*Eryell's POV*
Nandito kami ngayon sa may throne room, pinatawag kasi kami ni tita Josephine eh.
"Nasan na ang iba?" Tanong ni tita Josephine kaya tumingin-tingin rin ako sa paligid at napansin na wala pa sila Kevin, Neca at Nicolo dito.
Nasan na naman kaya yung playboy na yun?
"For sure sila Neca at Kevin magkasama yun," sabi ni Catliya.
"Hahahaha yun pang si Neca, eh tinamaan yata ng todo kay Kevin eh," sabi naman ni Rhoda.
"Ano na kayang status nung dalawa?" Tanong naman ni Rence.
"Let them be. It's their own love life anyways," nakakadugong sabi naman ni Andrew.
"My gosh! Andrew please lang ki-aga-aga, huwag kang mag-english," saway ko naman sa kanya. Ang sakit sa ulo eh.
"Hahahahaha," tawanan naman nila tita Josephine at tita Violet.
"Ay tita bakit niyo nga pal~" hindi na natapos ni Andrea ang kanyang sinasabi ng biglang bumukas ang pinto ng throne room at bumungad saming lahat ang mag-asawang sing-lamig ng bagyo ng yelo.
"Hi b*tches we're back!" Bati ni Joanna saming lahat.
"Kasama ba kami dun sa b*tches ha Joanna?" Nakakatakot na tanong ni tita Violet kaya napaiwas naman kami ng tingin sa kanya.
"Hahaha why not tita?" Matapang sagot naman ni Joanna sa kanya.
Gusto na yata nito mamatay.
"You're really suited for my nephew," nakangising sabi naman ni tita Violet.
Iba rin takbo ng utak ng mga to eh.
"What was that Eryell Aleho?" Biglang lumihis ang tingin ni tita Violet sakin kaya napailing na lang ako.
"Good," sabi niya na lang.
"Ba't kayo lang? Nasan sila Kevin at Neca? Pati na yung jowa mo Eryell nasan?" Tanong naman ni Joanna.
"Hindi ko alam kung nasan sila Neca at Kevin at mas lalong hindi ko alam kung nasan si Nicolo," sagot ko naman sa kanya.
"Woah! So di mo tinatanggi na jowa mo na si Nicolo?" Natutuwang tanong naman ni Rhoda.
"G*ga wala akong jowang playboy," sigaw ko sa kanya.
"Hey babe, where are you going?" Narinig naman naming sigaw ni Jason sa lumalakad na palabas ng room na si Joanna.
"I'm going to Neca's room," sagot naman ni Joanna at nawala na lang siya paningin namin.
"So... Tita, ano nga po ulit yung reason kung ba't niyo kami pinapunta dito?" Tanong ulit ni Andrea.
"Dahil sa pag-uwi nitong dalawa," sagot naman ni tita Josephine kaya napa tango-tango na lang kami.
"Why mom? Is there something wrong?" Tanong naman ni Jason habang lumalakad palapit sa nanay niya at halik sa pisngi nito.
"Nothing son. Need lang kasing ihanda na agad yung venue para sa welcome-home-party niyo," sagot naman ni tita.
"That's not necessary mom," sabi naman ni Jason pero umiling lang si tita Josephine.
"Jane!!!" Sigaw ni tita Josephine at may pumasok na isang maid sa loob ng throne room.
"Ano pong maipaglilingkod ko, mahal na reyna?" Pormal na tanong ng maid.
"Sabihan mo lahat ng mga katulong na ihanda na ang venue para sa welcome-home-party ng aking mga anak," utos ni tita Josephine sa babae at yumuko naman ito pabalik pero di nakatakas sa paningin ko ang pag tingin niya sakin at ang biglang pag-taas ng kilay niya.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
