hindi mo naman kailangan sagutin ang sinabi ko—" pinutol ko siya.

"Gusto rin kita." Nakangiti kong sabi.

Sa sakit na mayroon kami, narealize ko na hindi na dapat pinapatagal ang bagay kung hindi ka na sigurado kung kailan babawiin ang buhay mo.

Kitang-kita ang panlalaki ng mga mata niya sa sinabi ko at ang kaninang malungkot na mukha ay unti-unting sumaya.

"Talaga?!" Tumango ako.

At napaigtad na lang ako ng maramdaman ang mahigpit niyang yakap.

"Uy, dahan-dahan lang, hindi ka na naman makahinga." Natatawa kong sabi.

"Hindi naman ito sa sakit ko, dahil ito sa saya na pinadama mo."

"Ang corny mo haha!"

"Ako lang mamahalin mo hanggang huli ha? Promise?"

I smiled. "Promise."

Then we do the pinky swear na siyang palagi naming gingawa simula bata pa.

--

28 years old.

"Olivia?!" My eyes grew bigger.

"Zeig?! OMG! It's you!"

"Yeah, it's me." Nakangiti niyang sabi.

Pero unti-unting nagtuluan ang mga luha sa mata ko.

"Namiss kita..." Pinahid ko ang mga luha ko na nag-unahan sa pag tulo.

But I smiled bitterly when I saw him with another girl.

"Who is this beautiful girl?" I ask, kasi nakita ko siyang kanina pa nakangiti sa akin.

I saw Zeig snaked his arms in the girl's slim waste.

"She's my future wife," he happily said.

"Olivia..." I cocked my head on the right side when I heard the familiar voice.

"Casper." I smiled. He kissed my cheeks.

Casper look at Zeig and to the girl.

"Who are they?"

"Zeig... my childhood friend and his future wife. And my Casper... my boyfriend." Pagpapakilala ko sa kanila.

We smiled and talk a bit.

At nang nagpaalam na muli si Zeig ay hindi ko maiwasan na maalala lahat.

Yes, nainlove ako sa ibang lalaki at ganoon din siya pero kapag naaalala ko ang nakaraan ay hindi ko maiwasan na malungkot.

'Remember the promise?'

Gustong-gusto ko na tanungin 'yon pero hindi ko na ginawa.

Natupad yung pangako namin na gagaling kami sa sakit namin, pero hindi na natupad yung pangakong mamahalin namin ang isa't-isa sa huli.

Siguro nagkakilala lang kami para alalayan ang isa't-isa noong mga panahong mahina pa kami— at inakala namin na pagmamahal na 'yon pero hindi, na mis-interpret lang namin ang lahat dahil hindi namin na explore ang mga bagay at ang nakasama lang namin ay ang isa't-isa.

And promises are meant to be broken kung mali at hindi talaga para inyo ang pangakong binitawan.

--

HartleyRoses

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon