CHAPTER THIRTY FOUR

1.1K 58 1
                                    


   Gabriella POV

Nasa dorm na ako ngayon at nag-iisa. Si Erica nasa hospital clinic, nag-stay at doon daw matutulog sabi niya kanina. Napabuga ako ng hangin at umikot sa kabila ng kama. Ang tahimik ng paligid. Walang naghihilik na si Genivive, at naiinis sa paghihilik ni Genivive na si Erica.

Mabilis akong napabalikwas ng bangon nang biglang may sumira ng pinto ng mini terrace namin. Gulat akong napatingin sa ilang taong naka-itim na may hawak na patalim at baril ang pumasok pagkatapos tumalsik ang pinto. Mabilis akong tumalon nang pinaputukan nila ang aking gawi. Napapamura ako dahil naka-pantulong pa ako.

Mabilis akong lumapit sa isang may hawak ng patalim at umikot sa likod nito bago sinakal ang kanyang leeg at inagaw sakanya ang hawak na patalim. Bago pa ito muling magpupumiglas, ginilitan ko na ang leeg nito kaya bumulagta ito sa aking paanan. Nanlaki ang mata ko nang pinaputukan ako ng ilang naka-itim kaya mabilis akong umiwas at ginawang pang-harang ng bala ang hawak kong patalim. Shit oo!

"Ahh!"

Napa daing ako nang nadaplisan ako sa tagiliran dahil hindi ko naiwasan ang isang bala na bumulusok. Inis kong kinagat ang pang-ibabang labi at mabilis na binato ang hawak na patalim sa ulo ng isang lalaki. Napangisi ako at nagpulot ng dalawang baril na nabitawan nito at pinaputukan ang ilang natitirang nasa loob at nasa labas ng terrace nang maubos sila pati na ang bala ng baril. Mabilis kong hinagis ang hawak na mga baril at kumuha ng bago sa ilang naka-handusay sa sahig na mga lalaki.

Nang makalabas ako ng dorm, rinig ko ang hiyawan at sigawan ng ilang mga estudyante. Pati na ang putok ng mga baril ay rinig na rinig ko. Halos maging pula na din ang ilaw na nagpapatay-sindi sa buong paligid na nagsasabing may masamang nangyayari.

"AHHHH!"

BANG!

Mabilis kong pinaputukan ng baril ang isang lalakeng kamuntik nang saksakin ang isang babaeng nakaupo sa gilid ng daan dito sa floor namin. Mabilis akong lumapit sa gawi nila at nakita ang babaeng tila natrauma dahil tulala.

May kinuha naman ako sa bulsa ko at mabilis na nilagay iyon sa loob ng bibig niya. Nakita kong nalunok niya ito kaya napangiti ako nang mawalan ito ng malay. Mabuti na iyon kesa mas lalo siyang matrauma.

Hinablot ko ang isang kapsula ng gamot ko mula sa mga gamit ko kanina at hindi na nga ako nakapagbihis dahil alam kong nagkakagulo ang lahat ng estudyante sa school.

Nang makalabas ako ng building namin, halos magulantang ako sa mga bangkay ng maraming estudyante sa harap.

Ano ba talaga ang nangyayari?

{"WARNING! WARNING! OUTSIDERS APPROACH! WARNING! WARNING! OUTSIDERS APPROACH! STUDENTS, PLEASE PROCEED TO THE SAFE ZONE!"}

Paulit-ulit iyan nagpe-play sa speaker ng buong school kaya nagtaka na ako, outsiders? So, hindi assassins gaya noon ang umaatake?

"AAAHH!!"

Inis kong inangat ang baril na hawak at pinaputukan ang tatlong lalaking tumatakbo papunta sa direksyon ko. Pinutukan ko ang mga binti ng isa at diretso sa noo naman ang dalawa. Mabilis akong tumakbo sa isang pinaputukan ko sa binti at naabutan ko itong umiinda sa sakit.

Inapakan ko ang sugat nito sa binti kaya humiyaw siya sa sakit.

"Bakit kayo nandito? Sinong nag-utos sa inyong pumasok ng special academy at pumatay ng mga estudyante, ha?"

Mariin kong tanong at mas lalong diniin ang paa sa sugat nito na siyang mas lalo niyang ikinahiyaw.

"WALA! Walang may nag-utos sa amin! Pakawalan mo na ako! Pakiusap!"

Napairap ako, pwede ba iyon?

"Wag mo nga akong niloloko, lalake ka. Sagot! Sino nag-utos sa inyo?!"

Nagtitimpi kong sigaw at pinaputukan ang binti nito sa kanang paa. Sumigaw ito sa sakit ngunit hindi pa ako nakuntento at pinaputukan ng baril ang braso nito.

"Ano? Hindi ka magsasalita? O, gusto mong sa bungo mo naman bumaon ang bala mula dito?"

Mapang-uyam kong tanong at tila nasindak naman ito sa pananakot ko.

"ANG MASTER SEVENTH, SIYA ANG NAG-UTOS SA'MIN! TAMA NA PLEASE!"

Nangunot ang noo ko.

"Master seventh? Sino siya?"

"Isa siya sa mga special 10! Kilala siya bilang si Special Seven! Wala na akong---"

BANG!

Hindi ko na pinatapos ang sinabi nito at binaril ito sa noo. Napabuga ako ng hangin ngunit napa daing nang kumirot ang sugat ko sa tagiliran mula sa daplis ng bala kanina.

So it's true, the members of the special 10 are in chaos?

Nilunok ko naman ang isang pill ko upang patigilin ang pagdugo nito dahil nakaramdam ako ng pagkahilo. Winaksi ko ang ulo at napangiti ako nang tumigil nga ang pagdugo at hindi ko na naramdaman pa ang hapdi ng sugat ko but still, I need to treat this before it causes infection.

Mabilis akong umalis doon at tumakbo sa main building kung saan naroon ang mga classroom at ang mga office ng discipline committee at ang ilang mga SSG officers.

San ba 'yang safe zone? Wala akong kaalam-alam diyan ah! Paano na ako aalis dito? Baka mamatay pa ako sa ligaw na bala, puro putukan pa naman naririnig ko sa bawat sulok ng school.

Pinagpasyahan ko na lang na pumunta sa hospital clinic dahil kinakabahan ako baka anong nangyari kina Erica. Nang makarating ako sa labas ng building, nangunot ang noo ko nang makitang napakadilim at patay ang ilaw ng buong building. Napalunok pa ako bago pinagpasyahang pumasok.

Naninindig ang mga balahibo ko dahil napakadilim talaga, tapos isama mo pa ang simoy ng hangin sa balat ko.

"Aray!"

Napahiga ako sa sahig dahil may nabunggo yatang matigas ang paa ko kaya halos mamilipit ako sa sakit. Umupo ako at hinilot-hilot ito. Ang malas ko naman, oo.

Hayst! Kinapkap ko ang aking bulsa at nahawakan ko ang kapsula ng mga gamot ko. Napangiti ako at isa-isang inamoy ang mga pill na nahahawakan ko. I need to find my vision enhancer.

Naiinis na ako kasi hindi ko pa rin nahahanap.

"Who's there?"

Napa-laki ang mga mata ko at mabilis na sinara ang kapsula na hawak at sinilid sa aking bulsa. Nasilaw naman ako nang biglang lumiwanag ang paligid at napa-takip pa ako ng mata kahit na may hawak na baril ang magkabila kong palad. Nang maka-adjust ako sa sinag ng ilaw, halos manlamig at mabato ako sa kinatatayuan.

"Mika?" Rafael

"Hindi ba halata, intsik?" white

"Bakit naman nandito 'yang babae na 'yan? At hoy! Intsik din ako, putanginang puti ka." Ian

"Tss, hey you. Wala bang damit sa dorm nyo?" Isaac

Napa-kurap ako sa limang lalaking nandito at prente pang nakaupo sa mga silya nila dito sa hospital clinic. Oo, lima, nandito si Haize. Tahimik lang habang nasa akin ang tingin. Bumaba naman ang tingin ko sa aking kabuuan at ngayon ko lang napagtantong naka-sleeveless lang pala ako saka maikling short na palagi kong ginagamit kapag natutulog.

Mabilis na lumapit sa akin si Rafael at hinubad nito ang suot na leather jacket at pinatong ito sa aking balikat. Pagkatapos no’n, inagaw nito ang dalawang baril sa kamay ko at mabilis na isinilid sa magkabilang gilid ng pantalon niya.

"Come here."

Inalalayan naman ako ni Rafael upang maupo sa isang silya na malayo sa apat. Actually, malayo sila sa isa’t isa na parang ayaw maging katabi ang iba, pwera na lang kay Isaac at Haize na magkatabi.

"May umatake lang na mula sa labas. Hindi ko lubos maisip na ang una nilang pinasok e ang dorm ng building nyo. Akala ko nandito ka kaya pumunta kaagad ako dito kaya nga lang wala ka pala. Naabutan ko pa ang White at Ian na iyon na nagtatalo. Sumulpot pa ang dalawang iyon."

Inayos ko ang jacket ni Raffy sa mga braso ko.

"What’s really happening, Raf? I just knew that you’re one of the special 10 but I don’t understand."

Siya ba si Master Seventh? Yung isa daw sa Special 10? Si Rafael lang kasi ang alam kong miyembro ng Special 10 kaya wala na akong ibang maisip.

Ginulo nito ang buhok ko.

"Wag mo akong tanungin ng tungkol diyan dito. I know malapit nang makarating dito ang ibang mga umaatake. Here, I know you can protect yourself."

Inabot nito sa akin ang isang baril na kinuha niya sa akin. Kinuha ko ito at natahimik na lang.

BLAGG!

Lahat kami ay napatingin sa pintuan ng building nang makitang may pumasok doon na grupo ng kalalakihan na naka-itim lahat at may hawak na iba't ibang baril at patalim.

Napa-hikab ako nang makaramdam ng antok. Ngunit lahat sila ay napatingin sa akin dahil sa ginawa ko.

"GO!"

Sigaw ng isang lalaki na tila lider ng grupo nila at nagtatakbong sumugod sa amin. Mabilis kong pinaputukan sa ulo lahat ng magtatangkang lumapit sa akin. Sa gitna ng kaguluhan sa buong akademya, mabuti pang itago ko muna ang pagiging Mikaella at ilabas si Gabriella.

"Napa-ngisi ako ngunit agad na napawi ng nawalan ng bala ang hawak na baril. Inis ko iyon, tinapunan at pumulot ng isang kutsilyo sa tabi-tabi.

Mabilis kong isinaksak ang isang umatake at mabilis na hinigit ang isa sa gilid ko at ginilitan ang kanyang leeg. Bigla akong napakiskis ng may humigit sa buhok ko. Inis akong bumaling dito at sinapak ang kanyang mukha bago sinipa ang kanyang tiyan. Minsan iniisip ko din na ipaputol na itong buhok ko, nakaharang!

Inis kong sinipa ang mukha ng isa na lumapit sa gawi ko ngunit nanlaki ang mata ko nang may matanaw akong tumutok ng baril sa akin. Hindi kaagad ako nakapag-react at halos nagslow motion ang pagputok nito ng kanyang baril.

Shit, anong gagawin ko?

"Ahh!"

SPECIAL ACADEMY [COMPLETED]Where stories live. Discover now