CHAPTER FORTY FIVE

1.1K 59 4
                                    

      Gabriella POV

"Just wear this, Mika! Aish!!"

"No way!"

Mabilis akong umiwas kapag hinuhuli ni Erica ang braso ko. Hinding hindi ko na ipapahiya ang sarili ko gaya kanina!

Hindi na ako magsusuot ng ganyang mga damit! Kung kay Mika okay lang ang ganyang mga damit pero sakin?! Hell no!

"Ahhhh!!"

Nanlaki ang mata ko ng matapilok si Erica sa maliit na hagdan papunta sa kama ko sa taas ng kama nila. Hindi ko na sana ito tutulungan ngunit nagdalawang isip ako.

Mabilis akong kumilos at hinawakan ang braso nito saka hinigit papunta sakin.

"Shit naman, Erica!"

Inis kong bulalas at hinagis ito sa kama ko saka siya iniwan doon.

"Why won't you wear this?! E mga ganitong damit naman lagi ang sinusuot mo! Ano? Change style?"

Napa irap ako at umupo sa mini sala namin sa dorm at uminom nalang ng lemon juice ko na kinuha ko sa cafeteria kanina pagkatapos ng cheering. Ngayon mag aala sais na ng gabi, malapit ng mag start ang acquaintance party.

I hope nothing happens, lalo na't alam ko na kong anong babae si Erica.

Did she kill Genivive? Pero walang solid proof na sya ang may gawa, she was just there watching Genivive in the pool. Hindi video ang binigay sakin kundi litrato lang.

Paano kong edited yon? But, no. I was an expert in that kind of thing. At sa nakikita ko hindi edited ang larawang yon.

And I hope it is not, sana hindi pinatay ni Erica si Genivive. Shit! I'm damn confused at napaparami na ang mura ko.

Nabalik ang aking atensyon ki sakanya.

"I just don't like wearing those."

Napa irap ito at bumaba mula sa kama ko at lumapit saken.

"Just wear this. Lahat ng estudyante ay obligadong dadalo sa party mamaya kapag wala ka don malalaman ng mga discipline committee kase maglilibot sila sa bawat dorm."

Yun lang ang sinabi ni Erica at umalis na upang tumungo sa cr namin at nagbihis.

Napapa iling ako.

I can't find any flaw in her moves. Gaano sya kagaling umarte? Paniwalang paniwala nya ako. She even cried so hard ng makita namin ang bangkay ni Genivive.

Inubos ko na ang laman ng baso ko at hinablot ang damit na sinampay ni Erica sa upuan katabi ko.

Isang sexy A-line off shoulder black tulle dress.

Hanggang gitna lang din ito ng hita ko kaya ang ikli.

"Ano? Magpapa dakip ka nalang ba sa mga discipline committee?"

Umangat ang tingin ko kay Erica na naka labas na pala sa loob ng cr. Napa ngiti ako dahil ang ganda nito sa suot nyang dress. Ngiting plastic.

Kulay light pink iyon at off shoulder din.

"Mauuna na ako kong di kapa magbibihis."

Napa buga ako ng hangin at tumungo nalang ng cr.

...

"Dito ka muna, kukuha lang ako ng wine."

Tumango ako sa suhestyon ni Erica at tinignan ito hanggang umalis.

Napakasaya ng tugtog ng musika dito sa hall, dito kasi idinaraos ang party at para ito sa mga estudyante. Kailangan din naming magliwaliw yun ang sabi ng mga teachers.

We can drink hanggang sa bumagsak kami sa kalasingan and we can dance until we collapsed in fatigue. Edi wow.

Naalarma ako ng mamataan ko sa malayo si Estevan. Mabilis akong tumayo at mabilis na naglakad sa direksyon kung saan nakita ko sya.

Maraming estudyante ang naririto kaya napapa mura ako ng mahina dahil nababangga nila ako. Mabilis akong umalis don at huminga ng maluwag, umangat ang tingin ko dahil nasa stage ako kong saan mayroong napakalaking screen na may nag paplay ng mga edited pictures ng mga estudyante. Pa ulit ulit din yon kanina pa.

Mamaya daw may gagawing laro kaya inom at sayaw muna ngayon.

Nilibot ko ang paningin upang hanapin si Estevan.

Namamalikmata lang ba ako? Sya ba yon? E wala naman sya dito e, pero bakit kamukha at kurbang kurba ng pangangatawan nya si Estevan?

Aish!

Aalis na sana ako sa harap ng screen dito sa stage ng biglang umiba ang play nito.

At yon ang nagpa tigil sa akin at nagpa bato sa kinatatayuan ko.

Nangangatal ang mga labi ko at biglang nanginig ang mga palad ko sa napapanood ngayon sa screen at alam kong napatigil din ang lahat sa mga ginagawa nila at nanood sa videong nagpaplay sa screen.

Napa luha ako ng di ko nalalaman at natulala sa nasasaksihan.

Sh*t. It can't be.

Hindi, hindi to totoo.

Hindi.

"N-no... no."

Walang humpay na ang tumutulong luha sa mga pisngi ko dahil patuloy na nagpaplay ang video na ito sa harap naming mga estudyante.

Rinig ko ang sigaw at pagmamakaawa ng kambal ko sa video na ito. Oo, ang napapanood naming video ngayon sa malaking screen ay si Mikaella na kasama ang dalawang lalaki.

Pinagsasamantalahan sya ng mga ito at halos gumuho ang mundo ko sa nakikita at naririnig.

"No!"

Humagulhol na ako at napa takip ng bibig dahil hindi ako makapaniwala.

Si Mika! Yung kambal ko! Ginagahasa siya ng walang awa ng dalawang yan! Mga hayop sila!

"N-no... h-hindi yan totoo..."

Hindi yan totoo diba? Hindi naman nangyari sakanya yan diba? DIBA?!!

Napa luhod ako sa sahig ngunit nanatili ang luhaan kong mga mata sa screen.

Hindi... hindi ito maaari. Hindi.

Ramdam ko ang pagsakit ng aking puso sa pinipigilang hikbi. Shit, hindi ito pwede,

"NO!!"

I shouted and burst into tears.

SPECIAL ACADEMY [COMPLETED]Where stories live. Discover now