*Neca's POV*
1 month later (before JoAson love team return from their honeymoon)
Ngayon na namin sisimulan ang pagdedecorate ng garden, dito kasi namin napiling i-celebrate ang pagdating ng newly weds eh kaya eto at naglalakad na ako papasok ng room pagdating ko pa lang sa pinto ng room ay may nakita na akong prinsipeng naghihintay ng kanyang mahal na prinsesa sa stage. Naisipan kasi ni tita Josephine na mag palagay ng stage.
Dahan-dahan ay naglakad ako palapit sa kanya habang nakatingin lamang sa kanya
Dahan-dahan lang
Dahan-dahan
Dahan-da~
"Aray!" Putchang gala naman oh, natapilok pa ako sa isang bato.
"You okay?" Tanong ng isang anghel sa akin.
Nakatulala lang ako sa kanya habang nakabukas pa ang bibig ko, ang lapit niya kasi masyado eh.
"Hoy! Hoy! Aba't! Tsk! Bahala ka nga diyan madami pa kong gagawin," nagsasalita si Kevin pero wala akong marinig kasi nakatingin lang ako sa kanya habang naka-nganga ng konti.
"Hoy! G*ga! Ba't diyan ka naka-upo!?" Sigaw sakin ng isang demonyita na si Eryell kaya napalingon ako sa may pintuan.
"Paki mo!?" Sigaw ko rin sa kanya at ibinalik ang tingin sa may harapan ko kung saan wala na akong nakikitang anghel.
"Saan na yun!?" Pasigaw kong tanong.
"Sino?" Tanong ni Catliya.
"Wala!" Sagot ko sa kanya at tumayo na, hindi na rin naman ganun kasakit ang paa ko kaya konting kirot na lang at kaya ng tiisin.
Naglakad na lang ako ulit papunta sa may mga lamesang nakahanda na. Pagdating ko dun ay nandun na si Kevin at ang iba pang maid, pati na rin ang ibang members ng mafia ay nandito para tumulong sa pag-aayos ng paligid.
"Princess! Nandiyan ka na pala," bati sakin ni Mich, isa siyang member ng mafia. Tinanguan ko na lamang siya bilang pagbati pabalik at dumiretso sa tabi ni Kevin na nakikipag-usap sa kay Mark.
"Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa na tatawa-tawa pa habang nag-uusap.
"Hahaha kinukwento niya lang yung kabaliwang ginawa mo sa kanya Princess Neca hahaha," natatawang sabi ng gag*ng si Mark.
"O tapos?" Tanong ko sa kanya ng walang kaemo-emosyon kaya naman tumahimik siya kaagad.
"Ah eh...sige po may aayusin pa po pala ako," paalam ni Mark sa amin ni Kevin at yumuko bilang pag-bibigay galang at nag-mamadaling umalis.
Lumingon naman ako kay Kevin at binati siya ng may ngiti sa labi,
"Good morning,"
"Tsk," sagot niya sakin at naglakad na palayo.
Eh? Good morning ang sabi ko tapos tsk ang sagot niya? Ano yun?
"T-teka Kevin!" Pahabol kong tawag sa kanya.
"Ano na naman?" Tanong niya at halatang bad trip.
"Teka nga ba't ba ang init ng ulo mo? At hindi mo man lang ako binati ng good morning," naka ngusong sabi ko sa kanya.
"Tsk, hindi bagay sa'yo ang ngumuso para kang pato at talagang tinanong mo pa ako kung bakit ako bad trip?" Inis niyang sabi.
Eh? Ano bang kasalanan ko?
"Tss. Magtrabaho ka na nga lang, ang daming gagawin eh, tss!" sabi niya at kinuha ang isang telang kulay asul.
"Kaya nga ako lumapit sa'yo diba? I need your opinions about the designs here, hindi naman kasi ako mahilig sa fashion no," sabi ko naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasiaThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
