Special Chapter: Andrea 5

42 4 0
                                        

*Andrea's POV*

Bumalik na muna ako saglit sa kwarto ko pero nagulat ako kasi nandoon din sila ni Catliya, Eryell at Neca.

"Oh bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanilang tatlo.

"Dre may sasabihin kami sayo," sabi ni Catliya.

"Bad news ba yan o good news?" Tanong ko sa kanila at sinarado ang pinto ng kwarto ko tsaka nag lakad palapit sa kanila.

"Hindi naman bad news," sabi ni Catliya.

"Pero di rin good news," dagdag ni Neca kaya napakunot noo naman ako.

"Ano yun?" Tanong ko sa kanila.

"May napapansin ka ba sa kanila Rhoda at Aldrin?" Tanong ni Eryell sakin kaya napaisip naman tuloy ako.

"Uhm," sabi ko habang nag iisip at maya maya lang ay may naalala ako, yung nakita ko kanina sa library.

"Oo kanina kasi nakita ko sila kanina sa library eh parang sobrang close nilang dalawa, bakit?" Tanong ko naman sa kanila.

"Oo, yun din napansin namin sa kanila eh," sabi ni Catliya.

"Tingin niyo ba may something sa kanila?" Tanong ko sa kanilang tatlo at sabay sabay silang tumango.

"Pero di pa naman kami sigurado Dre," sabi ni Eryell.

"Ano ba nakita niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Akin kasi nakita ko lang silang magkasama kanina sa library eh," dagdag ko.

"Ako lagi ko lang silang napapansing magkasama," sabi ni Neca.

"At super close nila mag usap, yung wala ng awkwardness kahit na kakakilala pa lang natin sa kanila ng ilang taon," sabi ni Eryell.

"Uhm, may nakita ako kaninang umaga," sabi ni Catliya kaya napatngin kami sa kanya.

"Magkatabi sila sa kama kaninang umaga," sabi ni Catliya kaya nanlaki naman mga mata naming tatlo.

"Ano!?" Sabay sabay naming sigaw.

"O-Oo yun nadatnan ko ng buksan ko pinto ng kwarto ni Rhoda eh," sabi ni Catliya.

"Prangkahin na lang natin siya mamaya," sabi ko sa kanila.

"Eh bakit hindi na lang ngayon?" Tanong ni Catliya.

"Umalis pa yata sila eh, nakita ko kasi sila kanina na lumabas ng palasyo," sabi ni Neca.

"Ay okay, hintayin na lang natin silang maka balik," sabi ko sa kanilang tatlo at tumango naman sila.

"Sige, babalik na muna ako sa garden, hindi pa namin natatapos ni Kevin yung mga gawain namin doon eh," sabi ni Neca.

"Sa garden? Yun yung napili niyong venue?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya bilang sagot.

"Sige sige, isusulat ko yan dito sa notebook ko," sabi ko sa kanya at sinulat nga iyon sa notebook ko.

"Akin Dre plano namin mag luto ng mga requested foods ni Tita Josephine at ng ilang paborito rin ni Joanna tsaka siyempre dapat may cake," sabi ni Catliya kaya sinulat ko na din iyon sa notebook ko.

"Sayo Ye?" Tanong ko kay Eryell.

"Wala pa kaming nabibili eh, mas maganda kasi kung mapuntahan talaga namin yung mga tindahan sa bayan para makapili kami ng maayos," sabi ni Eryell at tumango naman ako sa kanya.

May point siya.

"May idadagdag pa ba kayo?" Tanong ko sa kanila at umiling iling lang sila bilang sagot.

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon