*Neca's POV*
Hindi ako makapaniwala na natama ko ang landas ni Kevin, well paunti-unti nga lang pero at least he's willing to change diba?
Iba talaga ang charms ko.
"Les! Nandiyan ka ba?" Biglang sigaw ng isang gwapong bakla sa may pinto habang kinakatok ito.
"Yes baks?" Pasweet kong sigaw.
"Hurry up. Naghihintay na sila satin," sabi niya sa kabilang side ng pinto kaya lumapit ako dito at binuksan 'to ng kaunti, yung kasya lang ang ulo ko at nilabas ito para maka-usap siya.
"Ba't di ka na lang kasi pumasok?" Tanong ko sa kanya at agad namang tumaas ang kilay niya.
"Kahit nag-bibihis ka pa?" Exaggerated na sigaw niya kaya natawa na lang ako ng malakas.
"Baka lang naman gusto mo," tukso ko pa sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin tapos tinulak pabalik sa loob ng kwarto ang ulo ko at sinara ang pinto.
"Naku, kunwari ayaw eh no baks?" Sigaw ko sa kanya at sinubukang buksan ang pinto pero mukha yatang hinawakan na niya sa kabilang side ng doorknob at pinipigilang mabuksan ko 'to.
"Heh! Bilis na les! mag-wawarla na naman mamaya si tita violet eh," sabi niya kaya natawa naman ako at nag-ayos na ng sarili ko. Hanggang ngayon kasi takot pa rin sila kay tita Violet.
Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ko ng kwarto at nakita ko si Kevin na naka-sandal lang sa may pader.
"Finally," sabi niya at nag-roll eyes sakin kaya napa-hagikgik naman ako at agad na umangkla sa kanang kamay niya at nag-lakad na kami papunta sa throne room kung nasan ang iba naghihintay samin at pagdating namin dun ay agad kaming sinigawan ni Joanna.
"Ang tagal niyo!"
"Sorry naman, nag-over time lang," sabi ko sa kanya.
"Seriously!?" Sigaw nilang lima ni Joanna, Andrea, Catliya, Rhoda at Eryell kaya naka-tanggap naman ako ng batok sa katabi ko.
"Pinag-sasabi mo?" Tanong ni Kevin pero nginitian ko na lang siya.
"Tama na yan," sabi ni Tita Josephine kaya tumahimik na kaming lahat at nakinig na sa sasabihin niya.
"Girls para sa inyo ang sulat na 'to," sabi ni tita Josephine at may inabot na isang sobre samin kaya agad naman itong kinuha ni Joanna at lumapit naman kami sa kanya at nakibasa rin.
"Woah! Bagong mission! Nice!" Biglang sigaw ni Rhoda ng mabasa ang laman ng sulat.
"Mission?" Tanong naman ni Jason sa kay Joanna.
"Yep, and it looks like we need to stay there for at least 3 days," sabi ko naman.
"What?" Tanong naman ni Andrew.
"Ang sabi ko, mukhang magtatagal yata kami ng ta~" di na natuloy ang sasabihin ko ng pinutol ito ni Andrew.
"Alam ko kung anong sinabi mo pero bakit tatlong araw talaga?" Sabi naman niya kaya napa-taas naman ang kilay ko.
"Uhm, kasi baka masyadong delikado kaya kailangan ng mahaba-habang oras para masiguradong matatapos ang misyon?" Patanong kong sagot sa kanya.
"Baka naman pwedeng sumama na lang kami?" Tanong ni Aldrin.
"Oo nga, para mas mapabilis yang misyon na yan," sabi naman ni Rence.
At sa oras na 'to hindi ko na talaga alam ang pinag-sasabi nila pero isa lang ang alam ko sa ngayon at yun ay naiinis na ako sa kanila.
"Anong akala niyo samin? Mahihina? Na kailangan pa namin ng tulong niyo para lang matapos ang isang simpleng misyon?" Inis na pagkakasabi ni Catliya at ako lang ba o biglang nag-apoy ang dulo ng mga buhok niya pero agad din namang nawala. Hmm, weird.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
