CHAPTER FIFTY SEVEN

1.1K 71 10
                                    

Gabriella POV

Napapakamot ako ng batok habang nakatingin sa dalawang lalaki sa harapan ko.

Nag away sila kanina kaya nandito kami ngayon sa discipline committee office. Nakita ko din si Shan kanina sa ice cream parlor tawa pa nga sya ng tawa mabuti nalang at dumating si White at pinigilan ang dalawa.

Ano bang problema nila? May sobrang galit ba sila sa isa't isa kaya nagsuntukan sila? Tungkol pa rin ba sa alitan nila?

Bigla ba namang sumulpot si Haize sa harap namin at hinila ako. Napapakamot ulit ako sa batok dahil hindi ko alam ang gagawin.

"Uhm,"

Nagulat ako dahil napatingin silang lahat sa akin kaya napa lihis ako ng tingin.

"P-pwede na ba akong umalis?"

"Hindi/No/Not yet."

Napapakamot ako ng ulo dahil sabay na sumagot sina Haize, Nathaniel saka White. Nandito kasi sila White at Ian isama mo nadin si Shan na nagpipigil ng tawa nya kanina pa.

"H-huh? Ganon ba? Hehe, eh ano gagawin ko? Wala naman akong kinalaman dito ah--"

"Meron kaya."

Pinutol ako ni Shan at biglang sumeryoso ang mukha niya.

Meron?

"Huh?"

"Pfft. Sige Ms. Lu. Mauna kana sa dorm nyo."

Napa ngiti ako at mabilis na tumayo.

"Sige! Bye!"

Nakangiti kong paalam at lumabas ng office.

Mabuti naman at pinalabas nadin ako doon, sobrang awkward kaya sa loob. Hayst.

"Ahh!" She shouted

Napatigil ako ng biglang may bumunggo sa akin. Napatigil muli ako ng mapag sino ito.

"Sofia."

Mahina kong usal at tinulungan syang tumayo.

"Are you okay?"

Tanong ko. Tumango sya at tumingin tingin sa paligid.

"Follow me."

Nangunot ang noo ko ngunit sinundan na lamang sya.

Dinala nya ako sa hindi mataong lugar ng akademya kaya nangunot ang noo ko.

"May sasabihin ka bang importante?"

Hinarap nya ako at mabilis na tumango.

"There is, gab. An important one."

Naalarma ako at nagkaroon ng kuryusidad sa sasabihin nya.

"Ano yon?"

Huminga muna ito ng malalim at seryosong tinitigan ako.

"Gab, would you believe if i told you..." Napatigil ito at napatingin sa likod ko.

Nagtaka ako.

"May problema ba?"

Hinawakan ko ang braso nya ngunit nagulantang ng biglang may bumulusok na bala mula sa likod ko at tumama sa noo nya. Halos napanganga ako sa nasaksihan at natuod sa kinatatayuan.

Bumagsak ang katawan nya sa lupa kaya napa atras ako at napa takip ng bibig sa gulat.

Who the fvck did this?!

SPECIAL ACADEMY [COMPLETED]Where stories live. Discover now