*Rhoda's POV*
Maaga kami nagising ni Aldrin, baka kasi may makakita samin tapos yung suot ko pa naman eh parang pinagkaitan ng tela.
"Good morning my love," bati ni Aldrin sakin at hinalikan ako sa noo.
"Good morning din, bangon na tayo baka mamaya makita pa nila akong nakaganito eh," sabi ko sa kanya at bumangon na.
"Wala namang problema dun ah," sabi niya kaya hinampas ko nga ng unan.
"G*go, di mo alam pano magalit yung mga yun, tsaka nangako kami sa isa't isa na hindi namin isusuko ang bataan hangga't hindi kami kasal," sabi ko sa kanya at tumango tango naman siya.
"Alright, maligo ka na at magbihis, pupunta na din ako sa kwarto ko," sabi niya ng makabangon na siya at hinalikan akong muli sa noo ko.
"Sige," sabi ko sa kanya. Lumabas na siya ng kwarto ko kaya tumayo na din ako at kinuha ang twalya ko bago pumunta ng CR para maligo.
After maligo ay nagbihis na din ako at nag ayos ng sarili, pati na rin yung kama ko ay inayos ko na rin. Pagkatapos mag ayos ay lumabas na ko at dumiretso sa kusina. Nandun na din naman silang lahat maliban kanila Joanna at Jason, nag overtime yata.
"Good morning," bati ko sa kanilang lahat.
"Good morning Rhod," bati nila sakin. Naupo na ko sa tabi ni Aldrin at maya maya lang din ay dumati na sila ni Joanna.
"Good morning everyone," bati ni Joanna samin at naupo na silang mag asawa sa upuan nilang dalawa tsaka kami nagsimulang kumain.
Wala kang ibang maririnig na ingay dito kundi ang mga tunog lang ng mga kubyertos.
Pagkatapos din namang kumain ay nagkanya kanya na kaming lahat. Ako dumiretso na ko sa project room namin para kahit papano ay makapag sanay din pero dahil nga kakakain pa lang ay nagpahinga muna ako ng isang oras bago magsimula sa pag sasanay. Lagi akong nagsasanay kapag wala akong magawa para kahit papano ay hindi naman ako mamamatay sa boredom at tsaka para kahit papano ay nakakagalaw galaw din ang mga buto buto ko.
"Grabe kakapagod yun ah," bulong ko sa sarili ko habang nakaupo sa sahig, katabi ang isang malaking water bottle at isang panyong nakasabit sa balikat ko.
Habang nagpapahinga ay narinig kong nagbukas ang elevator kaya napalingon naman ako doon at nakita si Aldrin na naglalakad palapit sakin.
"Hey," nakangiting bati niya kaya ngumiti din ako sa kanya pabalik.
"Pano mo nalamang nandito ako?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang leeg kong puno ng pawis.
"Wala ka kasi sa kwarto mo eh so tinry kong tignan dito and tama nga ko, nandito ka nga," sabi niya at naupo sa tabi ko.
"May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya at uminom ng tubig.
"Wala naman, sasabihin ko lang sana na pinapatawag tayong lahat ni Tita Josephine," sabi niya.
"Okay," sagot ko sa kanya pagkatapos kong uminom ng tubig. Tumayo na din ako at ganun din siya, kinuha niya na rin yung water bottle ko at siya na ang nagbitbit.
"Nasaan sila tita?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa throne room sila ngayon," sagot niya sa tanong ko kaya tumango na lang ako sa kanya bilang sagot.
"Magbibihis muna ako bago pumunta dun, pawisan kasi ako eh," paalam ko sa kanya.
"Sige, hihintayin na lang kita dun sa throne room," sabi niya at humalik sa noo ko. Dali dali na akong pumunta sa room ko at nag bihis, nakakahiya kasing paghintayin sila tita Josephine eh lalo na si tita Violet, baka magali pa yun, kakatakot pa naman.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
