CHAPTER EIGHTEEN

1.2K 64 2
                                    

Gabriella POV

May humagis ng isang latigo sa gawi ni Niccolo na siyang pinulot naman nito at isang punyal lamang ang kay Nathaniel. Nagtaka ako, anong laban ng isang punyal sa latigo?

"FIGHT!"

Mabilis na winasiwas ni Niccolo ang hawak na latigo at itinira kay Nathaniel na mabilis lang nitong iniwasan na siyang ikina-mangha ko. Winagayway naman ni Nathaniel ang punyal na hawak sa kanang kamay at hinawakan ang hawakan nito habang ang talim ng punyal ay nasa malapit sa gilid ng pulso nito.

Mabilis na tumakbo sa direksyon ni Niccolo si Nathan. Naging mas mabilis ang mga galaw nila kesa kanina kahit ako ay hindi ko na nasundan. For real? Ganito sila kagaling?

Walang normal na tao ang makakagawa nito! Wait, normal ba sila?

Napapa-iling ako at tumuon nalang ang atensyon sa laban. Natamaan ng ilang latigo si Nathaniel na siyang hindi niya naiwasan ngunit hindi naging hadlang ang mga sugat niya sa pagbagal ng kanyang kilos. Marami nang daplis si Niccolo at nakitang may mas malaki pang hiwa sa dibdib nito.

Winasiwas ng mabilis ni Niccolo ang latigo at sunod-sunod na itinira kay Nathaniel na siyang ikina-singhap ko. Hindi ako makapaniwala na sinalo ng palad ni Nathaniel ang dulo ng latigo at hinila pa ito upang mapalapit sa kanya si Niccolo.

Napasinghap ang lahat sa sunod na nangyari.

Nabitawan ni Niccolo ang kanyang latigo at sakal na siya sa likod ngayon ni Nathaniel at nakatutok pa ang punyal sa kanyang leeg. Tila nagtatalo pa ang dalawa dahil parang nagpapalitan sila ng salita.

Mabilis na hinila ni Nathaniel si Niccolo at hindi ko mapigilang magtaka sa ekspresyon niya.

Itutulak na sana niya si Niccolo sa labas ng arena ng mabilis na kumapit si Niccolo sa braso niya at ang ending...

"THEY BOTH FALL!! HAHAHAHAHA! HANEP MGA HINAYUPAK!"

Natapos ang labanan at patas lang ang dalawa kaya bumalik na lang ako sa dorm. What else should I do? I'm sure kaya na ni Nathaniel ang sarili niya. I should mind my own. I still have lots to do.

...

"Genivive?" pagtawag pansin ko kay Genivive na nasa kama niya at nakadapa habang kinakalikot ang laptop niya.

Wala si Erica dahil may ginawa ito. Naka-upo lang ako sa mini sofa at umiinom ng gatas. Bumaling naman siya sa akin.

"Bakit?"

"Can you tell me more about Niccolo and me? Anong nangyari noon? Bakit parang ang lamig ng pakikitungo sa akin ng lalaking iyon ngayon?" hindi ko mapigilang tanong.

"Wooww! Akala ko hindi ka na magtatanong! Kahit siguro nawalan ka ng alaala, hindi naman nawala sa puso mo si Niccolo, yieee!!!"

Napapa-iling ako at tumango na lang.

"Ano nga?" inip kong wika.

"Eto na nga, atat?" tumawa pa ito at lumapit sa akin saka tinabihan ako. "Like I said before, nag-break kayo because of someone."

"Sino yung someone?" tanong ko.

"He died, I forgot about him." Nagulat ako.

"What?" tumawa ito ng mahina.

"Niccolo killed him out of anger and jealousy."

"Then? What did he do to me?"

Hindi kaya? Siya talaga ang pumatay kay Mika? It can't be. Kung siya, is he fooling me around? Nagtaka naman ako sa kakaibang titig ni Genivive at maya-maya pa ay ngumiti.

"He can't kill you, Mika. Because, he truly loved you but you just broke his heart. Kahit gustong-gusto niya iyon gawin that time, but I was amused when he just slapped you, threw bad words at you, and then he just left."

Hindi siya? Hindi niya kayang patayin ang kambal ko. Mali ba ang hinala ko?

"I know that you love him too, Mika. Dahil halos gabi-gabi kang umiyak sa harap namin ni Erica at kinukwento ang sakit na nararamdaman mo. Dahil sabi mo hindi ka na niya mahal, hindi ka na niya papansinin. You are so desperate back then, but Niccolo won't even notice or drop a look at you. Alam mo? May magandang naidulot din ang pagka-aksidente mo at pagka-wala ng alaala mo dahil kasama ng pagkawala ng alaala mo e ang pagkawala din ng mapait mong nakaraan sa utak mo. Ibang iba ka ngayon kesa dati. You make me believe that everyone can change."

I smiled.

"I was foolish back then, aren't I?" May ngiti sa labi na bigkas ko.

Tinawanan naman ni Genivive ang komento ko.

"Super!" She exclaimed and gave me a hug. "But I understand you tho, you're just a typical fool in love."

"Everybody becomes a fool because of love. So am I." I whispered.

"May sinabi ka ba?"

"Wala."

"May sinabi ka eh!"

"Wala nga."

"Meron!"

"Isa pa at tatahiin ko na 'yang bunganga mo."

Natahimik naman ito at humalukipkip.

SPECIAL ACADEMY [COMPLETED]Where stories live. Discover now