Special Chapter: Rhoda 1

73 3 0
                                    

*Rhoda Mae's POV*

Nandito na kami ngayon sa reception area ng kasal nila Joanna.

Sana all kinasal na.

Inilibot ko na lang ang tingin sa paligid at hindi ko maiwasan ang mapangiti ng makita ko sila Joanna at Jason na masayang kinakausap ang ibang guests.

Inobserbahan ko na rin ang iba pang nilalang na nandito.

Ang dami talaga ng mga bisita haha pero expected na namin yun kasi siyempre ang prinsipe nila ang kinasal eh kaya invited ang buong nasasakupan nila.

Tumingin ako sa kaliwa ko at napansin ang masasamang tingin ni Neca dun sa mga chismosang pinag-uusapan ang mate niya haha

""Woah! Neca! Chill! Haha affected ka masyado ng mga sinasabi nila eh," sabi ko kay Neca.

"Tch! Kasi naman eh! Sinong siraulo ang magsasabing bakla ang mate ko!?" Pasigaw niyang tanong sakin.

"Eh di i-confirm mo," Sabat naman ni Eryell na tinanguan naman namin ni Catliya.

"Tss, fine mamaya ko yan gagawi~" naputol ang sasabihin niya ng biglang sumigaw si Catliya,

"Awts! Sali kami!" Napatingin din ako sa tinitignan niya at nakita sila ni Joanna at Andrea na magkayakap.

Aba itong dalawang 'to, nagsosolo ng moment ha.

Dali-dali kaming apat na lumapit sa kanila at nagyakapan kaming anim hanggang sa tawagin si Joanna ng asawa niya kaya nagyakapan kami ulit at umalis na sila.

"Haay grabe nauna pa talaga si bunso satin," sabi ko na ikinatawa naman nila.

"Haha edi sumunod ka," sabi ni Neca.

"Tch! Ako pa ba talaga dapat mag-propose?" Sabi ko ng nakataas ang kanang kilay.

Ako na lang ba lagi ang mag-e-effort? Pati ba naman sa pag-propose? Tsk!

"Iba na ang panahon ngayon girls, hindi na uso yang mga "kailangan lalaki ang gagawa ng lahat" Wala ng Maria Clara uy," Sabat naman ni Andrea kaya napataas na naman tuloy ang kilay ko.

"Weh? So nakapag-first move ka na kay Andrew?" Tukso ni Neca sa kanya at nakita naman namin agad ang pamumula niya.

"Tsk!" Sabi na lang ni Andrea at naglakad palapit sa kanila tita Josephine.

"Haha tara na at tumulong na lang tayo sa kanila," sabi ni Catliya at naglakad na para tumulong sa paglilinis kaya sumunod na lang ako at tumulong na lang din.

Napansin kong umalis si Kevin may pinuntahan yata pero di ko na lang pinansin.

Maya-maya ay bigla akong tinawag ni Eryell,

"Psst Rhoda"

"Hmm? Bakit?" tanong ko naman.

"Saan papunta si Neca?" tanong niya kaya napatingin ako kay Neca na palabas na ng reception area at tinatahak na rin ang daang dinaanan ni Kevin, napa-ngisi na lang ako.

"Haha mukha yatang sinundan si Kevin sa labas eh, nakita ko kasing unang lumabas si Kevin tapos si Neca," sagot naman niya.

"Oooh! Haha baka siguro ico-confirm na niya kung bakla ba talaga yung isang yun or hindi haha," sabi naman niya kaya natawa na lang kaming dalawa at hindi nag-tagal ay naramdaman na namin ang presensya ni Neca sa loob ng silid na 'to pero agad din namang nawala.

Ano kayang nangyari?

Tumingin ako sa may labasan ng hall at nakita si Kevin na naglalakad na parang may malalim na iniisip.

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon