094

97 4 0
                                    

I FELL OUT OF LOVE

Yung relasyon namin ni Harry ay five years na, at hindi ko talaga na darating ako sa puntong ito— na mawawala pagmamahal ko sa kanya.

"Ayoko na, tama na Harry. Mag break na tayo."

Nag makaawa ako, dahil gusto ko ng kumawala. Ayoko ng mag stay sa isang bagay na wala ring patutunguhan, ayoko ng mag stay sa isang bagay na marami lang ang masasayang, na sa huli ay may masasaktan lang.

"No, ayoko. Sinasabi mo lang 'yan ngayon dahil nagsasawa ka na, dahil ako palagi ang iyong kasama, dahil ako palagi ang nakikita mo. Gusto mo lang ng bago, pero alam ko ako pa rin," he coldly said.

"Harry! Wala na akong maramdaman okay? Hindi na katulad ng dati! Hindi na bumibilis tibok ng puso ko sayo! Hindi na ako kinikilig! Hindi na ako masaya! Hindi na ikaw!" Nakita ko ang sakit na bumalatay sa mga mata niya nang marinig ang sinabi ko.

Alam kong masakit pero kailangan kong sabihin ang totoo.

"Ayoko. A real man, will do everything and a real man never gave up that easily. Hindi ako susuko sayo, Shana. Hindi mo ako katulad na nawala lang yung kilig at saya ay susuko na..."

Wala akong nasabi, dahil ang gusto ko lang ay kumawala na.

Pero katulad ng sinabi niya gumawa siya ng paraan. Lahat ginawa niya para mag work ang relasyon namin katulad ng dati, tinulungan ko siya... pero wala na talaga.

Napakaswerte ng mamahalin niyang babae, at ang malas ko dahil hindi ko iyon makita.

Months had passed.

I looked at him while he's on bended knees infront of me— begging na sana ay siya na lang ulit.

Dark circle under his eyes, messy hair, sadness was writen all over his face.

Napakasakit na makita siyang ganoon. Alam kong pagod na rin siya.

"Tama na Harry," umiiling kong sabi habang patuloy na lumuluha.

"Naging mabuti naman akong boyfriend. I never cheat on you. I always give you my time. I always make an effort for you. Please, sabihin mo kung anong kulang, lahat gagawin ko."

Pinatayo ko siya pero hindi niya ginawa.

"Harry, walang kulang sayo. You're almost perfect. Ako lang yung mali, dahil hindi ko masuklian 'yon. I know na may makikilala ka pang iba, and she deserve your love not me dahil masasayang lang lahat 'yan."

He look up at me, full of tears in his eyes.

Masakit na makita siyang gano'n, hindi dapat siya nagmamakaawa sa akin, dahil ako yung may mali. Masakit din dahil alam ko na minahal ko siya, na naging masaya ako sa kanya.

"A-Anong gusto mo? L-Lahat gagawin ko." His voice cracked.

"Iwanan mo na ako, at magmahal ka ng iba na deserve ang pagmamahal mo."

Humagulgol siya ng iyak sa harapan ko. Isang lalaki na napakabuti ang umiiyak dahil sa akin.

"H-Hindi ko kaya, pero gagawin ko dahil mahal kita. A-And can I ask you a favor?"

"Ano 'yon?"

"Pwede ba kitang yakapin?" Tumango ako.

At nang niyakap niya ako, naramdaman ko lahat. Ramdman ko yung sakit sa yakap niya.

At mas lalo pang sumakit dahil dinig ko ang hikbi niya habang unti-unti akong binibitawan.

"Gusto ko lang sabihin ang tunay kong nararamdaman, mahal na mahal kita Shana. Mahal na mahal kita na kahit masakit, papakawalan kita."

"I know ngayon lang 'yan, Harry. Hindi ko ito ginawa dahil hindi na kita mahal... ginawa ko ito kasi alam kong totoo kang nagmamahal, at ayokong mas masaktan ka sa huli."

Then I realize, sa pagmamahal kailangan mong maging tooo kahit na masakit, para sa huli walang may mas masasaktan, lalo na yung totoong nagmamahal.

At may mga bagay rin na kahit anong pilit ay hindi na maibababalik kaya kailangan mo ng pakawalan para wala ng masaktan.

--

HartleyRoses

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon