Special Chapter: Andrea 2

36 4 0
                                        

*Andrea's POV*

Kinabukasan ay naisipan kong gumising ng maaga at mag jogging na muna, nakakailang takbo na ko sa paligid ng palasyo ng maisipan ko ng bumalik sa kwarto ko tsaka naligo ng maligamgam na tubig. Pagkatapos maligo ay nag bihis na ako kaagad at ng matapos na ako g mag bihis ay sakto namang may kumatok sa pinto.

"Bakit?" Sigaw ko sa kung sino mang kumakatok sa pinto pero imbes na sumagot ito ay binuksan niya na lang yung pinto at pumasok.

"Andrew? Good morning, may kailangan ka ba?" Tanong ko sa lalaking kakapasok lang dito sa kwarto ko.

"Nothing, it's just that Tita Josephine wants you to plan for Jason and Joanna's welcome party," sabi ni Andrew kaya napakunot noo naman ako.

"Welcome party? Akala ko ba one month pa yung honeymoon nung dalawa?" Nag tatakhang tanong ko sa kanya at tumango naman siya.

"Yes, one month nga," sabi naman ni Andrew.

"Oh eh bakit kailangan na mag handa para sa welcome party nila?"tanong ko.

"I don't know," sagot naman ni Andrew kaya napakamot na lang ako sa ulo ko.

"I'll go ahead," paalam niya at aalis na sana siya ng may maalala ako kaya tinawag ko siya ulit.

"Andrew!" Tawag ko sa kanya at lumingon naman siya.

"Yes?" Tanong niya.

"Uhm, thank you pala dun sa bulaklak kagabi," pagpapa salamat ko sa kanya.

"What?" Tanong niya kaya kinuha ko yung libro at pinakita sa kanya yung bulaklak na naipit sa gitna ng mga pahina ng libro.

"Oh, that? I'm using that as a bookmark," sabi niya at agad nang tumalikod at nag lakad papunta ng pinto kaya napasimangot na lang ako.

Mag eexcuse na nga lang palpak pa.

"Pwede naman kasing sabihin na lang na ah you're welcome or para sayo yan," bulong ko sa sarili ko at pinatong sa kama yung libro tsaka ko kinuha yung baril ko at nilinis ito.

"Dre," biglang tawag sa akin ng kung sino kaya lumingon naman ako sa kanya at dahil bad trip ako ay nasamaan ko tuloy ng tingin si Catliya.

"Haha okay ka lang ba?" Natatawang tanong niya sakin.

"Tsk! Saan ka na nag sususuot at kanina pa kita hinahanap?" Inis kong tanong sa kanya kahit na hindi ko naman talaga siya hinahanap para lang maka hanap ng excuse.

Sorry Cat.

"Woah sorry naman, nagluluto ako sa kusina eh," sagot naman niya habang nakataas ang mga kamay nito.

"Tsk!" Ismid ko na lang sa kanya ng makita ulit yung librong nakapatong sa kama, naalala ko na naman kasi yung sinabi ni Andrew kanina.

"So ba't mo ba ko hinahanap?" Tanong ni Catliya at naupo sa kama ko.

"May gusto akong pag usapan natin kasama yung iba pa," sagot ko naman at nilagay na yung baril na kakatapos ko lang linisin at iassemble, pabalik ulit sa gun pocket ko sa likod.

"About sa?" Tanong niya.

"About sa kanila Joanna at dun sa asawa niya," sagot ko sa kanya at tumingin ng seryoso.

"Bakit? Anong meron? Tsaka busy yung dalawa sa pag gawa ng pamangkin natin eh," sabi niya sakin.

"Tawagin mo na lang yung iba, dun tayo sa project room natin mag uusap," sabi ko at naglakad na papuntang pinto kaya sumunod naman siya sakin palabas.

"Pati rin ba sila tita Josephine?" Tanong ni Catliya sakin habang nakasunod sa likod ko.

"Huwag na, baka busy sila eh," sagot ko naman sa tanong niya.

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon