Special Chapter: Eryell 5

74 1 0
                                        

*Eryell's POV*

Pagkarating namin sa palasyo ay nagkanya-kanya na kami ni Nicolo, ako dumiretso sa kwarto ko at inasikaso na ang pagbabalot ng mga regalo namin at siya, ewan ko kung saan na naman nagpunta yun, baka sa bahay ng mga babae niya na naman or baka sa kwarto niya.

Habang nag-babalot ako ng mga regalo namin para sa mag-asawa ay may biglang kumatok sa pinto.

"Who you?" sigaw ko sa kumakatok pero hindi naman ito sumagot at kumatok lang ulit.

"Sino ka nga?" sigaw ko ng medyo malakas kumpara sa kanina.

Katok muli ng nilalang sa pinto.

"Ay hayop to! Sabing sino ka eh! Alam mo bang may ginaga~" sigaw ko habang papalapit sa pinto at agad itong binuksan kaso nung pag-bukas ko eh wala naman akong nakitang kahit na sino kundi isang kahon lang na nasa sahig.

"Ano naman 'to?" sabi ko at pinulot yung kahon at dinala sa loob ng kwarto ko tsaka sinarado na rin ulit yung pinto.

Bubuksan ko na sana yung kahon kaso may kumatok na naman sa pinto kaya pinatong ko na muna 'to sa may lamesa.

Putcha pag ito di pa rin sumagot, hahambalusin ko to ng dos por dos na kawayan!

"Sino yan!?" tanong ko pero walang sumagot kaya dahan-dahan na kong lumapit sa pinto habang bitbit yung baril ko, wala palang dos por dos dito sa kwarto ko kaya ito na lang.

Kumatok ulit siya kaya hinawakan ko na yung door knob at nag-tanong ulit,

"Sino yan?" kaso wala na namang sumagot kaya binuksan ko na agad-agad ang pinto at papaputukan na sana ng baril yung kumakatok ng makita kong si ate Jasmine lang pala.

"Woah! Woah! Woah! Sandali!!! Huwag mong ipuputok yan!" sigaw ni ate habang panay ilag sa nakatutok na baril sa kanya.

"Ate naman! Kanina pa ko tanong ng tanong kung sino ang kumakatok tapos di ka man lang sumasagot!" sermon ko sa kanya.

"Haha sorry na Yell kasi naman eh gusto sana kita pag-tripan eh kaso mukhang mamamatay yata ako ng maaga kapag pinag-patuloy ko pa yun haha," nakatawang sabi pa niya kaya napa-taas naman ang kaliwang kilay ko.

"So ikaw rin po pala yung katok ng katok kanina tapos nag-iwan nitong kahon?" tanong ko kay ate Jasmine.

"Ha? Anong kahon?" tanong ni ate Jas.

Eh? So hindi siya ang nag-iwan nung kahon?

"Anong kahon yun Yell? Patingin nga," sabi ni ate Jasmine kaya tinuro ko yung nasa may ibabaw ng lamesa ko at pumasok naman siya sa kwarto ko tapos dumiretso dun sa kahon. Bago ko isara yung kahon eh tinignan ko muna sa kaliwa at kanan na bahagi ng hallway kung may tao ba pero wala naman akong nakita kaya papasok na sana ako ng may maaninag ako sa peripheral vision ko na biglang gumalaw na anino.

"Anong~?" pabulong kong tanong pero I decided na huwag na lang itong pansinin baka may dumaan lang na maid at di ko yun napansin. Sinara ko na ang pinto at tumabi kay ate Jasmine na tinititigan yung laman ng kahon kaya tinignan ko rin kung ano yun at nakita ang isang kwintas.

 Sinara ko na ang pinto at tumabi kay ate Jasmine na tinititigan yung laman ng kahon kaya tinignan ko rin kung ano yun at nakita ang isang kwintas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon