Special Chapter: Neca 1

560 7 0
                                        

*Neca's POV*

Kakatapos lang ng kasal nila ni Joanna at nandito na kami ngayon sa may reception area which is nasa may garden.

"Grabe ang guwapo talaga niya no?" - rinig kong sabi ng isang bampirang babae.

"Oo nga eh, kaso usap-usapan bading daw si prince Kevin eh," narinig ko ring sabi ng isa pang babaeng bampira.

What the hell!? Anong bading!? Hindi! Never!!! Sa mukha niyang yan!? Sa tindig niyang yan!? Sa mga muscles na yan!? Bading!!!??? No way!!!

"Woah! Neca! Chill! Haha affected ka masyado sa mga sinasabi nila eh," sabi naman sakin ni Rhoda.

"Tch! Kasi naman eh! Sinong siraulo ang magsasabing bakla ang mate ko!?" Pasigaw kong tanong sa kanya.

"Eh di i-confirm mo," Sabat naman ni Eryell na tinanguan rin nila Catliya at Rhoda.

"Tss, fine mamaya ko yan gagawi~" naputol ang sasabihin ko ng biglang sumigaw si Catliya,

"Awts! Sali kami!" Napatingin naman ako sa tinitignan niya at nakita sila ni Joanna at Andrea na magkayakap.

Aba madaya ang dalawang 'to ah

Dali-dali kaming apat na lumapit sa kanila at nagyakapan kaming anim hanggang sa tawagin si Joanna ng husband niya kaya nagyakapan kami ulit at umalis na siya

"Haay grabe nauna pa talaga si bunso satin," sabi ni Rhoda na ikinatawa naming apat.

"Haha edi sumunod ka," Sabat ko naman sa kanya.

"Tch! Ako pa ba talaga dapat mag-propose?" Sabi niya ng nakataas ang kanang kilay.

"Iba na ang panahon ngayon girls, hindi na uso yang mga "kailangan lalaki ang gagawa ng lahat" Wala ng Maria Clara uy," sabi naman ni Andrea habang ine emphasize yung mga salitang kailangan lalaki ang gagawa ng lahat.

"Weh? So nakapag-first move ka na kay Andrew?" Tukso ko sa kanya at nakita ko naman agad ang pamumula niya.

"Tsk!" Sabi ni Andrea at naglakad palapit sa kanila tita Josephine kaya natawa na lang kami.

"Haha tara na at tumulong na lang tayo sa kanila," sabi ni Catliya at naglakad na para tumulong sa paglilinis.

"Okay," bulong ko na lang at tumulong na rin sa paglilinis. Actually meron namang mga maid tsaka caterer na maglilinis kaso sa dami ba naman ng bisita, kukulangin talaga ang mga tauhan so yun nga naglilinis kami ngayon at ako ito nagtitiklop ng table cloth ng makita ko si Kevin na papunta sa may garden kaya iniwan ko na muna dun ang trabaho ko at sumunod sa kanya, may maid naman eh.

Nang makarating ako sa labas ay nakita ko siyang naka upo sa isang bench kaya dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya at tumabi ako sa kanya kaya agad naman siyang napamulat.

"Oh, hey," bati niya kaya nginitian ko na lang siya at tumingin sa paligid.

Ang ganda talaga dito.

"Anong kailangan mo?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya at napataas ang kaliwang kilay ko.

"Ha?" Tanong ko rin sa kanya.

"Sinundan mo ko dito so ibig sabihin may kailangan ka, di ba?" Sabi niya at nakatingin lang sakin ng malamig.

Pfft...akala ba niya matatakot niya ako sa mga tingin na yan? Ha! Nag-kakamali siya

"Oo, and I want you to answer me honestly," panimula ko at siya naman ay tumango lang kaya pinagpatuloy ko na ang sasabihin ko.

"Bakla ka ba?"

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon