*Catliya's POV*
Pagkatapos kumain ay nag lakad lakad muna ako sa may garden para mapababa yung kinain ko, ang dami ko pa namang nakain ngayong araw.
Habang nag lalakad ay napansin ko kaagad na may nakasunod sa akin kaya kinuha ko kaagad ang isang kutsilyo na naka siksik sa knife sheath na naka sabit sa harapan ko.
Palapit na ng palapit sakin yung nilalang na sumusunod sa akin kaya hinanda ko na ang sarili ko. Nang maramdaman ko na malapit na siya sakin ay agad akong lumingon at hinablot ang kanang kamay nito papunta sa likuran niya tsaka ko tinutok sa leeg niya ang talim ng kutsilyong hawak hawak ko.
"Woah woah woah," rinig kong sabi ng lalaki na pamilyar sa akin ang boses.
"Teka, Cat ako 'to," sabi ng lalaki at ng mabosesan ko na ito ay agad ko din naman siyang binitawan.
"Ano ba kasing ginagawa mo Rence at sinusundan mo ko!?" Inis na sabi ko sa kanya.
"Yan tuloy muntik na kita mapatay," dagdag ko pa.
"Sorry, gugulatin sana kita eh kaso naunahan mo ko," sabi niya sakin kaya tinaasan ko nga ng kilay.
"Nakalimutan mo na ba na isang akong bampira at the same time ay isang mafia princess?" Tanong ko sa kanya habang naka taas ang kilay kaya napa kamot na lang siya sa ulo niya.
"Ah hehe sorry," sabi ni Rence kaya napa iling na lang ako.
"Oh, anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Meron ka pang di nasasabi sakin," sabi ni Rence na ipinag takha ko.
"Ang alin?" Tanong ko sa kanya.
"Nakimutan mo na ba yung pangako mo na magkwe kwento ka rin tungkol sa nakaraan mo?" Tanong niya sakin. Doon ko lamang naalala yung napag usapan namin kanina.
"Ahh oo nga pala no?" Sabi ko na lang sa kanya.
"So? Simulan na natin," sabi ni Rence at nag tingin tingin sa paligid.
"Tara dun tayo," sabi niya at tinuro ang isang bench sa gilid ng isang wishing well, base sa nakalagay na sign sa tabi nito, kaya nag lakad kaming dalawa papunta doon tsaka kami naupo. Nung una ay nababalot pa kami ng katahimikan pero maya maya lang ay binasag ko na ito.
"So, sisimulan ko na ba?" Tanong ko kay Rence at lumingon sa kanya. Napansin kong naka tingin na pala siya sakin kaya tinaasan ko lang siya ng kilay kaya ngumiti naman siya agad.
"Sige lang, mag kwento ka na, makikinig lang ako," sabi niya kaya tumango na lang ako sa kanya.
"Uhm sige, well, sa una talaga wala naman akong balak maging miyembro ng isang mafia," panimula ko.
"Normal lang na buhay ang meron ako kasama ang isang kapatid ko tsaka ang mga magulang namin," sabi ko, tahimik lang siyang nakikinig kaya pinag patuloy ko ang pagku kwento.
"Hindi naman perpekto yung buhay namin dati at hindi rin kami mayaman pero hindi din naman kami sobrang mahirap. Sakto lang na nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw," sabi ko at tumingin sa kalangitan.
"Pero sa isang araw lang, biglang nag bago lahat ng mga yun," sabi ko at napa ngiti na lang ng mapait.
"Anong nangyari?" Tanong ni Rence.
"Namamasyal kasi kami sa plaza nung mga nasa siyam na taong gulang pa lang ako tapos yung kapatid ko naman ay anim na taon pa lamang," pag tuloy ko sa kwento.
"Habang nasa plaza kami at nag hihinta sa pila ng carousel tapos ang mga magulang naman namin ay naka upo lang sa may isang bench na medyo may kalayuan sa carousel pero kita pa rin naman namin sila, pagod na kasi silang dalawa mag lakad pero kami nag eenjoy pa masyado," dagdag ko.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
