Special Chapter: Eryell 3

72 4 0
                                        

*Eryell's POV*

Nandito ako ngayon sa isang boutique, naghahanap ng mga pang-regalo sa bagong kasal na sila Joanna at Jason. Ito ang inassign samin ni Andrea eh.

"Honey! May nahanap ka na ba?" Tanong ng manyak sa may tabi ko pero di ko siya pinansin.

Kanina pa siya nag-tatanong diyan eh pero di naman ako tinutulungang mag-hanap ng magandang regalo.

"Baby, di mo ba talaga ako papansinin dito? Sayang naman ng kagwapuhan ko kung i-i-ignore mo lang," sabi niya kaya di ko napigilang mag-roll eyes pero di ko pa rin siya pinansin.

At kanina pa rin siya nagpapa-pansin diyan pero bahala siya sa buhay niya. Tuloy lang ako sa pag-pili ng mga regalo hanggang sa may nakita akong isang kulay gintong katana sa may isang may kaliitang divider kaya nilapitan ko 'to at sinuri ng mabuti.

 Tuloy lang ako sa pag-pili ng mga regalo hanggang sa may nakita akong isang kulay gintong katana sa may isang may kaliitang divider kaya nilapitan ko 'to at sinuri ng mabuti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Prinsesa, Ang galing mo po pumili. Ito pong hawakan ng katana na ito ay gawa sa purong ginto, at itong talim naman ay gawa sa pinakamatibay na Tamahagane steel na nanggaling pa sa pinakamayamang pamilya sa Japan," pag-e-explain ng babaeng medyo may edad na, siya ang may ari nitong shop.

"Tamahagane?" Tanong ko sa kanya.

"It's a mixture of iron sand and charcoal," sabat naman ni Nicolo kaya tinanguan ko na lang siya.

"Magkano po 'to?" Tanong ko sa may-ari.

"Medyo may kamahalan lamang ho ito Prinsesa, dahil nag-iisa na lamang ito sa buong mundo," sabi pa niya kaya napataas naman ang kaliwang kilay ko.

"Magkano nga?" tanong ko ulit sa kanya.

"500 na ginto po mahal na prinsesa," sabi ng babae kaya nanlaki naman mata ko.

"Ano!?" di ko napigilang mapasigaw kaya napa-atras naman ang babae at dali-daling lumuhod tsaka yumuko.

"P-pasensya na p-po mahal na prinsesa, y-yun po kasi ang inilagay na presyo n-ng asawa ko b-bago pa po siya m-mawala, m-maawa po kayo sakin," nanginginig niyang sabi kaya agad naman akong yumuko at tinulungan siyang makatayo.

"Pasensya na rin po kayo kung nasigawan ko kayo, nagulat lang ako sa presyo nitong katana," sabi ko sa kanya at nginitian siya.

"S-salamat po prinsesa," sabi ng babae.

"Pero ate wala na bang tawad to? 500 talaga? At ginto pa?" tanong ko sa babae at tumango naman siya tsaka yumuko ulit.

Ano ba yan, ang mahal naman.

Ibabalik ko na lang sana ito sa lalagyanan niya kaso bigla na namang nag-salita si Nicolo.

"Gusto mo bang bilhin yan?" tanong ni Nicolo at tinuro ang katanang hawak ko.

"Oo sana kaso ang mahal eh kaya huwag na lang," sagot ko sa kay Nicolo at pinatong na ang katana sa may katana holder nito sa divider.

"Then kukunin na namin yan," sabi ni Nicolo sa babaeng may ari ng tindahan na 'to.

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon