Special Chapter: Eryell 4

65 1 0
                                        

*Nicolo's POV*

"Eh ano naman ngayon kung nag-seselos ako? Oh ayan! Inamin ko na! Nag-seselos nga ko dun sa babae! Ako yung mate mo pero may iba ka pa! Galing mo rin eh!" biglang sigaw ni Eryell sakin na nagpatulala sakin

"Oh? Ano? Wala kang sasabihin? Nga-nga?" sabi niya pa ulit pero di ko pa rin alam kung anong sasabihin ko sa kanya, ang alam ko lang eh ang saya ko ngayon kaya di ko naiwasan ang pag-ngiti pero pilit ko 'tong pinipigilan kaya napakagat-labi na lang ako

Napansin ko rin na biglang nanlaki ang mga mata niya at mukhang hindi na mapakali

"P-pero s-siyempre biro lang yun kasi kahit kelan di ako magkakagusto sa lalaking hindi makuntento sa isa" sabi niya na nakapag-pawala ng ngiti ko

Ano ba talaga? Kanina nag-seselos daw pero ngayon binawi?

"So bakit ka nauutal?" seryosong tanong ko sa kanya

"Sinong nauutal? Wala ah! Mag-drive ka na nga lang, gusto ko na bumalik sa palasyo, maraming plastic dito sa labas eh" sabi niya tumingin na sa may bintana. Napailing na lang ako at nagsimula na ngang mag-drive.

Habang nasa daan ay napansin kong panay kunot-noo ni Eryell at parang hindi siya mapakali kaya ginamit ko na lang ang kapangyarihan kong makapag-basa ng isip at binasa ang nasa isip niya

(Ms. Ice: Lahat Po Ng Naka Italicize With Quotation Mark (") Ay Ang Nasa Isip Ni Eryell At Yung Mga Naka Italicize Lang Ay Ang Mga Iniisip Ni Nicolo)

Ano na naman bang iniisip ng babaeng 'to?

Dahil sa curiosity ay pinakinggan ko na lang ang nasa isip niya

"Teka, mali talaga eh" rinig kong sabi niya

Anong mali?

"Dapat hindi ko sinabi yun...eh pero bakit ko nga ba nasabi yun?" napakamot naman siya ng ulo niya kaya pati ako napakunot-noo na rin

Ano bang sinabi niya?

"Haaays! Kasalanan niya 'to eh! Tsk!" ngayon naman halata sa mukha niya ang pagkainis

Sino namang kalaban nito?

"Okay na sana eh, kung hindi lang kasi sana maladi" sabi niya pa at nakita ko sa peripheral vision ko ang pag-ikot ng mga mata niya

Ako ba ang tinutukoy niyang malandi?

"Ako ba sinasabihan mo ng malandi?" tinanong ko na talaga siya kaya napatingin naman siya agad sakin

"Panong~?" di niya natuloy ang sasabihin niya ng ako na ang nagtapos nito

"Pano ko nalaman ang iniisip mo?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya

"Baka nakakalimutan mo na yata na nakakabasa ako ng isip. Telepathy?" naka-ngising sabi ko sa kanya

"Bwisit ka rin eh no? Edi huwag mong basahin nasa isip ko!" inis niyang sabi

"Then try to stop me by controlling your own power" sabi ko sa kanya at nagulat naman ako ng bigla na lang akong makaramdam ng suntok sa kanang braso ko kaya agad akong napapreno

"The f*ck!?" di ko napigilang mapasigaw at tinignan siya ng masama

"Minumura mo ba ko?" tanong niya na may malalanig na titig

"Oo namura kita kasi naman bakit ka bigla-bigla nanununtok!?" tanong ko rin sa kanya habang hawak-hawak yung braso kong nasuntok niya

Langya naman oh, mas malakas pa yata sakin 'tong babaeng 'to eh

"Ah bakit nga ba?" tanong niya at nanglumbaba na parang nag-iisip at ako naman eh tinignan yung parte ng braso ko na nasuntok niya, baka kasi magka-pasa 'to

"Ah! Alam ko na!" sigaw niya sabay hampas naman sa balikat ko

"Aray! Ba't ba ang brutal mo?" bad trip kong tanong sa kanya

"So? Dapat lang yan sa nga babaerong gaya mo" seryosong sabi niya kaya napakunot-noo naman ako

Gano ba kalaki galit nito sakin at ganito 'to maka-asta?

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at naalala ko yung sinabi niya kanina

"Oh ano pala yung sabi mong alam mo na?" tanong ko sa kanya

"Ah oo, tuturuan mo kong kontrolin 'tong telepathy na 'to. Hindi yan pakiusap, inuutusan kita" sabi niya kaya di ko napigilan ang pag-tawa ng mahina

"Hmm...sige tuturuan kita pero..." sabi ko at unti-unting lumapit sa kanya

"Ano na namang binabalak mong gunggung ka?" agad niyang sabi at tinulak ang mukha ko palayo sa kanya gamit ang kaliwang kamay niya

"Bakit? Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko?" tanong ko sa kanya habang tinitignan siya ng diretso sa mga mata niya at ganun din siya sakin

"Ewan ko sayo Nicolo, umayos ka na nga ng upo at mag-drive na ulit! Ang dami pang arte eh" sabi niya at tumingin na lang sa may bintana kaya napangisi na lang ako at umayos na ng upo tsaka nag-drive na nga ako ulit pabalik sa palasyo.

*Eryell's POV*

Ano ba 'tong nangyayari sakin, kung hindi maiilang eh nauutal naman tapos ngayon di ko napansin na napatingin na rin pala ako sa mga mata niya, ulit. Buti na lang talaga hindi na naulit yung nangyari kanina sa may shop.

"Malapit na tayo" sabi ni Nicolo at tumango lang ako sa kanya at natahimik na naman kami ulit.

"Mamayang hapon pumunta ka sa kwarto ko" sabi ni Nicolo na ikinagulat ko naman

"Ha??? At bakit naman ako pupunta dun!?" malakas na pagkakatanong ko sa kanya

"Aish! Pwede ba huwag ka sumigaw, nandito lang naman ako sa tabi mo ah" sabi ni Nicolo

"Eh ikaw eh! Ano na namang pumasok na kamanyakan diyan sa utak mo ha!?" pasigaw na tanong ko sa kanya

"Anong kamanyakan? Pinagsasabi mo?" napakunot-noo na tanong niya

"Wow! Ngayon in-denial ka pa? Kaloka ka rin ha" sabi ko naman sa kanya

"Ha?" sabi niya na lang

"Hindi ako pupunta mamaya sa kwarto mo! Kahit kelan hindi ako pupunta dun!" sigaw ko sa kanya at pinag-krus ang mga kamay ko sa dibdib ko tsaka humarap sa bintana

"Edi hindi rin kita tuturuan kung pano kontrolin yang kapangyarihan mo" sabi niya kaya napatingin naman ako agad sa kanya

"Ha? Y-yun ba yung gagawin natin dun sa kwarto mo?" tanong ko sa kanya

"Oo bakit may gusto ka pa bang gawin maliban dun?" tanong niya ng naka-ngisi

"H-ha? W-wala no! S-sige, pupunta ako dun mamaya" sabi ko na lang sa kanya

Ano ba Eryell Aleho! Kung ano-ano pinag-iisip mo, ayan tuloy napahiya ka! G*ga mo kasi eh!

"Hahaha" narinig kong tawa ni Nicolo

"Tinatawa-tawa mo diyan?" tanong ko sa kanya

"Nothing" sabi niya ng naka-ngiti kaya natulala na naman ako

"Nakatulala ka na" sabi na naman niya kaya agad akong umiwas ng tingin

"Tsk! Feelingero!" sabi ko na lang sa kanya at tumingin na lang talaga ulit sa may bintana pero di ko alam kung bakit pero napangiti na lang rin ako

Ano na ba 'tong nangyayari sakin? Hindi ako dapat mahulog sa mga ngiting yan, kasi sa huli, ako lang rin ang masasaktan.

========================

Ms. Ice: hello!!! Please support me on Dreame, just search my username, YoursTrulyIce

Please vote and comment 😘

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon