*Eryell's Pov*
Nandito kami ngayon sa may project na ginawa namin sa may secret passage.
Well, ako naman ay naka-upo lang dito sa sofa habang pinapanuod sila ni Andrea na nag-uusap.
"Good morning," biglang sulpot ng isang bwisit sa harapan ko habang naka-todo ngiti pa.
"walang good sa morning," walang ganang sagot ko sa kanya at kinuha ang baril kong naka-lagay sa may gun pocket sa may legs ko banda at nilinisan muna ito, walang magawa eh.
"marami kayang good sa morning lalo na kung ako ang unang-una mong makikita," sabi pa ni Nicolo at umupo sa tabi ko kaya agad ko siyang hinarap at ngumiti ng pagkatamis-tamis sa kanya.
"talaga?" tanong ko sa kanya ng naka-ngiti pa rin at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pasimple niyang pag-ngisi.
"oo naman, gusto mo bang masubukan, kahit na isang araw lang," sabi naman niya habang naka-tukod ang kaliwang kamay niya sa sandalan ng sofa.
"hmm...sige," sabi ko sa kanya.
"Talaga? Wala ng bawi~" agad kong pinutol ang sasabihin niya ng nilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya.
"Payag ako sa oras na mamatay ka na," sabi ko ng naka-ngiti sa kanya at agad ng binalik ang tapos ko ng linisin na baril ko sa gun pocket ko at lumapit na sa kanila Andrea.
"Nandito na ba ang lahat?" tanong ni Andrea ng maka-lapit ako sa kanila kaya nilibot ko rin ang tingin ko sa paligid at napansing wala pa si Neca.
"Wala pa si Neca," sabi ko kay Andrea kaya napa-tingin naman siya sakin ng masama.
Oh? Anong kasalanan ko?
"Puntahan mo nga dun sa kwarto niya at kaladkarin papunta dito," sabi sakin ni Andrea kaya tumango na lang ako at nag-simula ng mag-lakad papunta sa kwarto ni Neca.
Habang nag-lalakad ako palayo ay may naririnig akong iba't ibang ingay sa paligid.
"Ano kayang magandang suotin?"
"Grabe, ilang taon pa ba ako maninilbihan dito bilang katulong?"
"Haay, hindi ko na naman makita si Prinsipe Andrew"
"Nasan na kaya ang mga Prinsipe?"
"Kailan kaya ako ulit papapuntahin ni Prinsipe Nicolo sa kwarto niya?"
Di ko napigilan ang pagtaas ng kanang kilay ko sa huling narinig ko.
"Ah so pinapa-punta niya pala ang mga maid sa kwarto niya? Grabe napaka talaga ng lalaking yun," naiinis na bulong ko.
Para lang naman mag-linis, wala ng iba pang rason.
Napa-tigil ako sa pag-lalakad ng may sumagot sa sinabi ko kaya agad kong pinakiramdaman ang paligid pero wala namang ibang bampira o ano mang nilalang ang nandito.
"Baliw na yata ako," bigla kong naisip at nag-patuloy na sa pag-lalakad.
"No, your not," sagot na naman ng kung sino kaya napa-tigil na naman ako sa pag-lalakad.
"what the f*ck?" naisambit ko na lang. Hindi naman ako matatakutin, di gaya ni Joanna pero kasi naman bakit may sumasagot sakin eh ako lang naman mag-isa dito sa may pasilyo ngayon.
"Pfft...don't worry, ako lang 'to, si Nicolo, ang gwapo mong mate," sabi ng g*go kaya nainis na ko.
"Eh sa g*go ka palang lintek ka eh...ano na namang pumasok diyan sa kokote mo at bigla-bigla ka na lang sumasabat diyan ha?" inis na sigaw ko dito sa pasilyo at nilibot ang tingin sa paligid para hanapin kung nasaan ang g*gong Nicolo na yun pero wala naman siya dito.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
