CHAPTER SEVENTY SEVEN

1K 61 7
                                    

Gabriella POV

*SCROOCH!*

Napakapit ako ng mahigpit sa isang upuan ng mabilis na lumiko si white sa isang daan at halos mauntog na ako sa kotse dahil mabato ang tinatahak namin.

Napatingin ako sa likod at nakitang nakasunod pa din sa amin ang dalawang kotse kanina pa. Malayo layo nadin sila dahil mabilis ang pagpapatakbo ni white ng van.

Napansin kong sobrang tagal na naming bumabyahe pero hindi pa din kami nakakarating sa pupuntahan.

"White, malayo pa ba? Pano kung masundan tayo ng mga yan hanggang sa hacienda nila Haize? Hindi ba delikado yun?"

Lumapit ako kay white at lumipat sa passenger.

"Trust me. They'll stop following us."

Napatango nalang ako ng bahagya.

Lumipas ata ang ilang oras at napansin kong tila dumidilim nang dumidilim ang tinatahak naming daan. Hindi pa naman gumagabi ah, saka parang uulan din sa parteng ito.

Baka dahil sa ulan kaya dumidilim? Pero bakit ganito kadilim? Yung wala ka nang makikita kundi yung mga hulma ng mga puno sa kagubatan na ito.

Nilibot ko ang tingin at puro puno lang talaga ang nakikita ko at wala ng iba. Hindi din simentado ang dinadaanan namin at tanging ilaw lang ng kotse ang nagbibigay liwanag sa daan namin.

Lumingon ako sa likod.

"They're gone? Nasaan na sila?"

Takha kong anas ng makitang wala nang nakasunod pa sa amin.

"Syempre, takot silang mag trespass sa teritoryo ng mga Siege assassins. Kaya hanggang dyan na lamang sila. Aren't you curious? Habang palapit ng palapit tayo sa hacienda nila ay mas lalong dumidilim?"

Napalingon ako kay White at napatango.

What does it have to do with the dark?

It's obvious na uulan.

I heard him chuckled.

"Prepare to get shocked, Shan gave me some warnings if ever this day would come. The day that I'll visit the Siege territory."

Nakita ko siyang napa seryoso sa huling sinabi. Hindi ko mapigilang mahintatakutan kahit kaunti. Sana inalam ko muna kong anong klasing lugar ito. Tss, bakit ba kami napunta sa lugar nato?

Plano ko pa naman pumunta dito kapag natapos ko na ang sarili kong problema. Hays, bahala na nga.

White is here, kapag may mangyaring hindi ko aakalain. He said he'd protect me. Will he? Really?

"Put your seatbelt, Gabriella."

Sinunod ko ang sinabi ni white at kinabit ang seatbelt ko.

"And close your eyes."

"Why--"

"Just close it. You want to see those monsters?"

Nagulat ako ng biglang kumidlat sa napakadilim na paligid. Hindi ko napigilang manginig ang mga kamay at napatingin sa matataas na kakahuyan.

"You're not closing your eyes."

Umiling iling ako.

"I'm fine. There's no monsters, white. Wag moko takutin."

Nilingon ko ang gilid at muling napa tingin sa harap.

SPECIAL ACADEMY [COMPLETED]Where stories live. Discover now