*Neca's POV*
After those revelations na nalaman namin sa isa't isa ay hindi na kami nakapag-usap ni Kevin, maybe because it's awkward already? I don't know.
At nandito lang ako ngayon sa kwarto ko, nag-iisip kung itutuloy ko pa ba yung plano ko na gawing straight ulit yung baklang yun.
Why not?
Nagulat naman ako sa biglang nagsalita sa utak ko.
"Tsk. Bwisit kang Eryell ka! Huwag mo ngang basahin ang nasa isip ko!" Sigaw ko kahit na wala naman siya dito sa loob ng kwarto ko at ewan ko kung narinig niya yun.
Hey, Nec, pwede mo naman kaming kausapin eh. Nandito lang naman kami.
"I know. I'm sorry. Sige maliligo na muna ako, pakisabi na lang sa kanila ni Andrea na kung pwede lang eh mag-usap tayong lima," sabi ko sa kanya at kinuha na ang twalya ko at pumasok na sa banyo para maligo.
*Kevin's POV*
Pagkatapos kong marinig ang kwento ni Neca ay may narealize ako at yun ay may pagkakahawig pala kami, kasi pareho kaming nawalan ng mga mahal sa buhay, nakaranas ng hindi magandang karanasan at lumaki ng mag-isa simula nung bata pa lang kami pero hindi ko alam kung anong pwede kong gawin para mawala yung galit sa puso niya, kasi alam kong hanggang ngayon, galit pa rin siya sa ama niya at gusto kong lumaya na siya sa galit na yun.
"Haay nalelerky aketch," bulong ko sa sarili at ginulo ang buhok ko.
"Hmm...What to do? What to do?" Tanong ko sa sarili ko at nag-isip ng pwedeng maitulong sa kanya.
"Argh!!! Malay ko ba sa kung anong makakapag-pahappy sa mudrang yun," nabanggit ko na lang pagkatapos mag-isip ng ilang minuto at naalala ko na lang ang bampirang pwede kong mahingan ng tulong.
"Tama, Tama. Mapuntahan nga yung manyak na yun," sabi ko na lang at lumabas na ng kwarto ko papunta sa kwarto niya.
"Tol? Nandiyan ka ba sa loob?" Tanong ko habang kumakatok sa pinto niya at bumukas naman ito at niluwa nito ang isang lalaking walang suot pang-itaas.
"Oh tol, Ikaw pala, bakit?" Tanong niya.
"Magbihis ka kaya muna?" Sabi ko at nag-roll eyes na lang ako sa kanya senyales na bwisit ako sa kanya.
"Hahaha himala at mukha yatang di ka nabighani ng abs ko," sabi ng g*go kaya sinamaan ko naman siya ng tingin at tumawa lang ang ugok.
"Tss. Tol... Tulungan mo ko," sabi ko ng seryoso sa kanya kaya napatigil naman siya sa pagtawa.
"Pasok ka muna," sabi niya at nilakihan ang bukas ng pinto kaya pumasok na ako sa loob.
Pagkapasok namin sa loob ay agad akong umupo sa may pang-isahan na sofa sa mini sala niya at siya naman ay sumalampak ng higa sa may mahabang sofa.
"Oh bakit gusto mo ng tulong? Para saan ba? Kung sa babae yan, well nasa tamang bampira ka pumunta," sabi niya.
"Tss, kahit kelan napakababaero mo talaga no? Nicolo?" Bwisit na tanong ko sa kanya.
"Tol hindi ko na kasalanan kung habulin ako ng mga babae," mayabang na sabi ng g*go.
"Tsk. So ano? Tutulungan mo ba ako o hindi?" Tanong ko sa kanya.
"Ano ba kasing tulong ang kailangan mo?" Tanong niya.
"Pano ko ba mapapasaya ang isang babae?" Tanong ko sa kanya at nanlaki naman bigla ang mga mata niya.
"Woah! Tol! Lalaki ka na! Sabi na nga ba at maibabalik ka pa eh hahahaha," tawa ng g*go.
"Tss. G*go! Hindi! Sagutin mo na nga lang!" Inis na sabi ko sa kanya. Tss kahit kelan hindi na maaaring bumalik ang isang bakla sa pagiging lalaki.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
