*Neca's POV*
Nandito kami ngayon sa may banquet room, yung venue kung saan mangyayari ang welcome party ng mag-asawa at eto kumakain kami ngayon.
"So kelan ka pa nga dumating?" Tanong ko kay Joanna na umiinom ng juice.
"Hmm, sarap nito ah, si Catliya ba gumawa nito?" Tanong ng bruha na para bang hindi ko siya tinanong.
"Eh kung sagutin mo kaya muna yung tanong ko? Sungalngalin kita ng baso diyan eh," sabi ko sa kanya.
"Hahaha chill lang Nec, eto naman porket naudlot lang yung spg niyo ni Kevin eh ganyan ka na sakin," nakangising sabi niya kaya naman nagtatakang mga tingin naman ang ginawad nila Andrea sakin.
"Hindi naman kami mag-a-ano ni Kevin ah," sabi ko naman agad sa kanila.
"Sus! Di daw eh, nakahubad na kaya si Kevin kanina at ikaw pa yung humahalik sa kanya," sabi naman niya kaya napakunot ang noo ko.
"Anong halik? Eh ninanakawan ko nga lang ng halik yun eh," sabi ko sa kanila at agad din namang napatakip ng kamay sa bibig habang nanlalaki ang mga mata.
Ayan na nadulas na ko, lintek naman oh.
"Ano? So ibig sabihin nag-kiss na nga kayo at ikaw ang nag-initiate?" Pagkaklaro ni Eryell magsisinungaling pa sana ako kaso bigla namang nagsalita si Rhoda.
"Huwag ka ng magsinungaling," sabi niya kaya no choice ako at umamin na lang gamit ang pag-tango at ang nga g*ga eh tumili pa kaya ang ending eh sa isang kisap lang eh nandito na yung mga mate namin.
"What happened!?" Sigaw nila, take note sabay pa silang anim kaya napaiwas naman ako ng tingin.
"Hahaha wala hubby, may pinag-uusapan lang kami," sagot ni Joanna sa asawa niyang nasa kanan niya.
"Oh okay," sagot naman ni Jason at umalis na silang anim pero bago pa man maka-alis ng tuluyan si Kevin ay tinawag na siya ni Joanna.
"Hoy! Babae ano na namang pinaplano mo?" Tanong ko sa kay Jo na naka-ngisi lang at lumapit kay Kevin tapos may binulong dito at kita ko naman yung pagkunot ng noo ni Kevin tapos ang pagtapik-tapik ni Joanna sa likod niya.
"Basta gawin mo na lang," na rinig naming sabi ni Joanna kay Kevin at ang pag-tango nito tapos umalis na.
"Anong sinabi mo sa kanya?" Tanong ko sa kanya pero nginisihan niya lang ako kaya sinamaan ko na siya ng tingin.
"Don't worry Nec, pasasalamatan mo din ako," sabi niya ng nakangisi pa rin.
"Tsk! Ewan ko sayo. Hanggang ngayon di mo pa rin sinasagot ang tanong ko," sabi ko sa kanya.
"The same time na nakita ko kayo ni Kevin," sabi niya.
"At talagang timing pa dun ha," sabi ko sa kanya at natawa na lang kaming anim.
"Pero maiba tayo, Jo, ano? Kamusta ang honeymoon?" Tanong ni Eryell kay Joanna.
"Hmm? Okay naman hehe bakit?" Sagot naman ng isa.
"Ano? Ganun lang? Kwento mo lahat," sabi naman ni Andrea.
"Nasuko mo na ang bataan? Kamusta ang first night?" Tanong ko naman.
"Malaki ba?" Tanong ni Rhoda.
"Masarap?" Tanong ni Catliya.
"Teka...teka...teka! Isa-isa lang okay?" Natatawang sabi ni Joanna.
"So ano ngang nangyari!?" Sabay naming limang sigaw sa kanya.
"Wow, kailangan sumigaw?" Sarcastic na tanong ni Jo.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
