Special Chapter: Eryell 7

61 2 0
                                        

*Eryell's POV*

Nandito lang ako ngayon sa May kwarto ko, nagiisip kung paano ko ba matatapos ang misyon ko. Hindi ito isang misyong binigay nila master Yashida, misyon ko to sa sarili ko. Kailangan ko siyang mahanap agad.

Agad kong kinuha ang cellphone ko ng tumunog ito at sinagot ang tawag.

"Hello?" Tanong ko.

"Prinsesa Eryell, may ibabalita po ko about sa Minsata Massacre," sagot ng taong nasa kabilang linya at napansin ko agad na si Brian ang nagsasalita.

"Tell me," sabi ko sa kanya sa seryosong tono.

"Meron po kaming nahuling kasamahan nila," sabi niya at napatayo ako agad.

"Pupunta na ko diyan. Siguraduhin niyong di siya makakatakas," sabi ko sa kanya at agad na nag-ayos. Paglabas ko ng kwarto ko ay nakita kong nakatayo si Nicolo doon pero di ko siya pinansin at lalagpasan na sana ng hawakan niya ko sa may siko.

"Bakit? Bitawan mo ko, nagmamadali ako," sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang pagkakahawak niya hanggang sa tuluyan na nga kong nakawala sa hawak niya at pinagpatuloy ko na ang paglalakad palabas ng palasyo.

"Nagmamadali? Saan ka pupunta?" Tanong niya habang sinusundan ako pero di ko siya sinagot.

"Hoy Eryell!" Sigaw niya pero mas binilisan ko pa ang paglalakad ko ha hanggang sa gamitin ko na nga ang vampire speed ko. Hindi ko na rin naman nararamdaman ang presensya ni Nicolo sa likuran ko, siguro di niya na ko sinundan.

Mas mabuti nga yun.

Tuloy-tuloy na kong naglakad papunta sa portal hanggang sa makapasok na nga ko at tuluyang makalabas sa portal sa mansyon.

*Nicolo's POV*

"Hoy! Eryell!" Sigaw ko pero di niya ko pinapansin.

"Er~" napahinto ako sa paglalakad ng may biglang nagtakip ng bibig ko kaya agad ko naman itong tinanggal at hinarap ang kung sino man 'to.

"Rhoda? May kailangan ka ba kasi kung wala, kailangan ko pang sundan si Eryell," Sabi ko sa kanya at maglalakad na sana kaso pinigilan niya na naman ako.

"Hayaan mo muna siya," sabi niya kaya napakunot noo naman ako.

"Pero~"

"Hayaan mo muna siya," seryosong pagkakasabi niya at umalis na.

Hindi ko alam kung bakit kailangan kong hayaan lang si Eryell, hindi naman sa ano pero kasi, iba ang nararamdaman kong presensya niya kanina eh, yung tipong papatay.

"Prinsipe Nicolo?" Biglang tawag sakin ng isang maid.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Pinapatawag ka po ng dating reyna," sabi nito habang nakayuko.

"Sige, salamat," sabi ko rito at naglakad na papunta sa library kung saan laging nag-lalagi si tita Josephine.

Pagdating ko sa may pinto ng library ay kumatok ako dito at agad ko naman siyang narinig na nagsabi ng pasok kaya binuksan ko na ang pinto at pumasok na sa loob. Agad ko rin namang nakita si tita na nakaupo sa isang upuan habang nakatingin sa isang photobook na nakapatong sa isang lamesang gawa sa kahoy.

"Tita? Pinapatawag mo daw po ko?" Tanong ko kay tita.

"Halika tignan mo 'to," sabi ni tita kaya lumapit naman ako agad sa kanya.

"Ano po ba yan?" Tanong ko sa kanya at tinignan ang photobook na tinitignan niya kanina pagpasok ko.

Nang makita ko ang picture na tinitignan niya ay nagulat ako at napako ang tingin sa isang babaeng bampira na nasa litrato.

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon