This book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️
Contents:
*Special Chapter: Neca 1-14
*Special Chapter: Eryell 1-14
*Special Chapter: Rhoda 1-14
*Special Chapter: Catliya 1-14
*Special Chapter: Andrea 1-14
*Special...
"Naabnoy ka lang yata Rhod or baka kulang ka lang sa aruga ng jowa mo?" Tanong ko sa kanya kaya binatukan niya naman ako.
"G*ga! Alagang-alaga ako nun no," proud niya namang sabi sa akin.
"Sana all na lang," sabi ko na lang at tumayo na tapos pumunta ng cabinet.
"Magsasanay ako sa project room natin, gusto mo sumama?" Tanong ko sa kanya.
"Sige sige," sagot niya naman pero nahiga na muna siya sa sofa at nag-isip-isip habang ako naman ay nagbihis na sa CR. Paglabas ko ay dumiretso ako sa vanity table niya at sinuklay ang buhok ko.
"Hoy babaita huwag mo na isipin yun," sigaw ko kay Rhoda ng mapansin sa salamin na nakatulala pa rin siya at mukhang malalim ang iniisip.
"Eh kasi naman Dre and weird lang kasi talaga," sagot niya naman sa akin.
"Anong weird dun? Nababaliw ka lang talaga," sabi ko habang tinatali ang buhok ko sa isang ponytail.
"Hoy di ako baliw ha ga~" hindi niya na natapos ang pagmumura sa akin ng biglang may kumatok sa pinto, lumapit naman agad ako dito at binuksan yun.
"Ano to?" Tanong ko habang nakatingin sa bagay na nasa sahig.
"Ang alin?" Tanong ni Rhoda sakin.
"Eto oh," sabi ko tsaka pinulot yung nasa sahig at pinakita sa kanya ang isang antique jewelry box na may sirena, dolphin, shells at seaweed na design.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Anong laman?" Tanong ni Rhoda sakin.
"Di ko rin alam eh," sabi ko at naupo sa tabi ni Rhoda. Chineck ko muna ang ilalim at palibot ng jewelry box tsaka na ito binuksan. Nakisilip din si Rhoda sa laman ng box. Isang kwintas na silver at may pendant na kulay asul na parang isang tulo ng tubig ang nasa loob.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ang ganda naman nito," puno ng pagkamanghang sabi ko ng makita ang kwintas.
Waaaah ang ganda!
"Dre, kanino galing yan?" Tanong ni Rhoda sakin.
"Hindi ko alam eh, pagbukas ko ng pinto nandun na agad sa labas," sagot ko sa kanya at dali-dali naman nag punta sa pinto si Rhoda at tinignan sa paligid pero wala akong nakitang kahit na sino hanggang sa magbukas ang pinto ng kwarto ni Andrew na nasa tapat lang ng pinto ng kwarto ko.