Special Chapter: Andrea 12

42 3 0
                                        

*Andrea's POV*

"Ba't ba balik kayo ng balik dito?" Naiinis na sigaw ni Eryell sa mga lalaking mate namin na nakatayo na naman ngayon sa likod namin.

"Eh ba't kasi kayo sumisigaw ng ganun?" Tanong naman sa kanya ni Nicolo.

Eh ano ngayon?

"Pake niyo ba!? Eh sa nag-uusap kami eh, tsk!" Sagot naman ni Eryell at inis na inis na kay Nicolo na nakakunot na rin ang noo.

Ay LQ yata 'tong dalawang 'to kaso di naman pala sila eh, parang lang kaso di naman official, parang MU lang ganun kaso in denial pa pala si Eryell, kaya parang hindi rin. Haays ang gulo nilang dalawa.

"Alis na nga kayo, okay lang kami, okay?" Sabi naman ni Joanna sa kanila kaya umalis na nga yung anim na mga lalaki.

"So ano na?" Sabi ni Eryell.

"B-bakit niyo ba tinatanong yun?" Tanong ni Jo habang namumula na.

Nahiya ka pa talaga samin ha.

"Duh...curious kami eh," sabi ulit ni Eryell sa kanya kaya tumango din kami.

Yep, yep, tama si Eryell.

"Edi gawin niyo rin ni Nicolo," sagot naman ni Joanna sa kanya.

"No way! Baka mamaya magka-virus pa ko no," sagot naman ni Eryell at nag-cross arms pa.

Grabe naman 'tong isang 'to virus agad?

"Ewan ko sayo...pero seriously girls, huwag na kayong mag-tanong okay? Malalaman niyo din yun pag nangyari na sa inyo," sabi ni Jo ng nakangisi.

Matatagalan pa siguro yung akin.

"Uhm...I don't think kaya ni Kevin," sabi naman ni Neca.

"Ahhh oo nga pala, bakla nga pala yun," sabi naming lima habang tumatango tango.

"Pano niyo nalaman?" Tanong naman ni Neca samin.

"Duh, nasabi mo na kaya," sagot ni Eryell sa kanya kaya natawa na lang kaming anim. Masaya kaming nag uusap usap dito hanggang sa may dumating na tagapag silbi at tinawag si Joanna.

Ay ano ba yan.

"Mahal na reyna, pinapatawag po kayo ng dating reyna," biglang salita naman ng isang maid kaya napatingin naman kaming anim sa kanya at tumayo naman agad si Joanna.

"Sige girls, mamaya na lang ulit tayo mag chikahan," sabi niya at umalis na agad, siguro pupunta na yun sa kay Tita Josephine.

Haays, mamaya ko na nga lang iiinterogate yung babaeng yun, sa ngayon gagawin ko na lang din muna yung tinatapos kong libro.

Nag try kasi ako na mag sulat ng libro pero wala naman akong balak na ipabasa ito sa iba, gusto ko lang talaga na matapos 'to.

"Sige, mauna na rin pala muna ko. May gagawin pa ko eh," pagpapa alam ko sa kanila at tumayo na rin tsaka nag lakad na palabas ng garden. Hindi na ako nag abala pang tumulong sa pag lilinis doon, madami na naman na ang mga taga silbing nandoon eh kaya, kaya na nila yun.

Nag lakad na lang ako diretso sa loob ng palasyo hanggang sa maka akyat ako ng hagdan at makapasok sa kwarto ko. Pagka pasok ay agad ko na sinarado yung pinto. Kumuha na din ako ng mga pambahay na damit, isang tshirt, isang short na hanggang tuhod at isang pares ng pambahay na tsinelas, mas komportable kasi ito kesa sa mga night gowns na nasa kabinet ko o baka kasi mas sanay ako sa ganitong damit.

Pagka tapos kong mag bihis ay tsaka ko na kinuha yung notebook na tinago ko sa loob ng kaha ng bedside table ko tsaka naupo sa kama at sumandal sa headboard nito.

Mag iilang minuto na rin akong nag susulat ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Sino yan!?" Sigaw ko habang naka tingin pa rin sa notebook ko at nag iisip ng susunod na senaryo na ilalagay ko sa kwento.

"It's me," pagka rinig ko pa lang doon sa boses ni Andrew ay agad na napa angat ang mukha ko at tsaka ako dali daling tumayo, inayos ko saglit ang itsura ko bago nag lakad papunta sa pinto tsaka ko ito binuksan.

"Hi," naka ngiting bati ko sa kanya at ngumiti din naman siya pabalik.

"Are you busy?" Tanong ni Andrew at umiling lang ako sa kanya bilang sagot.

"Hindi naman masyado, nag susulat lang ako ng isang story, bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Uhm, okay lang ba kung mabasa ko yun?" Tanong ni Andrew at napa isip naman ako.

"Hmm...pwede rin para kahit papano ay merong mag critique ng story na sinusulat ko," sabi ko kay Andrew at tumango naman siya.

"Pero, huwag kang mag expect masyado ha, baguhan lang kasi ako eh," sabi ko kay Andrew.

"Halika, pasok ka," pag yayaya ko sa kanya at pumasok naman siya agad tsaka niya sinarado ang pinto. Nag lakad ako papunta sa ned side table kung saan ko naiwang naka patong ang notebook ko at tsaka ito kinuha.

"Patingin," sabi ni Andrew kaya inabot ko naman ito sa kanya.

"Basahin ko ha," sabi ni Andrew at tumango naman ako sa kanya bilang pag bibigay pahintulot.

Naupo na muna ako sa kama at ganun din naman ang ginawa niya habang binubuklat ang notebook.

Habang nag babasa siya ay naka tingin lang ako sa kanya, masyado kasing seryoso ang mukha niya ngayon na para bang bawat salita na naka sulat sa notebook na hawak hawak niya ngayon ay importante at mahalaga na malaman niya bawat detalye ng storyang binabasa niya. Habang tinitignan ko siya ay napapa isip na lang ako.

May ganito pa palang klase ng lalaki? I mean, sa mundo kasi ng mga mortal halos lahat sa mga kabataan eh puro gadget na lang o di kaya eh masyadong abala sa pangongolekta ng mga naging ex jowa nila, kahit na alam naman nilang di pa sila handa para dun. Siguro, dahil sa mag kaiba ang pamumuhay sa mga mortal at dito sa mundo ng mga bampira kaya kahit na sabihing medyo nakakahabol din naman sila sa teknolohiya ay hindi pa rin nawawala yung pagiging old style nila pag dating sa mga seryosong bagay tulad na lamang ng pag ibig.

"Maganda," biglang sabi ni Andrew kaya napabalik naman ang wisyo ko.

"Huh? Sinong maganda?" Tanong ko sa kanya at napa tingin sa paligid namin.

Wait, ako lang naman ang babae dito ah...don't tell me ako yung sinasabihan niyang maganda?

Namula naman agad ang pisngi ko dahil sa iniisip ko.

"S-Salamat simple lang naman 'tong suot ko eh," pabulong na sabi ko at nilagay sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok ko na nahulog sa mukja ko.

"Yung story kamo, maganda, ang ganda nung plot tsaka nakaka excite basahin," sabi ni Andrew na agad namang nag pawala ng ngiti ko.

P*ta! Akala ko ako! T*ngina! Pafall talaga!

===========================

Ms. Ice: HAHAHAHAHAHA 🤣🤣

Pasupport po sa dreame please, paki click po yung heart button sa storyang Borrowed Identity by YoursTrulyIce

Thank you and God bless ☺️💕

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon