CHAPTER ONE

2.9K 121 3
                                    

Gabriella Fei Lu POV

"Anak, are you sure about this? Are you really not going to change your mind? Please, honey, reconsider. Please?"

Tahimik lamang ako habang nag-iimpake, ang atensyon ko ay nabaling kay mama. I gave her a faint smile. It's been a week since I found out what happened to my twin. Lumapit ako sa kaniya, I gave her a kiss on the cheeks and a tight hug.

"My decision is final, mama. I'm sorry," hinging paumanhin ko.

Kailangan kong bumalik ng Pilipinas dahil sa balitang namatay daw ang kakambal ko. Nagkahiwalay kasi sina mama at papa noong ten years old pa lang kami ni Mikaella, ang kakambal ko.

At halos nahimatay ako nang biglang tumawag sa amin si papa dito sa Europa ng may kasamang masamang balita imbis na pangangamusta. I almost lost hope, mabuti na lang at nariyan si mama para sa akin.

She smiled back kaya bumalik ako sa pag-iimpake.

"ALL PASSENGERS PLEASE PROCEED IN—"

Isinalampak ko sa magkabilang tenga ang headphone na dala at tinahak na lamang ang sarili paloob ng airport. Pumila na ako sa checkpoint papuntang Pilipinas.

Matapos noon ay pumasok na ako sa loob ng eroplano. Umupo ako sa upuan ko, iginaya ko ang sarili para maging komportable. Nasa window ako kaya malaya kong tatanawin ang magandang view mamaya. I smiled at that thought. I'm already 18 and I'm turning 19 soon, maybe next month.

Nalungkot ako, hindi ko man lang nakita ang kakambal ko. Gusto ko pa namang kasama siya sa susunod naming mga birthday. Balak ko talagang umuwi na ng Pilipinas at gusto kong sumama si mama pero ayaw niya. At hindi ko alam kung bakit.

"Hi."

Napalingon ako sa lalaking tumabi sa akin. He has these dark eyes and a soothing voice. Napaka-tan din ng lalaking ito, natigil ang tingin ko sa bibig nito. May hikaw ito sa bibig. Adik ba 'to? But to be honest, he's quite handsome.

"Hello." magalang kong tugon. He smiled.

Pero bakit napaka creepy non para sa akin? Or is it just my imagination?

"I'm Nathaniel, you?" Pagpapakilala nito.

Kumunot ang noo ko.

"Gabriella." pakilala ko at nilakasan ang volume ng music sa headphone ko.

Maya-maya lang ay nag-take off na ang plane. Nakaramdam naman ako ng antok kaya natulog na lang ako. Napa-ungol ako ng makaramdam ako ng yugyog sa braso. Umungol ulit ako at tumigil naman sa pagyugyog ang kung sino man.

Akala ko payapa na ulit akong makakatulog pero akala ko lang pala. Someone is touching my legs goddamn it! Wala sa oras na napa mulat ako ng mga mata at bumungad agad sa paningin ko ang naka ngising mukha ng Nathaniel na katabi ko. Mabilis kong sinapak ang mukha nito kaya naalis nito ang manyakis nyang kamay sa mga hita ko.

"F*CK!!" he shouted in pain

"Maniac!" Sigaw ko sa mukha nya habang ito ay sapo sapo ang mata, doon ko kase pinatama ang suntok ko.

"Is something the matter, madam, sir?"

May lumapit na flight attendant sa amin. Napaka puti nito at matangkad din. Mapula ang labi dahil sa pulang lipstick, kaya lang pansin ko ang pagka-slutty nito. Napaka-lagkit ng tingin sa katabi ko.

"No, we can handle ourselves." Seryoso kong turan dito.

Hindi naka-ligtas sa paningin ko ang lihim nitong pag-irap bago yumuko at umalis. Tsk! Binalingan ko ng tingin ang katabi ko at mataman na itong nakatingin sa akin na siyang ikina-taka ko.

"What are you looking at, Mr. Nathaniac?!" inis kong tanong dito pero nagkibit balikat lang ito. I saw how his temple creased.

"Mr. Nathaniac?" Napa-ngisi ako ng wala sa oras.

"Mr. Nathaniel the maniac, in short Nathaniac." Inis kong ani at bumaling ng tingin sa iba. Rinig ko pa itong tumawa ng mahina. Ibinaba ko ang headphone sa tenga ko at pinatong sa leeg ko. Nawala na ata ang antok ko.

"You're feisty, but I like it."

Hindi ko alam ngunit kinilabutan ako sa tono ng boses niya. Napa-lingon ako dito at bahagyang nanlaki ang mga singkit kong mata ng makita itong naka-ngisi ng nakaka-kilabot. Halos tumagal ang pagtitig ko sa kaniya ng isang minuto hanggang sa gumalaw ang labi nito at dinilaan ang kanyang mga labi dahilan upang mamasa ang mga iyon.

"Can I have a taste from this feisty lips you have, Ms. Ella." Nanlaki na ang mga mata ko at hindi makapaniwalang tinitigan siya.






[A/n: Try reading my new story INTOXICATED! Tenkyuuu💜]

SPECIAL ACADEMY [COMPLETED]Where stories live. Discover now