*Ms. Ice's POV*
WARNING!!!!
Since kay Nicolo Rye a.k.a "The Playboy" at Eryell Aleho (or also known as RyeLo Love team) na ang gagawan ng Special Chapter, gusto ko lang sanang ipaalam sa lahat na may mga scenes po dito na slight-SPG which includes super laplapan ng bibig at mga galawan ng kamay or whatever na scenes but don't worry, walang bed scene dito (bawal yun dito haha) so please be open minded and kung masyado ka pang bata at ayaw mong masira ang pagkainosente mo then please just skip this special chapter and go directly to SC Rhoda 1 🙏🙏🙏
Oh well, I have warned you already, so just read at your own risk and enjoy!
======================
*Eryell's POV*
Hello there! Kakatapos lang ng reception nila Joanna at Jason and naka-alis na nga rin pala sila papuntang honeymoon nila and eto kami ngayon tumutulong mag-linis except kay Neca na bigla na lang umalis at pumunta dun sa may garden banda yata.
"Psst Rhoda," tawag ko kay Rhoda ng pabulong habang nagtutupi kami ng mga table cloth.
"Hmm? Bakit?" tanong niya naman.
"Saan papunta si Neca?" tanong ko sa kanya tapos siya naman ang biglang ngumisi.
"Haha mukha yatang sinundan si Kevin sa labas eh, nakita ko kasing unang lumabas si Kevin tapos si Neca," sagot naman niya.
"Oooh! Haha baka siguro ico-confirm na niya kung bakla ba talaga yung isang yun or hindi haha," sabi ko naman kay Rhoda kaya natawa na lang kaming dalawa at hindi nag-tagal ay naramdaman na namin ang presensya ni Neca sa loob ng silid na 'to pero agad din namang nawala, ginamit siguro niya ang vampire speed niya.
"Ye tignan mo oh," sabi ni rhoda sabay nguso sa may direksyon papuntang garden kaya napa-tingin naman ako dun at nakita si Kevin na nag-lalakad ng naka-yuko at dire-diretso lang sa pag-lakad palabas ng silid na 'to pero di naka-ligtas samin ni Rhoda ang mga namumula niyang tenga.
"Hoho mukha yatang naka-score si Neca dun ah haha," sabi ni RHoda kaya natawa rin ako kasabay niya.
"Ano kaya ang ginawa ng dalawang yun?" tanong ko sa kay Rhoda at nag-kibit balikat lang siya.
"Baka naman nag-s*x?" tanong niya
"Woah! Baka nga! hahaha," tawa lang kami ng tawa at pinag-uusapan lang namin ang kung anongnangyari sa kanila ni Neca at Kevin sa garden hanggang sa natapos na kaming mag-tupi ng mga table cloth.
"Sige, ako ng mag-dadala nito dun sa stockroom," sabi ko kay Rhoda.
"Sige, paki-kuha na lang rin pala ng isa pang malinis na pamunas kasi ang dumi na nitong isa eh," sabi niya tapos tumulong na sa kanila Catliya kaya kinuha ko na ang mga tinupi namin at nag-lakad na papunta sa stockroom.
"Uhm mahal na prinsesa, ako na po ang magdadala niyan sa stockroom, masyado pong marumi dun, baka sipunin po kayo pag pumunta kayo dun," sabi ng isang maid na naka-salubong ko.
"Uhm sigurado ka bang okay lang? tsaka may kukunin rin naman ako dun eh kaya ayos lang sakin kung ako ang magdadala nito dun," sabi ko naman sa maid.
"hindi, ayos lang po talaga sakin tsaka may kikitain rin naman po ako dun eh," sabi niya at yung panghuli ay pabulong na lang pero narinig ko pa rin naman pero wala na akong paki-alam dun kaya di ko na lang pinansin.
"Okay, salamat ah," sabi ko sa kanya at tumango naman siya tapos kinuha na niya yung mga tinupi naming table cloth ni Rhoda.
"Ay oo nga pala, pwede pag-balik mo, paki-kuha na lang rin ng malinis na pamunas sa lamesa, kasi marumi na yung ginagamit namin eh," sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
