Special Chapter: Neca 5

119 2 0
                                        

*Neca's POV*

"That's my mother," biglang may nagsalita sa likuran ko at doon ay nakita ko si Kevin na nakatayo at diretsong naka-tingin sa malaking litrato sa harap ko.

"Kevin...n-nasan na siya? Ba't hindi ko pa siya nakikilala?" Tanong ko sa kanya pero mukhang alam ko na kung ano ang sagot sa tanong na yun, ang gusto ko lamang ay makumpirma ito.

"She's gone. She died while I was still five years old," sagot niya at ramdam ko sa bawat salitang yun ang lungkot at pangungulila.

"I'm sorry," mahinang sabi ko at napayuko.

"You know what? You kind of remind me of her," sabi niya kaya napatingin naman ako ulit sa kanya.

"What do you mean?" Tanong ko sa kanya.

"You talk and act like her," pagpapatuloy niya.

"Like a tomboy," dagdag niya pa. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto sa sinabi niya pero hinayaan ko na lang.

"A-anong klaseng mama ang mama mo?" Tanong ko sa kanya.

"She's the best mother for me, I am an only child kaya hindi mahirap sa kanya ang alagaan ako," sabi niya at napangiti na lang ako.

"Masyado siyang malambing sa amin ni papa pero minsan kapag masyado na kaming makulit eh nagiging sadista si mama para umayos kaming dalawa ni papa," pagpatuloy niya sa kwento.

"But of course, she still left me, they all did." matabang niyang pagkakasabi.

"Wh-what happened?" Tanong ko ulit sa kanya.

"They went on a trip for five days para daw mamasyal pero hindi pa nga nakaka-apat na araw bumalik na si papa pero hindi niya na kasama si mama," sabi niya ng nakayuko kaya lumapit na ako sa kanya at tinapik-tapik ang likod niya.

"I ask papa about mama and he just ignored me at dumiretso lang sa kwarto nila mama...Hindi ko napansin ang ilang tao sa pabas na may bitbit na isang kabaong, at nandun pala ang hinahanap ko, isang walang-buhay na si mama," sabi niya at hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap na siya.

"S-sige lang mag-kwento ka lang please," sabi ko sa kanya habang patuloy rin sa pagtulo ang luha ko at tumango lang siya bilang sagot.

"Pagkatapos naming mailibing si mama ay dun na nagsimulang magbago si papa, Hindi niya na ako pinapansin o inaalagaan, minsan ay hindi na rin siya umuuwi ng bahay, kung uuwi naman siya palagi naman siyang lasing hanggang sa isang gabi, nakita niya akong naglalaro mag-isa sa kwarto ko ng mga manika," sabi niya at napangiti naman ako dun.

So noon pa lang pala bakla na nga siya?

"At dahil dun eh nagalit siya sakin, pero para sakin masaya na ako nun kase pinansin rin ako ni papa kaya inulit-ulit ko ang paglalaro ng manika para kahit na pagalitan niya pa ako ay at least napapansin niya na rin ako hanggang sa hindi ko namalayan eh nagugustuhan ko na nga ang paglalaro ng manika," sabi niya kaya napanguso naman ako.

Bakla nga.

"Pagkatapos nun eh sinabi niya sakin na ayaw na raw niya kaya tinanong ko siya kung anong ibig niyang sabihin at sinagot niya ako na ayaw niya na raw sakin, hindi dahil sa bakla ako kundi dahil sa nakikita niya sakin si mama kaya ayun nagpakamatay siya sa mismong harapan ko pa," sabi niya at hindi ko napigilan ang gulat kaya mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kay Kevin.

"Haay Tama na nga 'tong drama natin tsaka...Hoy! Tsansing ka na ah," sabi niya at batukan daw ba ako.

"Aray, Eto naman eh dinadamdam ko lang yung moment eh," sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Tsk pangit mo," sabi niya kaya sinamaan ko nga ng tingin.

"Psh...Pero your still lucky you know," sabi ko sa kanya na ikinakunot naman ng noo niya.

"Kasi nakilala mo pa rin ang pamilya nila Jason, sila ni tita Josephine at ni ate Jasmine," sabi ko sa kanya ng nakangiti.

"Yeah your right," sabi niya at ngumiti rin kaya napatulala naman ako at naputol lang yun ng pinitik niya ako sa noo.

"Aray! Ang sakit kaya nun!" Sigaw ko sa kanya.

"Natulala ka na naman eh," sabi niya.

"Kasalanan mo yun, ba't ka kasi ngumiti, ang gwapo mo pa naman pagnaka-ngiti," sabi ko sa kanya at kita ko ang pamumula ng tenga niya.

"Yieee kinikilig," tukso ko sa kanya.

"Tsk! Ewan ko sa'yo," sabi naman niya pero tinawanan ko lang siya.

"Tsk, oh ikaw naman," sabi niya kaya napatigil ako sa pagtawa.

"Anong ako naman?" Tanong ko sa kanya ng nakangiti.

"Ikaw naman mag-kwento tungkol sa pamilya mo," sabi niya kaya nawala ang ngiti sa labi ko.

"Ah sige tawag na pala ako ni Andrea," sabi ko at agad ng ginamit ang vampire speed ko para makalabas ng kwartong yun.

Ayoko, ayokong maalala ang tungkol sa kanila. Ayokong maging mahina ulit. Ayoko ng umiyak ng dahil sa kanila. Ng dahil sa kanya.

Wala na rin naman sila eh, iniwan na rin naman na nila ako.
==========================

Ms. Ice: PLEASE SUPPORT ME ON DREAME, JUST SEARCH MY USERNAME, YoursTrulyIce

Please vote and comment 😘😘😘

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon