Special Chapter: Catliya 7

25 5 0
                                        

*Catliya's POV*

Kinabukasan ay maaga akong nagising, napag isipan ko kasi na mag jogging muna at mukhang nadadagdagan na naman ang timbang ko. Mga alas kuwatro 'y medya pa lang ay nag simula na akong mag jogging mula sa main door ng palasyo hanggang doon sa may unang bukana ng palasyo tsaka pabalik din. Siguro nakaka tatlong pabalik balik ako sa pag jogging ng maisipan kong bumalik na sa kwarto ko para makaligo na, punong puno na kasi ako ng pawis eh.

Dahan dahan akong nag lakad papunta ng kwarto ko, mag aala sais pa lang kasi at alam ko hanggang ngayon tulog pa rin 'tong si Rence na nasa tapat lang ng kwarto ko ang kwarto niya.

Binuksan ko yung pinto ng kwarto ko at dahan dagan itong sinarado. Dumiretso na din ako ng lakad papunta sa kabinet dito sa kwarto ko para maka kuha ng damit na isusuot ko. Kumuha ako ng isang plain white t-shirt, undergarments, isang camouflage jogger pants na maong na may prints ng parang sa army. Pagka tapos ihanda ang mga damit na susuotin ko ay agad ko na kinuha ang twalya ko at pumasok na sa loob ng banyo para maligo.

Tumagal din ako sa loob ng banyo ng halos kalahating oras bago lumabas kaso pag labas ko nagulat na lang ako kasi bukas na yung pinto at nandun na si Rhoda.

"Waaaaaah!!!" Sigaw ko at todo hawak sa nakatapis na tuwalya sa katawan ko, habang yung tubig sa buhok ko ay tumutulo pa sa sahig.

"Ano ba naman yan Rhod! Anong ginagawa mo dito!? Tsaaka isara mo nga yang pinto magbibihis ako eh," sabi ko kaya agad niya namang sinara ang pinto pero pumasok pa rin siya sa loob ng kwarto ko.

"Cat may kasama ka ba dito kanina?" Tanong niya sakin na ipinag takha ko.

"Huh? Wala naman, kakagaling ko lang sa pagligo eh, bakit?" Sagot ko sa kanya habang sinusuot yung undergarments ko, sanay na naman na akong mag bihis sa harapan nila, ganyan din naman sila sakin eh.

"Sure ka?" Paninigurado niya at tumango naman ako sa kanya.

Ano bang problema nito?

"May problema ba?" Nagtatakhang tanong ko sa kanya.

"Kung ganun eh sino yung babaeng nakita ko dito kanina?" Tanong niya sa akin kaya napa isip na lang din ako pero baka maid lang din yun.

"Malay ko baka maid lang," sagot ko na lang sa kanya at nagtungo sa vanity table ko para mag ayos ng sarili ko, kakatapos ko lang kasing mag bihis. Pagka bukas ko ng drawer ng vanity table para sana kunin ang hairbrush ko ay iba ang nakita ko.

"Ano 'to?" Tanong ko kaya lumapit naman agad sakin si Rhoda at tinignan din ang tinitignan ko at nakita niya ang isang lumang box na pula.

"Ano yan?" Tanong niya sakin pero di ko siya sinagot at kinuha lang ang box tsaka pinatong ito sa ibabaw ng vanity table.

Ang ganda naman ng box na 'to. Ano kayang laman?

Bubuksan ko na sana ng may maramdaman akong presensyang nakatingin samin, hindi, sakin pala.

"Cat," tawag ni Rhoda sakin at tumango naman ako sa kanya.

"Yeah I know," sabi ko at natahimik na kaming dalawa. Pinakiramdaman ko ang paligid at ramdam kong nasa may pinto banda ang nilalang na nakatingin samin ngayon. Kasabay ng pagka wala ni Rhoda sa tabi ko ay ang pagka wala na rin ng nilalang na naka tingin sakin kanina kaya naisipan kong buksan na ang kahon at doon ko nakita ang isang napaka gandang kwintas na may pendant na isang phoenix na napapalibutan ng apoy.

"Wooooooow!!!!" Nasabi ko na lamang habang hawak hawak ang kwintas sa kamay ko.

Kanino kaya 'to galing? Baka kay Rhoda galing 'to kasi siya lang naman ang nandito kanina eh.

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon