GROUP YOURSELVES INTO...
We're having our retreat. Napagkasunduan namin itong mag ka-klase at kasama ang adviser namin since malapit na ang bakasyon.
Nagkanya-kanya kaming upo sa bus na nirent namin. And syempre katabi ko ang Boyfriend ko.
Lahat na ay nakaayos at nagsimula ng umandar ang bus sa destinantion namin.
Nalungkot ako sa isiping pagkatapos nito ay magkakaiba na kami ng tatahakin. May iba na lilipat na ng school at may iba naman na mag s-stay pa rin. College na kami next school year. Kakagraduate lang namin last week at ito ang plano namin pagkatapos ng graduation namin.
Nakatulog ako sa byahe at ginising na lang ako ni Thaddeus ng makarating na kami.
Kahit pagod galing sa byahe ay lahat kami ay namangha sa view. Sobrang linaw na dagat at mapuputing buhangin.
Pumunta muna kami sa mga hotel room namin para mag-ayos ng damit at para makapag swimming na.
Pagkatapos naming mag swimming ay kumain na kami sa mga kanya-kanya naming dalang pagkain at magsalo-salo.
Lahat kami ay masaya. Nang dumating na ang hapon ay may mga iba akong classmate na nagpahinga muna at yung iba naman ay patuloy pa rin sa pag swimming katulad ko.
Nag pagames ang teacher namin ng malapit ng maggabi.
Kumpleto na kaming lahat at nag simula na kaming maglaro. Minsan napapasali ako sa ibang pagames ng teacher namin, may iba namang hindi.
Hanggang sa nilamon na ang kalangitan ng kadiliman pero patuloy pa rin kami sa paglalaro.
"Okay class! So this game dapat kasali na kayong lahat okay? No KJ please?!"
Pagkasabi no'n ni ma'am ay ang daming nagsigawan sa tuwa ang iba naman ay padabog na tumayo dahil ayaw sumali pero wala naman silang nagawa.
Lahat kami ay nakatayo na ng magsalita ulit si magsalita si ma'am.
"This game is called, Group yourselves into... then magbabanggit ako ng mga numbers..." pinaliwanag ni ma'am ng maigi ang games kahit karamihan sa amin ay alam naman na ang laro.
Magsasabi si ma'am ng number at dapat mag g-grupo kami sa nasabing number ni ma'am at dapat excact kaming group na magkakayakap sa babanggiting numero.
Nagsimula na si ma'am sumigaw. Lahat ay nag sisigawan dahil ayaw nilang malayo sa ibang grupo at mataya.
Nung una ay madali lang dahil kadalasan sa mga natatanggal ay ayaw naman talaga sumali kaya nagpaparaya na.
"Okay! Group yourselves into Five!" At naghanapan na kami ng iba't-ibang tao na magiging lima kami. Nagyakapan kami kapag nakukumpleto.
"Babye James," sigaw pa ng isa kong classmate sa mga natanggal at nagtawanan kaming muli.
"Group yourselves into Three!"
"Group yourselves into Six!"
"Group yourselves into Four!"Maraming natanggal. Maraming nadismaya at nagrereklamo. Marami ring nagtatawanan kapag natatanggal yung mga kaibigan nila tapos aasarin.
Nagpatuloy pa rin ang laro hanggang sa tatlo kaming natira.
Ako, ang Boyfriend ko at ang Ex ng boyfriend ko.
Napalunok ako dahil alam ng lahat na may namagitan sa kanilang dalawa dati at alam nilang ako na ang Girlfriend ni Thaddeus ngayon.
Umatras ako.
"Ma'am okay na po, tapos na ang laro," ani ko.
Lahat ay nagsigawan sa pagkadismaya dahil gusto pa nilang ipagpatuloy ang laro. Mukhang nasisiyahan sila sa nangyayari.
Tumingin sa akin si Linette, and Ex ni Thaddeus.
"What? Scared?" sabi niya.
Napalabi ako.
Oo natatakot ako. Kasi kahit ako ang Girlfriend ay baka piliin ni Thaddeus si Linette.
"No, i'm not," matapang na sabi ko. Pero ngumisi ito ng sarkastiko.
Napatingin ako sa Boyfriend ko at tahimik lamang ito na parang may malalim na iniisip.
"Let's start. Group yourselves into Two!" sigaw ni ma'am.
Hindi ako umalis sa pwesto ko kasi natatakot ako na baka ako ang mataya. Na baka hindi ako anv piliin ni Thaddeus.
Ngunit halos punitin ang puso ko ng makita kong papunta ang mga hakbang ni Thaddeus kay Linette.
Parang tinutusok ang puso ko ng mga sandaling iyon. Alam ng lahat na ako ang pipiliin ni Thaddeus dahil ako ang Girlfriend.
Pero mas nakakagulat ang sumunod na pangyayari. Hindi lang ako ang nagulat kundi ang lahat na nandito dahil hindi namin ito inaasahan. Hindi ko ito inaasahan.
May naramdaman akong mainit na yakap sa katawan ko.
Naestatwa ako.
Sobrang higpit ng yakap niya. Ang yakap ni Linette.
Lahat ay natulala sa nangyari, pati si Thaddeus.
Pahiyang-pahiya si Thaddeus dahil akmang yayakapin na sana niya si Linette pero hangin na lamang anv nayakap niya ng pumunta sa akin ang Ex niya.
Nabalik lang kaming lahat sa ulirat ng magsalita si Ma'am.
"Okay may nanalo na!"
Pero tahimik pa rin ang lahat pagkatapos magsalita ni ma'am.
Kumalas sa yakap si Linette sa akin.
"You! Wala ka talagang kwentang lalaki? Papahiyain mo rin pati si Xia?!" Tinuro ni Linette si Thaddeus.
Lahat kami ay naguguluhan.
"Once a cheater is always a cheter. But I gave you a chance kaya hinayaan kita na mapunta kay Xia." ani Linette.
"Akala ko nagbago ka na, pero hindi tama na bumalik ka sa akin na sasabihin mong mahal mo pa rin ako at gusto mong maging tayo ulit kahit may kayo ni Xia? Huh?!"
Natupos si Thaddeus sa kinatatayuan niya, "L-let me expla—" hindi niya natapos ang kanyang sasabihin.
"GAGO!" sigaw ni Linette.
Biglang uminit ang magkabilang gilid ng mata ko.
Lumingon si Linette sa akin at kita sa mga mata niya ang lungkot at panghihingi ng tawad sa akin.
"I'm sorry Xia. Pumayag ako sa gusto niya na maging kami kahit may kayo. I'm really sorry. Hindi ko na siya mahal pero pumayag ako sa gusto niya para dumating ang araw na ito. Ang mapahiya siya sa lahat at malaman mo ang totoo na niloloko ka lang niya."
Napailing ako pero kusa ng tumulo ang luha ko.
"N-no. Hindi mo kailangang mag sorry. A-ako dapat ang mag thank you sa ginawa mo. Thank you. Very much."
Napatingin kami kay Thaddeus, gano'n din ang mga classmate namin.
Parang hiyang-hiya siya sa kinatatayuan niya.
Pinagbubulungan siya ng lahat.
May iba naman na nagtawanan dahil sa nangyari.
May iba na masama ang tingin sa kanya.
"Kulang pa 'yan sa ginawa mong hayop ka." madiin kong bulong.
Tumingin pa siya sa gawi ko na para bang hinihingi ang tulong ko.
But my middle finger salutes him.
"Fuck you!"
--
HartleyRoses
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...