CHAPTER FOUR

1.7K 85 3
                                    

Gabriella POV

Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa mga larawan na hawak ko. Napa-sighap ako sa sunod-sunod na nakita at halos mabitiwan ko na ang mga ito dahil sa sobrang gulat.

Nagkalat ang ibang mga larawan sa sahig dito sa kwarto ko. Napa-iyak ako. Ngunit mabilis kong tinakpan ang bibig para pigilang huwag maiyak ng malakas. Sumasakit ang dibdib ko dahil sa ginagawang pagpipigil, natatakot kasi ako na baka marinig ni papa ang mga hagulhol ko.

"I will kill this man. I swear." Nanggagalaiti na ako sa galit habang mahigpit ang hawak sa isang larawan na naiwan sa kamay ko.

Nanlumo lalo ang mga mata ko nang makita muli ang mga nasa larawan. Naroon ang kapatid ko at naka-tali ang mga kamay nito sa likod ng upuan na inuupuan. Iba't ibang torture ang ginawa nito sa kapatid ko. At hindi ako tanga para hindi malaman na dito mismo sa kwartong ito ginawa ang mga ito. Akala ko nagbigti lang ang kapatid ko pero tama nga ang naging hinala ko. Hindi din ako naniwala sa mga sinasabi ni papa nung nasa Europe pa ako. Sabi nito nagahasa daw ito kaya para mapalayo sa mga nangungutyang tingin ay nagbigti ito.

I hired a professional investigator at ibinigay niya sa akin ang mga larawan na ito kanina lang. Halos duguan ang buong mukha ng kakambal ko dahil parang binalatan ang ibang parte ng mukha nito. Puro din hiwa ang mga dibdib nito kaya pala walang pinadalang picture si papa sa bangkay nito dahil napakabrutal ng nangyari sa kapatid ko.

"E-ella... you knew." Napalingon ako kay papa ng nasa gilid ko na ito at hindi makapaniwala sa nakikita nitong mga hawak ko at sa sahig.

Papa tried to hug me pero lumayo ako at masama siyang tiningnan.

"This?! Why didn't you told me about this ha?!" Napa-sigaw ako habang hindi pa din tumitigil ang mga luha ko.

"I'm sorry—"

"Damn it! My sister was murdered! At dapat lang na alamin ko kung sinong putanginang pumatay sa kanya! You can't stop me this time papa!" Gigil kong sigaw at hinablot ang cellphone at wallet ko bago tumakbo palabas.

Humahagulhul ako habang naglalakad sa kalsada. Napaka-walang kwentang ama! Sa mismong mansyon niya nangyare ang lahat ng ito! Sa mismong kwartong kinahihigaan ko! Napa-upo ako sa mahabang bench sa park at doon umiyak ng umiyak. Shit! I can't really believe this! Bakit walang nagawa si papa?! Nasaan siya ng mga oras na iyon!? Bakit hinayaan niyang mangyari?!

"I hate you." Bulong ko sa hangin.

I really hate you papa... hindi deserve ng kakambal ko ang ganitong kamatayan.

"Hating someone to this extent is really not believable."

Rinig kong may nagsalita at sinabayan pa ng mahinang pagtawa.

Gulat naman akong napa-lingon sa gilid ko at nakita ko sa dulo ng bench na kinauupuan ko ang isang lalaking naka-cap ng kulay dark blue.

Kumislap pa sa dilim ng gabi ang halos tatlong hikaw nito sa tenga. Mabilis akong namunas ng luha dahil nahiya ako dito. Pero hindi naman siya naka-tingin dahil diretso lang ang tingin nito sa harap. Napa-lunok ako.

"I-im sorry?" Naisatinig ko nalang.

Lumingon naman ito sa akin na siyang ikinatigil ko.

"Hate?" Halos patanong nitong sagot. Napa-iling ako. Lihim na umirap.

Nasa gitna ako ng pagmomoment at biglang sumulpot ang gwapong lalaking ito. Oo na, gwapo siya napaka-puti at ang tangos-tangos ng ilong. Kaya nga lang may hikaw e parang gangster ang dating niya. Hindi naman mahaba ang buhok niya at katamtaman lang ito.

"Why should everyone be in tears when they have problems? Wala namang tulong ang pag-iyak. They just look stupid." Napa-taas ang kilay ko sa sinabe nito ngunit lumingon lang ulit ito sa harap.

Nawala ata ang hinanakit ko sa papa ko at napalitan ng inis sa lalaking ito.

"Excuse me? Do you think I'm stupid?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito at tinitigan siya.

He laugh carefree but makes me scared a bit. At bakit? Bakit ako biglang natakot?

"Am I talking to you?" Lumingon na ito sakin.

Nabara ako don ah.

"E sinong kinakausap mo kong ganon?' Gusto kong sabihin yan pero may pumipigil sa akin. At hindi ko alam.

"Akala ko ako e." Napa-irap nalang ako sa kawalan.

Napansin kong napatigil ito at mariing tumitig sa aking mga mata na siyang ikina-ilang ko. Dapat ba may titigan pang magaganap? Hay nako! Kung ganun magaling ako dyan!

Halos manlaki ang mga mata ko ng umusog siya palapit sa akin. Problema ng gangster na ito?

"You have... green eyes." Tila hindi makapaniwalang bigkas nito at mangha-mangha pang nakatitig sa akin. OA? Wala ka bang nakikitang ganito dito?

Sa pagkaka-alam ko marami din ibang lahi ang nandirito. Napa-tingin nalang ako sa mga mata nito at nagulat pa ako na kulay abo iyon. At woah! Ang ganda din ng kanya! Sobra!

"You know what? You look kinda familiar."

Napa-kurap ako ng magsalita ito. Familiar? Halos walong taon akong nasa states at hindi ko siya kilala--- wait. Kilala niya ba ang kambal ko?

"You look like that bitch."

Hindi makapaniwalang tinignan ko ito dahil bigla itong nainis at namutawi sa mga abo nitong mga mata ang galit. What the hell? Pangalawang pagkakataon ko nang nakakarinig ng bitch na yan. Ang una ay galing kay Erica days ago at ngayon sa lalaking ito. Uso ba talaga ang ganyang word dito?

"Ano?" Lumingon ito saken.

"Nothing, you look decent and the bitch I'm talking about isn't."  Naguluhan naman ako.

Sino ang ibig sabihin nito? Tumayo naman ito sa pagkaka-upo at inayos ang sumbrero. Ngayon ko lang napansin na ang taas pala nitong lalaki, seventh footer ba siya? Mukha e, tanga lang Gab?

"You should go home," ngumunot ang noo ko.

"Ha?"

"Deaf? Sabi ko umuwi ka na kung ayaw mong maabutan ng ambon."

Nagtaka na ako kasi hindi naman uulan, ang ganda pa nga ng bituin sa langit.

"Eh hindi naman uulan ah." Napa-kamot pa ako sa ulo.

"Slow."

Sumalpok naman ang mga kilay ko at sasabat na sana ng maglakad na ito paalis. Hmp! Sino ba 'yon? Suplado at ang creepy. Tumayo naman ako pero napatigil ako ng may nakita akong pitaka sa lupa malapit sa paa ko. Nagtaka ako pero pinulot ko ito at siniyasat kung kanino. Kinuha ko naman ang isang card.

"Isaac Wilson."

Isaac pala ang pangalan niya? May picture din ang ID nito kaya nalaman kong sakanya ito iyong naka-usap ko kanina. Tinanaw ko ang nilakaran niya kanina pero hindi ko na ito nakita, nakalayo na siguro kaya hindi ko na susundan. Ano siya chicks? Napa-iling ako sa iniisip.

SPECIAL ACADEMY [COMPLETED]Where stories live. Discover now