*Rhoda's POV*
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw.
"U-uhm."
"Magandang umaga mahal ko," narinig kong bulong ni Aldrin kaya napangiti na lang ako.
"Good morning din mahal ko," bati ko rin sa kanya.
"Kamusta tulog mo?" Tanong niya.
"Okay lang naman. Ikaw?" Tanong ko rin sa kanya.
"Better than ever," sagot niya ng nakangiti.
"I actually dreamed about~" hindi na natuloy ang sinasabi ni Aldrin ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Catliya.
"Hoy Rhod~ What the f*ck?" Gulat na gulat niyang sabi kaya dali-dali din akong bumangon at lumayo sa kama kung nasaan nandun pa rin si Aldrin na nakahiga.
"U-uhm C-Cat, b-bakit ka nandito?" Nauutal kong tanong sa kanya.
P*taaaaa!!!! Pano ko i-e-explain sa kanya yung nakita niya? Kahit naman wala kaming ginawang masama pero kasi ang alam nila eh may boyfriend ako sa mundo ng mga tao.
Hindi sumagot si Catliya pero halata ko sa mukha niya na madami siyang tanong na gustong itanong.
"Nagpapatawag ng meeting si Andrea dun sa project room natin," sabi ni Catliya at umalis na agad ng kwarto ko.
"Now what?" Nag-aalalang tanong ko kay Aldrin pero prente lang siyang nakahiga sa kama.
"Just tell them the truth about us," sabi niya ng nakapikit ang mga mata at nakalagay sa likod ng ulo niya ang kanyang mga kamay.
"Pero di pa ito ang tamang oras," sabi ko naman sa kanya kaya napabangon naman siya at tumingin sakin ng seryoso.
"Then kelan yung perfect time na sinasabi mo? Sabihin mo lang sakin kung ikinakahiha mo ko para makontrol ko rin ang sarili ko," seryoso niyang sabi at lumabas na ng kwarto ko.
Hindi naman sa ikinakahiya kita pero kasi...haays.
Kinuha ko na lang ang twalya ko at pumasok na sa CR para maligo. Makalipas ang kalahating oras ay natapos na kong maligo at agad na ring nagbihis para makapunta na dun sa project room.
Pagkarating ko dun ay nandun na sa loob sila Andrea, Catliya, Andrew, Nicolo, Kevin at Aldrin na halatang kakaligo lang din.
Napatingin sakin si Catliya kaya agad ko ring iniwas ang mga tingin ko pero sa ginawa kong 'to ay nakita ko naman ang seryosong mukha ni Aldrin.
Hindi ako sanay sa seryoso niyang expression. Usually kasi kapag nasa iisang lugar kami or kapag magkasama kami ay lagi siyang naka-ngiti or tumatawa.
Haaays, naman oh.
Lumapit na lang ako sa kung nasaan si Andrea at nakinig sa mga pinag-uusapan nila kagit na sa totoo lang eh parang di ko naman naiintindihan.
Maya-maya naman ay bumukas ulit ang elevator nitong room kaya napatingin kaming lahat dun at nakita si Eryell na pumasok.
"Good morning," bati ko sa kanya at nginitian niya lang ako sabay upo niya dun sa sofa at nagsimulang maglinis ng baril niya, napansin ko rin ang agad na pag-lapit sa kanya ni Nicolo.
Binalik ko na ang focus ko sa sinasabi ni Andrea at maya-maya ay naramdaman ko na si Eryell sa tabi ko.
"Nandito na ba ang lahat?" tanong ni Andrea.
"Wala pa si Neca," sagot ni Eryell sa kanya kaya sinamaan naman siya ng tingin nito.
Meron ba ang isang 'to?
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasiThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
