007

380 20 2
                                    

LIHAM KAY BAKLA ;

"Bakla, ang pogi talaga ng kapatid mo!" Sabay hampas ko sa kaibigan kong bakla.

"Pogi ba yan? Ang pangit naman ng taste mo, bakla." Natawa ako sa sinabi niya.

"Hahaha, eh kakambal mo kaya 'yan and magkamukha kayo. Edi pangit ka din?" Bigla siyang nandiri sa sinabi ko.

"Yak! Bakla ka, hindi kaya kami magkamukha!" Tapos kunwari sumusuka siya.

"Ang arte nito. Basta crush ko yung kambal mo. Bakit ba kasi ayaw mo akong tulungan sa kambal mo?" Bigla siyang sumeryoso kaya napatahimik ako.

"Diba alam mo namang hindi kami close?" Shems, hindi ito yung baklang kilala ko.

"Ayy, sorry." Tapos napakagat labi pa ako.

Bigla siyang ngumiti sa akin ng matamis kaya napahinga na lang ako ng malalim.

"Kinabahan ako sayo bakla." Sabay tawa ko.

"Halata nga sayo, hahaha."

"Eh ikaw kasi!" Sabay hampas ko sa braso niya na malaki, habang nakahiga yung ulo ko sa hita niya. Nandito kami sa may field sa may damuhan habang kumakain ng lunch.

Tumitig ako sa kanya, bakla talaga. Sayang yung makakapal na kilay, mahabang pilik mata, tsokolateng mata na kahit sinong babae ay mahuhulog, matangos na ilong at mapupulang labi. Bakit ba kasi bakla yung nilalang na ito? Sayang talaga siya.

"Makatitig ka naman sa akin bakla, siguro may gusto ka sa akin?" maarte niyang sabi, at nabilaukan naman ako sa sarili kong laway.

"Anong may gusto sayo? Yak! kadiri ka!"

"Makakadiri ka naman sa akin, bakla ka!" Nagtawanan kami.

Habang tumatawa bigla nalang kami natahimik tapos nagkatitigan.

"Hoy! Kayong dalawa, nako mas sweet pa ata kayo sa ibang mag couple!"

"Oo nga hahaha." Sabay tawanan ng dalawa kong kaibigan.

Bigla kaming naghiwalay ni bakla sa isa't isa, at napatayo habang pinapagpag yung uniform namin, sabay kuha na rin ng bag.

"Kadiri kayo!" Sabay naming sabi ni bakla, kaya nagkatitigan kami sabay ngiti

"Uyy, kayo na lang kaya! Bagay naman kayo," sabi ni Sheena isa sa kaibigan ko.

"Yung kambal ko yung gusto ni Lianne, diba bakla?"

"Oo nga!" pag sang-ayon ko kay bakla.

"Sus, haliika na nga prend iwan na natin yung mga indenial d'yan!" At iniwan talaga kami ng mga may sapak sa utak kong kaibigan.

"halika na nga bakla ka." Hays sayang talaga itong si bakla, pogi sana pero hayaan mo na nga.

"Sayo ba ito bakla?" nakita ko yung envelop na maliit, color blue na may sticker na doraemon sa gitna.

"Sa akin nga-- SAAN MO NAKITA YAN? AKIN NA!" Nung kukunin ko na sana kay bakla yung envelop, bigla niya itong iniwas.

"Bakit parang takot na takot ka, bakla? Para kanino ito ha?"

Hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan.

"A-aah, s--sulat 'yan para sa kambal mo. K-kaya wag mo ng basahin?"

"Bakit kinakabahan ka?" Natatawa niyang tanong.

"E-eh kasi-- ano-- syempre diba hindi naman kayo magkasundo ng kambal mo?"

"Ano naman ngayon?" Parang wala lang na sabi niya.

"Akin na please, maawa ka, 'wag mong babasahin!" Kumapit pa ako sa braso niya para mas may paawang effect.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon