Special Chapter: Andrea 4

34 4 0
                                        

*Andrea's POV*

"Hoo! Kapagod!" Sabi ni Catliya at pinunasan ang ilang butil ng pawis sa noo niya.

T*ngina nito, di pa tinamaan.
"Tsk. Sige na mag-a-assign na ako ng kung sino ang naka-toka sa mga kailangan gawin," sabi ko kaya naging seryoso na kaming lahat at nag lakad na palapit dun sa lamaesa.

"Eryell at Nicolo kayong dalawa ang bahala sa mga gifts na ibibigay natin sa kanila Joanna at Jason," sabi ni ko sa kanilang dalawa.

"Ha? Kami na lang ni Neca ang magkasama," reklamo agad ni Eryell tapos agad ding umangal si Neca.

"Eh? Hindi, tama lang yan na kayo ang magkasama since hindi pa natin masyadong kabisado itong lugar nila," sabi ni Neca.

May binabalak 'to.

"Aish!" Reklamo ni Eryell.

"May problema ba tayo, Eryell Aleho?" Malamig na tanong ko kay Eryell.

Reklamo pa kasi eh, bibili lang naman ng regalo.

"Wala," labas sa ilong na sagot ni Eryell pero di ko na lang ito pinansin.

"Don't worry baby, ayaw mo nun? Instant date natin yun," sabi ni Nicolo sa kanya sabay kindat pa.

Eww!

"G*go," sagot naman ni Eryell sa kanya.

"Tss. Tama na yan, Catliya at Rence kayo na ang bahala s~" pag tawag ko sa kanilang dalawa kaso pinutol naman agad ni Rence yung sasabihin ko kaya tumingin naman ako sa kanya ng masama.

"Kami na ang bahala sa pagkaing ihahanda," Sabat naman ni Rence sa sinasabi ko kaya sinamaan lang siya nito ng tingin.

Tsk! Epal din to eh, pareho talaga sila ni Catliya.

"Rhoda at Aldrin, kayo na ang bahala sa banner," sabi ko at tumango naman sila Rhoda at Aldrin. Napansin ko agad ang pag tingin ni Catliya sa kanilang dalawa ni Aldrin at Rhoda at alam kong alam ni Rhoda na nakatingin si Catliya sa kanya kasi parang pilit niyang iniiwas ang mga tingin niya kay Catliya.

"Kami na ni Andrew ang bahala sa kung paano mangyayari ang surprise natin sa kanila," sabi ko sa kanila ng nakangiti.

Hehehe this is my chance.

"Teka, Dre, pano naman kami ni Kevin? Wala kaming gagawin?" Tanong ni Neca sakin kaya napatingin naman ako sa kanya.

"Nope, Meron, kayong dalawa ang bahalang magdesign ng venue kung saan ise-celebrate ang pagdating nila," sabi ko kaya tumango naman si Neca sa akin at napansin ko ang pag ngisi nito.

Ayan para masolo mo din yang bakla mong jowa at para maganda din yung maging resulta ng gawa niyo sa venue.

Pagka tapos kong sabihin ang mga kanya kanya nilang toka ay nag usap usap na din naman na ang mga magpapares na tinoka ko at ang iba sa kanila ay lumabas na ng project room, gaya nila Catliya at Rence tsaka Neca at Kevin. Siguro magpapractice pa yun sila Catliya at Rence ng lulutuin nila, ewan ko nga lang kung marunong ba si Rence mag luto. Sila ni Neca at Kevin baka naghanap na ng lugar kung saan gaganapin yung welcome home party ng bagong kasal.

"Dre, una na din muna kami ha, mag research lang," sabi ni Rhoda sa akin kaya tumango na lang ako sa kanya at umalis na din sila ni Aldrin.

Kami na lang nila Eryell, Nicolo at Andrew ang natitira dito sa may project room at ang ingay nitong dalawang kasama namin.

"Hoy! Ang ingay niyo!" Saway ko sa dalawa kaya napatingin naman silang dalawa sakin at nag simula na mag lakad papuntang elevator si Eryell.

"Una na ko Dre," paalam nito habang tuloy tuloy pa rin sa pag lalakad papuntang elevator.

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon