*Catliya's POV*
"Ano? Ganun lang? Kwento mo lahat," sabi naman ni Andrea.
"Nasuko mo na ang bataan? Kamusta ang first night?" Tanong ni Neca.
"Malaki ba?" Tanong ni Rhoda.
Masyadong curious ah, di niya pa ba nakikita kay Aldrin?
"Masarap?" Tanong ko naman.
Ayt! Sensya na di ko pa natry eh kaya gusto ko itanong.
"Teka...teka...teka! Isa-isa lang okay?" Natatawang sabi ni Joanna.
"So ano ngang nangyari!?" Sabay naming limang sigaw sa kanya.
"Wow, kailangan sumigaw?" Sarcastic na tanong ni Joanna.
"Okay nga eh. Nasuko na? Oo!" Sagot ni Jo kaya nanlaki naman ang mga mata namin at napatili kaya bumalik na naman yung mga lalaki.
"Ba't ba balik kayo ng balik dito?" Naiinis na sigaw ni Eryell sa mga lalaking 'to.
"Eh ba't kasi kayo sumisigaw ng ganun?" Tanong naman sa kanya ni Nicolo.
"Pake niyo ba!? Eh sa nag-uusap kami eh, tsk!" Sagot ko naman at inis na inis na kay Nicolo na nakakunot na rin ang noo.
LQ yata sila?
"Alis na nga kayo, okay lang kami, okay?" Sabi naman ni Joanna sa kanila kaya umalis na silang anim.
"So ano na?" Sabi ni Eryell.
"B-bakit niyo ba tinatanong yun?" Tanong ni Jo habang namumula na.
"Duh...curious kami eh," sabi ulit ni Eryell sa kanya kaya tumango din kami.
"Edi gawin niyo rin ni Nicolo," sagot naman ni Joanna sa kanya.
"No way! Baka mamaya magka-virus pa ko no," sagot naman ni Eryell at nag-cross arms pa.
"Ewan ko sayo...pero seriously girls, huwag na kayong mag-tanong okay? Malalaman niyo din yun pag nangyari na sa inyo," sabi ni Jo ng nakangisi.
"Uhm...I don't think kaya ni Kevin," sabi naman ni Neca.
"Ahhh oo nga pala, bakla nga pala yun," sabi naming lima.
"Pano niyo nalaman?" Tanong naman ni Neca samin.
"Duh, nasabi mo na kaya," sagot ni Eryell sa kanya kaya natawa na lang kami.
"Mahal na reyna, pinapatawag po kayo ng dating reyna," biglang salita naman ng isang maid kaya napatingin naman kaming anim sa kanya at tumayo naman agad si Joanna.
"Sige girls, mamaya na lang ulit tayo mag chikahan," sabi niya at umalis na.
"Sige, mauna na rin pala muna ko. May gagawin pa ko eh," sabi ni Andrea samin at tumayo na rin.
"Ako rin girls, maglalakad-lakad muna ako," sabi ni Neca
"Sige ako pupunta pa ko sa mundo ng mga tao eh," sabi naman ni Rhoda samin.
"Anong gagawin mo dun?" Tanong ko naman sa kanya.
"Magkikita kasi kami ng boyfriend ko," sagot niya sakin.
"Sana all may jowa," sabi ni Eryell kaya natawa naman si Rhoda sa kanya.
Sana all na lang talaga.
"Ayaw mo pa kasi sagutin si Nicolo," sabi ni Rhoda habang natatawa.
"Ayoko nga," sagot niya naman agad kaya mas lalo natawa si Rhoda, pati ako matatawa na din kay Eryell eh.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasíaThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
