Special Chapter: Neca 9

99 2 0
                                        

*Neca's POV*

Sa loob ng ilang oras naming byahe ay nawala na rin ang pagka-bad trip ko sa kay Kuro at heto naka-tingin lang ako sa labas ng bintana, ewan ko, basta sobrang nakaka-relax sa pakiramdam kapag ginagawa ko 'to.

"Hey, malapit na tayo," sabi ni Kevin kaya hinarap ko siya at nag-tanong.

"So, saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko pero ngumiti lang siya.

Eehh isa pang ngiti mo at hahalikan kita ulit dito.

"Mukha yatang may binabalak ka ah," sabi niya ng nakatingin pa rin sa kalsada.

"Hmm? Wala naman, naisip ko lang na pag 'di ka tumigil sa kakangiti mo hahalikan kita dito mismo sa loob ng sasakyan," sabi ko sa kanya at nakita ko naman ang pag-laki ng mata niya kaya napahagikgik na lang ako at napa-ngisi na lang siya habang umi-iling-iling.

Hinalikan ko siya sa pisngi at agad naman siyang napa-preno.

"The f*ck!? Ba't ka ba bigla-biglang pumepreno?" Tanong ko sa kanya sa inis na tono.

"Eh ba't ka ba bigla-biglang nang-hahalik!?" Pasigaw niyang tanong habang nanlalaki ang mga mata at namumula ang mga tenga niya.

"Sus, Yun lang pala eh. Diba sabi ko sa'yo pag di ka tumigil sa kakangiti mo diyan, hahalikan kita," sabi ko sa kanya ng naka-ngisi.

"What the~?"

"Sige na, mag-drive ka na," sabi ko sa kanya at tumingin ulit sa labas ng bintana habang may ngiting-tagumpay sa labi at di ko na siya narinig pang magsalita hanggang sa nakarating na kami sa isang,

"Peryahan?" Tanong ko sa kanya at tumango lang siya tapos ay lumabas na at pinag-buksan ako ng pinto kaya lumabas na ako ng kotse.

"Teka Kevin!" Pag-pigil ko sa kanya kasi naman nag-simula na siyang mag-lakad papasok sa peryahan.

"Bakit?" Tanong niya ng nakalingon sakin.

"Anong bakit? Ganito suot ko tapos sa perya lang pala tayo?" Tanong ko sa may dismayadong tono.

"Sino ba kasi nag-sabi sayo na mag-dress ka?" Tanong rin niya pabalik.

Uhm...Ba't parang naiinis na ko sa baklang 'to?

"Sinasadya mo ba 'to para di matuloy ang date natin?" Tanong ko sa kanya ng naka-taas ang kilay.

"Tss, sandali lang diyan ka lang muna," sabi niya at umalis ka-agad.

"What the f*ck? Hoy! Kevin! Aba't! Argh!!!" Inis akong napabalik sa loob ng kotse, ni hindi ko na nga pinansin yung mga taong naka-tingin sakin eh, paki ba nila, eh sa bwisit yung baklang yun eh.

Mga ilang minuto rin at may biglang kumatok sa may bintana sa passenger seat kaya binuksan ko yung bintana at nandun pala si Kevin na may bitbit na plastic bag.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya ng naka-poker face.

"Heto, mag-bihis ka muna diyan sa back seat," sabi niya at inabot sakin ang isang malaking plastic bag kaya napataas naman ang kilay ko.

Gusto niya 'kong mag-bihis? Dito sa kotse? Ano yun? Live show?

"Don't worry, tinted 'yang kotse kaya di ka masisilipan," sabi niya pero nanatiling naka-taas pa rin ang kilay ko.

"Heto ang susi, para sure kang di kita sisilipan at di ko mabuksan ang kotse," sabi niya at inabot din sakin ang susi kaya kinuha ko naman 'to pati na ang plastic bag at lumabas ng kotse kaya napa-kunot noo naman siya.

"Lilipat lang ako," sabi ko at pumasok sa may back seat at ni-lock lahat ng pinto ng kotse at nag-bihis na.

"Lilipat lang ako," sabi ko at pumasok sa may back seat at ni-lock lahat ng pinto ng kotse at nag-bihis na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon