CHAPTER TWENTY ONE

1.2K 62 0
                                    

Gabriella POV

Tahimik lamang ako habang nakikinig sa guro mula sa harap at nilalaro laro ang hawak kong lapis. Napapaisip din ako sa susunod kong gagawin at nang mapadali na ang paghahanap ko sa killer. Kapag nakihalubilo ako sa ilang estudyante parang hindi naman sila nagugulat at minsan tinatarayan pa nga ako.

Kailan pa ba magpaparamdam ang killer na 'yan? Kung nandito siya ay tiyak kong magtataka siya kung bakit may isang Mikaella ang nandito.

What if? He's not here? And I'm just wasting my time here.

"MIKAELLA!"

Napa-tigil ako sa paglalakad ng tinawag ako ng kung sino. Nandito ako ngayon sa field dahil may P.E. kami. Nakasuot lamang ako ng isang sporty shorts at jersey.

"Erica? Bakit?" taka kong tanong ng makalapit ito.

Hingal na hingal pa ito at naka-hawak pa sa kanyang tuhod.

"Si Genivive!" umiiyak nitong sabi.

Binalutan naman ako ng kaba ng hindi ko malaman ang dahilan.

"Nasa hospital clinic sya ngayon ng school at inooperahan. Huhu! Napaka critical ng lagay nya, Mika!"

Mabilis kong niyakap si Erica at pilit tinatahan. Mabilis kaming tumungo sa hospital clinic ng academyang ito. Kumpleto ang mga kagamitan sa clinic na ito kaya hindi na ito ererefer pa sa isang hospital sa labas ng academy.

Akala ko napaka tahimik lang ni Erica at tila walang paki alam sa paligid ngunit ngayon ay napa-tunayan kong isa siyang mabuting kaibigan.

Naka-upo kami sa mga upuan sa gilid ng ER at taimtim na nagdarasal.

"Ano bang nangyari?" Hindi ko mapigilang magtanong.

Pinunasan muna nito ang luha bago ako sinagot.

"Hindi ko alam. At walang nakakaalam, natagpuan lamang siya sa abandonadong building dito sa academy at sugatan ang buong katawan at puno ng dugo ang bandang ulo."

Suminok ito. Ano?

"Natagpuan sya ng mga nagpapatrol na kabilang sa discipline committee.."

Naiiyak nitong dagdag.

Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng ER at may lumabas doong isang lalaki na naka-surgical gloves pa at mask. Ng inalis nito ang mask ay nakilala ko kaagad ito. Yung white hair guy?

"Mr. Barquin? How's my friend?"

Mabilis na tumayo si Erica at tumungo sa lalaking ito. Isang estudyante din ito ngunit? Bakit siya nasa loob ng ER at parang siya pa ang doctor?

Nakita ko naman ang kakaibang tingin nito sa akin bago binalingan ng tingin si Erica. Lumapit na din ako at tahimik na nakinig.

"She had a severe head fracture and she's still in a coma, you can visit her when she transferred to another room. She's out of danger there's nothing to worry about."

Seryoso nitong ani at muling napa-titig sa akin. Kakaiba ang tingin nito kaya nagtaka ako. "Can i have a word with you. Ms. Mikaella Lu, right?" tanong nito na siyang tinanguan ko.

"Follow me."

Kita ko naman ang kakaibang titig ni Erica ngunit nginitian ko ito at sumunod sa likod ng lalaking ito. Pumasok ito sa isang pinto at huminga muna ako bago pinihit ang saradula. Bumungad agad sakin ang puting dingding ng kwarto habang namangha ako ng mapansing puro ibat ibang patalim ang nasa dingding.

It's a collection of different types of daggers and katana's.

Nasa isang upuan na ito habang nakaupo at naka-dekwatro. Nakita kong may hawak pa itong isang dagger. Pinupunasan niya ito gamit ang isang puting pamunas ng napaka-ingat.

"Is there something wrong?" pagbabasag ko sa katahimikan.

Maingat naman nitong nilapag ang hawak na dagger sa katabing drawer at mataman akong tinitigan. Pinag-tiklop pa nito ang kamay sa harap ng mukha.

"I found something in her body."

I was alarmed.

"It's a note."

Inangat nito ang isang kamay at mayroong papel na may bahid ng dugo ang ipinakita nito sa akin.

"I wanted to talk to you because I'm d*mn curious. Alam kong para sayo ang sulat na iyon, Ms. Lu."

Napa-lunok ako.

"Anong nakasulat?"

Kita ko kung paano tumaas ang sulok ng labi nito. His blue eyes darted on me.

"An impostor is looking for me. Isn't it funny how you make a fool of yourself looking for someone with no leads?"

Nagtaka ako sa sunod nitong sinabi.

"Anong ibig mong sabihin?"

Fvck. It's him. He knew. And he's watching me like a fool.

Umirap ito at tila nainis sa naging ekspresyon ko. Suplado ha.

"It's written from the note. Looks like its talking to you. Mikaella? Ella?"

Inilapag nito ang sinasabing note kaya mabilis akong lumapit sa kanya ngunit mabilis nya ulit iyong kinuha at tumayo.

"Give me that." saad ko pero ngumisi lamang ito sa akin.

"You want this?" he smirk. "Then come and get it!"

Nakakalokong ngiti ang iginawad nito sa akin and swear! Uminit ang ulo ko dahil don.

"Titignan ko lang!"

Pilit kong inabot ang papel sa kamay nito ngunit mas lalo nya lamang itong itinaas sa ere. Huta oo!

This jerk is playing with me. Di porket matangkad siya kesa sa akin.

Nag-init lalo ang ulo ko. Ang taas taas na nga ng lalaking 'to pagkatapos tumihin pa?

"Bat ba ang damot mo!"

Inis na inis ako dahil tila nasisiyahan ito sa ginagawa sa akin. Nagulat ako ng bigla itong tumigil sa paglalayo at ngayon ko lang din napagtanto na sobrang lapit ko na pala sa mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na lumayo.

Tumikhim ito at inayos ang damit at muling naupo sa kinauupuan.

"I'm just joking. Here, I already told what's written but you still want to see it."

Mabilis kong kinuha ang papel at mabilis na umiwas ng tingin. Nagulantang ako ng nabasahan ko ang nakasulat.

[An impostor is looking for me. Isn't it funny how you make a fool of yourself looking for someone with no leads? You're a fool, Ella.]

Yon nga ang naka-sulat ngunit may palayaw ko ito and he just said I was a fool too. This son of b*tch.

So I'm right! Nandito nga sa akademyang ito ang killer ng kapatid ko.

I guess it's near. The time I'll see this killer.

Napalingon ako sa may puting buhok na ito ng marinig ko ang pagwagayway nito ng kanyang dagger dahil nag-iingay talaga.

"Let me guess, you're being threatened?"

I looked at him intently and sighed.

"I guess." I simply replied and massaged my temple.

I heard him scoffed.

"Want me to help? I can escort you or something. I'm free."

Escort me? Nagpapatawa ba siya? E nung isang araw nga halos banggain na ang sasakyan ko kung hindi lang ako naka-pag preno kaagad. Hindi naman kami close ah.

"I'm not kidding." seryoso nitong saad.

SPECIAL ACADEMY [COMPLETED]Where stories live. Discover now