*Rhoda's POV*
Sa ngayon ay nandito kaming dalawa ni Aldrin sa may living room. Nag-uusap kami about sa nangyari kagabi sa kwarto ko.
"So sinabi mo na sa kanila?" Nakangiting tanong niya.
"Oo kasi kapag di ko pa inamin baka mapatay ako ni Andrea sa mga tingin niya eh," natatawang sabi ko sa kanya.
"Hahaha mukha nga. Pati nga ako eh kinausap nila eh," sabi niya na ikinagulat ko naman.
"Talaga? Anong sabi sa'yo?"
*Flashback (after ng pag-uusap nila Andrea, Rhoda at iba pang prinsesa)*
*Third Person's POV*
Nang makalabas na sila Andrea sa kwarto ni Rhoda ay agad namang naglakad si Andrea sa kwarto ni Aldrin.
"Dre saan ka pupunta?" Tanong sa kanya ng nakasunod na si Catliya.
Baka mamaya patayin nito si Aldrin eh kawawa naman si Rhoda pag nawalan ng mate.
"Kakausapin ko lang yung prinsipe ng lupa," sagot ni Andrea sa tanong ni Catliya.
Nang makarating sila sa harap ng kwarto ni Aldrin ay hindi na nag-abalang kumatok si Andrea at dire-diretso nang binuksan ang pinto ng kwarto nito.
"Huh? Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Aldrin sa mga prinsesang bigla na lang sumulpot sa kwarto niya.
"Magsabi ka ng totoo samin Aldrin Lance Martinez, mahal mo ba talaga si Rhoda?" Seryosong tanong ni Andrea sa kay Aldrin.
So alam na pala nila.
"Oo, alam na namin ang tungkol sa inyo ni Rhoda," sabat naman ni Eryell na seryoso ding nag-aabang sa sagot ni Aldrin.
Ngumiti ng sincere si Aldrin sa kanila at taas noong sinagot ang tanong ni Andrea.
"Oo, mahal na mahal ko si Rhoda Mae Rivera," sagot ni Aldrin sa kanila pero seryoso pa ring nakatingin sa kanya ang mga prinsesa kaya medyo kinakabahan na siya.
"Siguraduhin mo lang Aldrin, dahil kung hindi, ako mismo kikitil diyan sa buhay mo," sabi ni Andrea sa kanya.
"Ako rin," sabi naman ni Catliya at tumango naman sila Eryell at Neca.
"Sige. Hahayaan ko kayong patayin ako sa oras na saktan ko siya, yun eh kung mangyayari nga yun," sabi ni Aldrin sa kanila.
"Ge. Alis na kami. Good night. Congrats nga pala sa inyong dalawa," nakangiting sabi sa kanya ni Andrea at lumabas na.
"Hahaha sorry sa inasal nun ha," sabi ni Catliya.
"Haha ayos lang. Naiintindihan ko naman," sagot naman ni Aldrin.
"Sige, matutulog na kami. Good night," paalam ni Eryell at humikab pa bago lumabas ng kwarto ni Aldrin.
"Una na rin ako. Need mag beauty sleep para kay Kevin my loves," sabi ni Neca at lumabas na rin ng kwarto.
"Sige, alis na din ako. Good night. Paki-alagaan si Rhoda ha," sabi ni Catliya at lumabas na ng kwarto.
*End of Flashback*
*Rhoda's POV*
"Hahaha mga adik talaga yung mga yun, grabe makapag-banta eh," natatawang sabi ko.
"Yes pero ibig lang sabihin nun eh mahalaga ka talaga sa kanila," sabi ni Aldrin kaya di ko napigilan ang pag-ngiti.
Importante din naman sila sakin.
"Hoy love birds! Kanina ko pa kayo hinahanap. Kakain na daw!" Narinig kong sigaw ni Neca kaya napatingin naman kami sa kanya na kakagaling lang sa kusina.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasíaThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
