*Rhoda's POV*
Nandito kami ngayon ni Aldrin sa may hideout.
"Yow princess" bati sakin ni Mark nang makarating kami ni Aldrin sa parking lot ng hideout
"Buhay ka pa pala?" Pabirong bati ko din sa kanya
"Siyempre naman ako pa ba?" Sagot naman niya na puno ng yabang kaya napataas ang kilay ko
"Sana nga sa next mission mo mamatay ka na dun eh" pabiro kong sabi ulit sa kanya
"Grabe naman Mae-chan, madaming iiyak na babae pag ako namatay" sabi niya pa kaya napailing na lang ako
Ang yabang
"Ehem" biglang tikhim naman ni Aldrin sa tabi ko
"Bakit? May ubo ka ba?" Tanong ko sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin
"Sus selos ka naman agad" tuksong sabi ko sa kanya pero di niya ko pinansin at tumingin lang kay Mark ng masama
"Sabi ko nga aalis na ko" sabi ni Mark at umalis na
"Hoy Mark-kun!" Tawag ko sa naglalakad na palayo na si Mark
"Oh?" Tanong niya ng hindi man lang lumilingon pero huminto naman siya sa paglalakad
"Samahan mo kami papunta kay nanay" sabi ko sa kanya at napalingon naman siya
"Alam mo naman kung saan yun ah ba't kailangan ko pa sumama?" Tanong niya
"Nakalimutan ko na eh" sagot ko sa kanya. Sa dami ba naman ng iniisip ko nitong mga nakaraang araw eh
"Aish sige na nga" pagpayag naman niya agad
"Bihis lang ako" dagdag niya pa
"Kailangan pa talaga magbihis?" Tanong ko sa kanya
"Siyempre malay mo may chikababes akong makita dun" sabi niya sabay wink
"G*go! Magbagong buhay ka na hoy!" Sigaw ko ulit sa kanya pero siya natawa lang at umalis na para magbihis
"Bakit kailangan kasama pa yun?" Tanong ni Aldrin habang nakasandal sa sasakyan ko
"Kasi po di ko na maalala yung daan papunta kanila nanay" sagot ko naman sa kanya
"Tsk" reklamo niya kaya pinisil ko na lang siya sa mga pisngi niya
"Napaka seloso talaga" sabi ko habang pisil-pisil pa din ang pisngi niya
"Don't worry ikaw lang mahal ko" sabi ko sa kanya at napansin ko naman ang pagngiti niya
"Uy kinilig" tukso ko at tinusok-tusok siya sa tagiliran niya kaso walang epekto, wala nga palang kiliti 'to.
"Tara na Mae-chan" biglang sulpot naman ni Mark na di naman nakapagpalit ng damit
"Oh? Akala ko ba magbibihis ka?" Tanong ko sa kanya at inabot ang susi ng kotse sa kanya, siya kasi pagda-drivin ko
"Naalala ko kasi na di ko na pala kailangan magpapogi pa kasi inborn na kong pogi eh" sabi niya sabay abot ng susi at pasok sa driver's seat. Binuksan ko na din ang pinto sa backseat at pumasok na, sumunod naman sakin si Aldrin tsaka sinara ang pinto ng kotse
"So driver niyo ko?" Di makapaniwalang sabi ni Mark
"Malamang. Ikaw lang naman nakakaalala nung daan papunta kanila nanay eh" sagot ko sa kanya at pinikit ang mga ko
"Sa gwap~" di ko na siya pinatapos sa sinasabi niya at sinaway na kaagad
"Shut up! I'm going to sleep"
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasíaThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
