Special Chapter: Rhoda 6

41 3 0
                                        

*Rhoda's POV*

Malapit na namin matapos ni Aldrin ang banner at ang mga designs na ilalagay sa may stage.

"Ilang snowflakes pa ba ang kulang?" Tanong ni Aldrin.

"Hindi ko rin alam eh. Basta gumawa na lang tayo ng madami para at least di tayo kulangin," sabi ko sa kanya habang nag gugunting. Habang gumagawa kami ng mga pang designs para sa banner ay may biglang kumatok sa pinto.

"Pasok!" Sigaw ko sa kumatok dito sa kwarto ko kaya pumasok naman ito.

"Mae-chan," tawag ng kakapasok lang na si Mark.

"Huh? Bakit? Pinapatawag ba ko ni master?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pero may nakalap kaming impormasyon about sa pinapahanap mo," sabi niya kaya nilapag ko naman agad ang ginugupit kong construction paper.

Tumayo na ko at nagsimula na maglakad palabas ng pinto pero pinigilan ako ni Aldrin.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Sa may hideout. Di naman ako magtatagal dun," sabi ko sa kanya at nagtuloy na sa paglalakad palabas. Sumunod naman sakin si Mark. Agad kaming pumunta sa portal at pumasok dito.

"Report," sabi ko kay Mark ng makalabas kami sa portal, so sa ngayon ay nandito na kami sa may likod ng hideout.

"Nahanap na namin yung sinasabing kapatid ng nanay mo, si Linda Cora," panimula ni Mark.

"Nasan siya? Nandito ba siya?" Tanong ko kay Mark pero umiling lang siya.

"Hindi pa namin siya nakakausap. Pina-trace ko lang siya sa isa sa mga tauhan ko," sagot ni Mark.

"I see. Puntahan natin siya," sabi ko sa kanya.

"Sigurado ka?" Tanong niya kaya tumango naman ako.
Naglakad na kaming dalawa papunta sa may parking lot at si Mark na ang nagdrive ng sasakyan.

"Saan daw ba siya nakatira?" Tanong ko kay Mark.

"Sa may Malabon," sagot naman niya.

"I see. Malapit lang yun, bilisan mo na lang," sabi ko sa kanya.

Sana alam niya kung nasaan si Nanay.

Matagal ko nang pinapahanap ang nanay ko pero hanggang ngayon eh wala pa rin akong mahanap na lead maliban na lang dito sa Linda Cora.

"Princess, madadaanan pala natin siya. Gusto mo ba munang bumisita?" Tanong ni Mark kaya napatingin ako sa kanya.

Oo nga no, madadaanan nga namin siya.

"Sige. Pero bumili muna tayo ng bulaklak at kandila," sagot ko sa kanya at tumango naman siya.

Maya-maya ay may nakita kaming flower shop at may katabi din itong sari-sari store kaya dun na bumili si Mark ng bulaklak at kandila.

"Here," sabi ni Mark ng makapasok na siya sa sasakyan at iniabot sakin ang isang bouquet ng Chrysanthemums at isang kandila, may lighter naman akong dala dito kaya dumiretso na kami sa sementeryo.

Yes, nandun ngayon ang tatay ko. My biological father.

Pagkatapos ng anim na buwang pag-i-imbistiga about sa parents ko ay agad kong nahanap ang tatay ko, madami kasi ang nakakakilala sa kanya dahil na rin sa isa siyang mayor dati, yun nga lang eh hindi ko na siya naabutan pang buhay. Nalaman ko na lang na namatay siya ng dahil sa sakit sa puso.

Pagkarating namin sa sementeryo ay nag park lang si Mark at naglakad na kami papunta sa puntod ni tatay. Pagkarating dun ay napansin ko ang isang bouquet ng bulaklak.

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon