*James' POV*
Nandito ako ngayon sa mundo ng mga mortal, malapit na rin namang gumabi kaya hindi na ako nahihirapan pang mag tago sa araw.
Nag iikot ikot lang ako dito at nag mamasid masid ng mga kaganapan sa mundo ng mga tao, masyado talagang madami ang mga tao kung ikukumpara sa mga bampira.
"Uy ang gwapo niya oh," narinig kong sabi ng isang babaeng mortal habang naka tingin sakin kaya ngumiti na lang ako sa kanya at sa kasama niyang babae tapos bigla naman silang nag sisisigaw kaya nag lakad na lang ako palayo, ang sakit kasi sa tenga eh.
Ano nga bang ginagawa ko dito sa mundo ng mga mortal?
Wala lang, nag hahanap lang ng mapag lilibangan at tsaka malay natin, baka nandito yung babaeng ipinalit ni Luna kay Joanna para sakin.
Kung meron man.
Habang nag lalakad ay napapansin ko din naman ang mga titig ng mga kabataang kababaihan sa akin at hindi ko naman ikakaila na may kagwapuhan talaga ako, nasa lahi na talaga namin iyon. Hindi ko na lamang pinansin ang mga nakatingin sa akin at nag punta na lamang sa isang parke kung saan wala masyadong mga tao ang napapadpad. Naupo na lang din muna ako sa swing at nag masid na lamang.
Maya maya lamang ay naramdaman kong may umupong bata sa katabing swing na kinauupuan ko kaya napatingin ako dito at ngumiti naman kaagad sa akin ang batang babae kaya ngumiti din ako sa kanya.
"Elow po," sabi ng batang babae.
"Hello din sayo, anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Matcha po," sagot ng bata.
Matcha? Hindi ba flavor iyon na kulay berde?
"Ang ganda naman ng pangalan mo," naka ngiting sabi ko sa kanya.
"Kaw po? Ano po name mo?" Tanong ng bata.
"Ako si James," naka ngiting sagot ko sa kanya.
"Jhamesh?" Sabi ng bata at natawa na lang ako sa kacutan niya.
"Haha oo, James," sabi ko sa bata.
"Nasan ang mga magulang mo?" Tanong ko sa kanya at maya maya lang ay dumating na nga ang isang babaeng nasa edad bente.
"Masha! Nandiyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap eh," sabi ng babaeng may itim na buhok na hanggang bewang niya, medyo may kaliitan din siya at maputi din, balingkinitan din naman siya, sadyang pandak lang talaga.
"Mimi, usap kami jhamesh," sabi ng batang si Masha sa babae.
Mimi? Pangalan niya ba ito?
Napatingin naman sakin ang babae at sa oras na nag tama ang mga paningin namin ay nakaramdam ako ng kakaiba sa dibdib ko, para bang kinuryente ako at muling bumalik sa pagiging isang mortal.
"Pasensya po kung naistorbo ka ng anak ko," paghingi ng paumanhin ng babae kaya agad akong umiling sa kanya at ngumiti.
"Ayos lang yun, ang cute nga niya eh, mana siya sayo," sabi ko ng nakangiti at pansin ko din naman ang panlalaki ng mga mata niya at ang pag iwas ng tingin sakin.
Bakit? May ginawa ba ko?
"Sige po, aalis na po kami," sabi ng babae.
"Masha mag paalam ka na kay kuya," sabi ng babae at binuhat na ang batang si Masha.
"Byebye po," nakangiting sabi ng bata habang kumakaway.
"Paalam," nakangiti ko ring paalam sa kanila at agad naman silang umalis pero napansin ko naman ang isang panyo na may nakaburdang kung ano dito. Pinulot ko ito at ibabalik na sana sa kanila.
"Ay sandali," tawag ko ulit sa kanila kaso malayo na sila sa kinatatayuan ko. Tinignan ko na lang ulit ang panyo at nakita ang nakaburda dito.
Mimi and Masha ❤️⭐️
So Mimi talaga ang pangalan niya?
Napangiti na lamang ako at itinago ang panyo sa aking bulsa.
"Sa muli nating pag kikita, Mimi," bulong ko sa hangin at napagdesisyunan ko nang bumalik sa mundo naming mga bampira. Dumaan ako sa headquarters ng mafia nila Joanna at ginamit ang portal nila.
Pagka pasok sa mundo namin ay dumiretso na ako sa bahay ko, malayo ito sa palasyo, dahil mas gusto kong mamuhay dito sa kagubatan kesa sa palasyo kung nasaan ang kapatid ko at ang babaeng para sakin dapat kaso wala na akong magagawa pa, pinili siya ni Jason kaya wala akong ibang pag pipilian kundi ang magparaya tsaka isa pa, mukhang magiging maayos na rin naman na ang lahat. Kinapa ko muli ang bulsa ko kung saan naroon ang panyo ni Mimi.
Luna, mukhang siya na nga ang babaeng inilaan mo para sakin, sana lang ay huwag mo na siyang kunin sakin. Wala akong pakialam kung may anak na siya, gagawin ko ang lahat para mapasaya sila at maging ligtas sila, at higit sa lahat, wala akong pakialam, kung isa man siyang mortal.
===========================
Ms. Ice: Ayan, para happy din naman si fafa James hehe
Sino kaya si Mimi? Sino si Masha? Abangan! 😉🤭
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasiThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
