Special Chapter: Neca 4

126 3 0
                                        

*Neca's POV*

Hindi ko mapigilan ang pag-ngiti ngayon, sobrang saya ko at napag-selos ko si Kevin hihi.

Malapit na... Malapit ka ng maging lalaki, my Prince.

Hanggang ngayon ay nakangiti pa rin ako hanggang sa may bigla na lang humarang sa harapan ko kaya naman eh biglang uminit ang ulo ko pero nawala rin yun ng makita ko kung sino yung humarang sa harap ko.

"Oh hi Bryle!" Bati ko kay Bryle.

"Hi Princess! Kamusta na? Bigla ka na lang nawala dun sa garden ah, hinanap kaya kita," sabi niya kaya napangiti na naman ako ulit ng maalala ko kung ba't ako nawala sa garden.

"Ahh haha okay lang naman ako at pasensya na kung hindi ako nakapag-paalam sa'yo kahapon, may nangyari lang kasi," sagot ko sa kanya ng nakangiti.

"Ah ganun ba," sabi niya at tumango naman ako sa kanya.

"Ah sige mauuna na ako ha? May pupuntahan pa ako eh, paalam," sabi ko sa kanya at nilampasan na siya pero napatigil ako sa paglalakad ng pigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa siko ko kaya lumingon ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Uh...Ano kasi...P-pwede mo ba akong samahan?" Tanong niya kaya nagtaka naman ako.

"Samahan saan?" Tanong ko sa kanya.

"Ah dun sa may kabilang bayan, may bibilhin lang sana ako," sabi niya.

"Uhm...Sige pero magpapa-alam lang muna ako sa ka~" naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang sumigaw.

"Huwag na! Uhm...M-mabilis lang naman tayo dun," sabi niya na mas ipinag-taka ko pa lalo.

"Okay?" Sabi ko na lang at iniba ang usapan.

"Teka, tapos na ba ang mga kakailanganin dun sa welcome party nila Joanna at Jason?" Tanong ko sa kanya at napakamot na lang siya sa ulo niya.

"Hindi ko alam eh, pasensya na," sabi niya ng naka-iwas ng tingin.

Aww ang cute niya.

"Haha okay lang, so ano? Tara na?" Tanong ko sa kanya at lumingon na para magpatuloy sa paglalakad kaso nabangga naman ako sa isang pader.

"Aray! Puchang pader...to..Oh...My gwapo," paputol-putol kong sabi ng marealize ko na hindi pala pader ang nabangga ko kundi isang dibdib ng gwapong bampira na mate ko rin at nakakunot ang noo?

"Kevin! Good morning!" Bati ko sa kanya.

"Tsk," Yan na naman po ang sagot niya sakin.

"Let's go," sabi niya at bigla na lang akong hinila kung saan.

Ay eto na naman po kami hihi

"Stop grinning, you look like a complete idiot," sabi niya na parang wala lang.

"Yiiee kunwari ka pa eh, nagseselos ka lang no? Ayiiie," tukso ko sa kanya at may kasama pang tusok sa tagiliran niya.

"Tsk I'm not and I will never be," sabi niya sa seryosong tono at mukha at hindi ko alam pero may naramdaman akong kirot sa dibdib ko.

"A-ahm...so saan tayo pupunta?" Tanong ko na lamang sa kanya.

"Kanina ka pa hinahanap ni Eryell," sabi niya at binitawan na ang kamay ko.

"Diretsohin mo lang diyan, nandiyan lang siya sa may round table," sabi niya at umalis na.

"Babye!!! Ingat ka!" Pahabol ko pang sigaw sa kanya.

"Hoy!" Biglang sigaw ng kung sino.

"Ay mahal!" Naisigaw ko ng dahil sa sobrang gulat at paglingon ko eh si Eryell lang pala.

"Mahal? Hala! Ikaw ha, Mahal mo na si Kevin? Susunod ka rin kay Joanna? Tsk tsk tsk...May epidemya yata dito eh," sabi niya kaya binatukan ko nga sa ulo.

"Pinagsasabi mo? Hindi ko mahal yun, crush pwede pa," sabi ko sa kanya.

"Weh? Pwede kayang madevelop yang crush into love," sabi niya.

"Sus! As if naman tsaka sa treatment niya sakin? Asa pa 'ko," sabi ko sa kanya at naglakad na papunta sa round table at umupo sa isang upuan tapos si Eryell naman eh naka-sunod lang sakin at umupo rin sa upuan sa harap ko.

"Ah so give up ka na? Ganun?" Sabi niya kaya napakunot naman ang noo ko.

"Anong give up?" Tanong ko sa kanya.

"Akala ko ba may misyon ka at yun ay ang gawing lalaki yang mate mo, tawag mo pa nga dun eh Operation: Bring Back Kevin the Man," sabi niya with full confidence pa.

"Panong~?" Sabi ko na lang kasi sa pagkaka-alam ko eh sa utak ko lang yun sinabi ah.

"Hahaha hulaan mo," sabi niya ng nakangisi.

"Tsk! Just spill it already," sabi ko sa kanya ng naka-poker face lang.

"Hahahaha I can read your mind Nec!!! Hahahaha," sabi niya at tawa lang ng tawa pero p*tang*na ano daw?

"Hoy! G*ga! Anong you can read my mind!? Pano!?" Sigaw ko sa kanya.

"Woah...Woah hahaha ganun talaga eh sa mas maganda ako sa'yo eh," sabi niya kaya sinuntok ko nga kaso naka-ilag naman. Tsk!

"Haha hindi, nagpaturo kasi ako kay Nicolo kung pano makokontrol yung mga boses na naririnig ko sa utak ko at yun pala eh mga iniisip niyo pala yun," sabi niya kaya mas lalo akong nagtaka.

"Pano nangyari yun? Another power mo? Ganun?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya bilang sagot.

"Sabi nga ni Nicolo eh baka daw kasi ako ang mate niya kaya ganun since kaya niya rin kasing makabasa ng isip," sabi niya.

Hmm...May napansin lang ako...

"Ba't puro ka Nicolo ng Nicolo? Akala ko ba ayaw mo sa kanya?" Tanong ko sa kanya at nakita ko naman ang gulat sa mukha niya at ang unti-unti nitong pamumula kaya napangisi na lang ako.

"Haha siguro nga may epidemya dito," sabi ko na lang sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin pero tinawanan ko lang siya.

"Tsk!" Sabi niya.

"Ah oo nga pala, sabi ni Andrea pumunta daw tayo mamayang alas-kwatro sa kuwarto niya," sabi niya kaya natigil ako sa pagtawa.

"Bakit daw?" Tanong ko sa kanya pero sinagot niya lang ako ng isang kibit-balikat.

Ba't ba ang gugulo nila kausap?

"Tsk. Sige pupunta na lang ako dun mamaya," sabi ko sa kanya at tumay na at lumakad papunta sa kwarto ko.

"Mahal? Hala! Ikaw ha, Mahal mo na si Kevin?"

What the!? Bakit ko yun naaalala! Hindi! Hindi! Erase erase!

Weh? Sure ka?

The f*ck? Baliw na ba ako?

Oo...Kay Kevin pft

Hindi pa...

"ERYEEEELLLLL!!!!" Sigaw ko sa damuhong nagsasalita sa utak ko.

"Hahahahahahahaha" tawa ng G*ga. Tsk! Maka-alis na nga!

Papunta na sana ako sa kwarto ko ng madaanan ko ang isang pintong may kulay purple.

Teka, ngayon ko lang to nakita ah

At dahil sa sobra akong na-curious eh pumasok ako sa kwartong yun at nagulat ako sa mga nakita ko sa loob, lalong-lalo na sa litratong nakita ko.

"That's my mother."
=============================

Ms. Ice: PLEASE SUPPORT ME ON DREAME. Just search YoursTrulyIce

And please vote and comment 😘😘😘

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon