CHAPTER FORTY NINE

1.2K 73 7
                                    

   Gabriella POV

"Any news?"

Tanong ko kay schalzi ng makahanap kaming dalawa ng isang lugar na matataguan at para mag usap.

"Kailan nakuha ang video na iyon?"

Dagdag kong tanong.

"A year ago, chineck ko na ito. Isang taon na ang nakalipas mula ng nangyari iyon sa kambal mo. At sila nga ang may pakana at nagbayad pa ng malaki sa dalawang lalaki, vinideohan nila ang mga nangyari at ginawang pang blackmail kay Mikaella."

Naikuyom ko ang kamao sa mga narinig.

"Why? Ano naman ang rason? Bakit kailangan nilang gawin yon kay mika?"

"I don't know, pero may ipapakilala ako sayo mamaya."

"Who?"

"Ang taong makakatulong satin at makakasagot sa mga tanong mo."

Tumango nalang ako at umupo sa isang silya sa isang abandonadong building na ito ng school, dito namin pinagpasyahan ni Schalzi na mag usap at ipagpatuloy ang pagplano.

Nahanap ito ni schalzi, sinabi nyang ng makita nya si estevan ay sinundan nya ito hanggang sa dalhin daw sya sa lugar na ito sa sobrang paghahanap kay estevan.

Inisa isa ko muling tinitigan ang hawak kong mga litrato.

"Violet. Siya ba ang pumatay kay mika?"

Ngunot noo kong anas.

"I still don't have proof. Pero pakiramdam ko sya talaga."

Umiling ako at tinitigan ang litratong hawak na binigay kahapon lang ni schalzi.

"Kong sya talaga ang pumatay kay mika, gagawin ko din sakanya kung paano niya pinahirapan ang kapatid ko. Babalatan ko sya ng buhay at iisa isahin ko ang mga daliri't kuko nya. I will make her moan in pain and beg like a servant. Ipaparamdam ko sakanya ng triple ang naramdamang pagdurusa ng kapatid ko."

"Brr. That's brutal, pero manonood ako. It will be exciting."

Nginisihan ko si schalzi na napa halakhak.

Nakuyom ko ang kamao at matalim na tinignan ang mga litratong hawak, naroon ang violet na iyon na palaging kasama ni Rafael kong saan man sila pumupunta. Nandito din sa litrato si Genivive, Patricia at Erica.

Talagang magkasama ang mga demonyo, naririto pa si mika sa larawan at nakatali ang parehong kamay at nakabusal ang bibig.

Silang apat ba talaga ang pumatay kay mika? If they are, baka magwala ako at patayin sila ng brutal.

...

"May tao akong gustong ipakilala sayo."

Napa taas naman ang kilay ko sa sinabi ni schalzi. Napa tigil ako sa ginagawa at lumingon sakanya.

Napansin ko naman ang paglitaw ng isang babae sa likod nya, mahaba ang buhok nito at bagsak na bagsak ang pagka straight na buhok. May malaki itong glasses at maputlang labi.

Lumapit siya sa aming gawi.

"This is sofia. Marami siyang alam tungkol sa kapatid mo."

Tinitigan ko ng mariin si sofia mula ulo hanggang paa.

"You really looked like Mika."

Mababa din ang boses nito at napaka malumanay. And she even knows I'm not the real mika, so it means she know something.

"Im Gabriella, her twin. Now speak, tell me everything you know."

SPECIAL ACADEMY [COMPLETED]Where stories live. Discover now