This book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️
Contents:
*Special Chapter: Neca 1-14
*Special Chapter: Eryell 1-14
*Special Chapter: Rhoda 1-14
*Special Chapter: Catliya 1-14
*Special Chapter: Andrea 1-14
*Special...
"O-opo, ihahanda ko na po agad," sabi ng tindera at dali-daling kinuha yung measuring stick niya para isukat yung isang yarda ng mga telang sinabi niya kanina.
Maya-maya lang ay natapos na yung tindera sa pagsusukat at binabalot na sa mga dahon ng saging ang mga telang binili nila Nicolo.
"Cat tara na," pagyaya ni Eryell.
"Saan naman tayo pupunta eh wala naman tayong pera," Tanong ko naman sa kanya.
"Mag-iikot-ikot tayo diba," sabi niya sa sabay hablot ng kamay ko at kaladkad sakin palabas ng tindahan.
"Hoy g*ga! May problema ba kayo ni Nicolo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad-lakad kami sa mga tindahan ng mga paso.
"Wala naman kaming problema," sagot niya.
"Talaga? Eh ba't parang iniiwasan mo siya?" Pang-iintriga ko pa.
"Wala, ayoko lang talaga makasama sa iisang lugar yung manyakis na yun," sagot niya sakin.
"Talaga lang ha," sarkastikong sabi ko pero di niya na ako pinansin.
Habang tumitingin kami sa iba't ibang designs ng mga paso ay bigla na namang sumulpot sila Nicolo at Rence sa tabi namin.
"May problema ba?" Rinig kong tanong ni Nicolo kay Eryell.
"Wala," labas sa ilong na sagot ni Eryell kaya pinipigilan ko naman ang sarili ko na matawa.
"May gusto ba kayong bilhin? Sabihin niyo lang, kami na ang magbabayad," sabi ni Nicolo.
"Talaga!? Sinabi mo yan ha!" Walang hiya hiya na sabi ko at kinuha na yung pot na kanina ko pa tinititigan tapos inabot na ito sa tindero.
"Walang-hiya ka talaga no?" Bulong sakin ni Eryell pero nagkibit-balikat lang ako sa kanya.
Libre na yan no, di ko na tatanggihan yan.
"Ikaw Eryell, wala ka bang bibilhin?" Tanong ni Nicolo kay Eryell pero umiling lang ito.
Sus, arte pa eh.
"Hindi naman ako interested sa mga pots eh. Pero magaganda ang designs ng tinda nila," sabi ni Eryell habang nakatingin sa mga pots.
Pagkatapos bayaran ni Rence yung binili kong paso ay lumabas na kami ng tindahan na yun at naglakad-lakad na ulit hanggang sa may madaanan kaming tindahan ng mga paintings.
"Wow!" Nasabi ko na lang ng makadaan kami sa tindahan ng mga paintings.
Ang gagandaaaaa
Nag ikot ikot na muna ako sa shop at nag titingin ng mga paintings hanggang sa may makita akong isang painting sa sulok. Painting ito ng isang phoenix na umaapoy.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kinuha ko ito at inabot sa tindera tsaka binayaran ni Rence.
"Uhm, bayaran na lang kita kapag may pera na ko ha," pabulong na sabi ko kay Rence pero umiling lang siya.