*Neca's POV*
Nandito kami ngayon sa sala, naglalaro ng chess at dalawang araw ko nang hindi pinapansin si Kevin nagtataka na nga ang mga kaibigan ko eh pero anong magagawa ko eh sa natatakot akong tanungin niya ako ulit ng tungkol sa pamilya ko.
Oh wait may pamilya nga ba ako noon pa lang?
"Neca," tawag sakin ni Andrea na naghihintay sa tira ko kaya tumingin ako sa kanya.
"Bakit Dre?" Tanong ko.
"What's wrong? Masyado kang tahimik these past two days," sabi niya at napaiwas na lang ako ng tingin.
"W-wala," sagot ko sa kanya.
"Tsk! So ano nga?" Tanong niya ulit pero umiling lang ako.
"Bilis na," kulit niya pa kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsigaw,
"Wala nga! Ba't ba ayaw mong maniwala!?"
Pagkatapos ay umalis na ako dun at lumabas ng palasyo, naglalakad lang ako, Hindi ko alam kung saan na ako papunta pero mas mabuti na 'to kesa sa kanila ko pa maibuntong ang galit ko.
Habang naglalakad ay may naramdaman akong sumusunod sakin pero hindi ako nagpahalata na alam ko na at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang malawak na damuhan, hindi pa rin ako kumibo, hihintayin ko ang pagsugod niya.
Isang kaluskos sa kanan ang narinig ko pero hinayaan ko lamang ito at patuloy na nakiramdam sa paligid ng bigla na lamang ako nakaramdam ng isang matulis na bagay sa tagiliran ko.
"Tumahimik ka kung ayaw mong masaktan," sabi ng lalaki sa likod ko.
Bakit parang pamilyar ang boses niya?
"Bakit mo ko sinusundan?" Balewala ko sa babala niya at tinanong pa rin siya kaya naman ay diniin niya pa ang patalim na hawak niya sa tagiliran ko at ramdam ko na nakagawa na ito ng sugat.
"Kailangan mong sumama sakin kung hindi papatayin kita ngayon din," sabi niya at nagsimula ng lumakad kaya napalakad na rin ako pero hindi pa man kami nakaka-alis sa lugar na yun ay naramdaman ko na lang ang biglaang pagtalsik ng lalaki sa likuran ko kaya agad akong napatingin rito at laking gulat ko sa kung sino ang lalaking sumusunod sakin kanina at bigla na lamang siyang nawala.
"Tsk! I told you don't talk to him again!" Halata sa boses ni Kevin ang galit kaya napayuko na lamang ako.
"B-bakit niya ako sinusundan kanina?" Tanong ko kay Kevin.
"He's a spy sent here to observe and take you to their territory," sagot niya.
"Spy? Si Bryle?" Tanong ko sa kanya at tumango lang siya.
"Tsk nalaman ko lang nung araw na~ what the? Your bleeding!" Sigaw niya kaya napatingin naman ako dun sa tagiliran ko and yes he's right dumudugo na nga ito at namantsahan na rin ang damit ko.
"D*mn it!" Mura niya at bigla na lang akong kinarga at tumakbo ng pagkabilis-bilis pabalik ng palasyo hanggang sa makarating kami sa may kwarto niya.
"Bakit dito? Diba dapat sa may clinic?" Tanong ko sa kanya ng nilalapag niya na ako sa kama niya. Natulala pa siya nung tinanong ko siya at para bang nag isip muna ng isasagot.
"The clinic is close," sabi niya kaya tumango na lang ako at siya naman ay pumasok sa banyo at paglabas niya ay may hawak-hawak na siyang box, first aid kit siguro.
"Akin na," sabi niya kaya tinanggal ko na muna yung t-shirt ko, don't worry may bra pa ako.
"What the hell are you doing?" Tanong niya ng naka-iwas ng tingin at medyo namumula pa.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasiThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
