059

96 6 0
                                    

IT WILL RAIN

~If you ever leave me baby,
Leave some morphine at my door
'Cause it would take a whole lot of medication
To realize what we used to have,
We don't have it anymore~

I'm here now on the stage singing in front of many people. I am a guest here, may 18th birthday na nagaganap sa sikat na bar na ito at dahil idol ako ng birthday girl ay kinuha ako ng mga magulang niya to perform here.

Ang kinanta ko ay yung kanta ni Bruno Mars na It will rain.

~There's no religion that could save me
No matter how long my knees are on the floor
Ooh so keep in mind all the sacrifices I'm makin'
Will keep you by my side
Will keep you from walkin' out the door.~

Bawat lyrics na lumalabas sa bibig ko ay dinadama ko, mabagal lang ang pagkanta ko kaya halos lahat ng tao ay tahimik na nakikinig sa akin at dinadamdam rin ang kanta.

Napapikit ako. This is my passion.

Pero nang mag mulat ako ay sa kanya tumama ang mga mata ko.

Nasa sulok lang siya at medyo madilim sa kinaroroonan niya pero hindi ako maaring magkamali, kahit anim na taon na ang nakakaraan ay siya iyon.

Nang mag chorus ang kanta ay tumitig ako sa kanya, kahit sobrang talim at ang dilim ng tingin niya sa akin.

~Cause there'll be no sunlight
If I lose you, baby
There'll be no clear skies
If I lose you, baby
Just like the clouds
My eyes will do the same, if you walk away
Everyday it will rain~

Bigla na lamang may tumulong luha sa mga mata ko nang maalala ko ang nakaraan kasama siya.

Napapikit na lamang ulit ako.

"Grabe ang galing niya talaga."

"Yeah, no doubt na sikat na sikat siya ngayon."

"Look! Is she crying?"

"I think? Halatang passion niya talaga ang pagkanta 'no? Damang-dama niya talaga e!"

"Shhh... huwag kayong maingay, kumakanta pa siya."

Narinig ko pang nag bulungan ang mga tao pero hindi ko na ito pinansin.

Tinuloy ko ang pagkanta ng nakapikit at hindi na siya tinignang muli.

At habang kumakanta ay hindi ko maiwasan na maalala ang lahat. Why I am here.

--

"Excuse me! Excuse me!" mabilis kong sabi habang tinatabing ko ang mga taong humaharang sa daanan ko.

"What the?!" may malakas na sumigaw, at siya ata ang natulak ko but I don't have enough time to chichat with-

"Hey, Miss!" sigaw niya muli at hinablot ang kamay ko.

Napalingon ako sa kanya at dito ko lang napansin na lalaki pala ang nakabungguan ko.

"Okay! I'm sorry, but I need to go now," I said. Fudge baka malate pa ako dahil sa bwiset na 'to!

"You are not sincere, tho." Inangat ko na ang tingin ko sa kanya dahil matangakad siya sa akin.

Nakita ko ang madilim niyang titig sa akin, ang makakapal niyang kilay na magkasalubong, ang matangos niyang ilong, ang namumula at mamasa-masa niyang labi na nakaisang linya. He's handsome, but I don't have any time para i-appreciate pa ang perpekto niyang mukha.

"Why the heck is your problem? I say sorry na! Hindi ko sinasadya, okay? At umalis ka nga sa daraanan ko! I'm already late, argh!"

Tinalikuran ko na siya at dumiretso ako sa may gym kung nandoon pa rin ba ang audition for singing dito sa school namin.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon